GENES for HIRE
by...emzalbino
Chapter 8...."Lovely!...Lovely!" tawag ni Elly sa taong nakita nito at maya maya ay lumingon at nanlaki ang mga mata ng makita nito kung sino ang tumatawag sa kanya.
"E-Elly!" nanlalaki ang mga mata ni Lovely ng makita si Elly. Hindi siya makapaniwala na makikita niya ito, mahigit dalawang taon narin ang nakakalipas mula ng huli silang nagkita at mula noong nalamang buntis na si Czarinna ay hindi na niya ito pinuntahan pa sa kanyang trabaho dahil iyon ang pakiusap ni Czarinna ang putulin nito ang komunikasyon kay Elly.
"Ako nga Lovely!" masayang sagot ni Elly......."Kumusta na Lovely? Kumusta na si Czarinna at iyong.....iyong baby, I mean is iyong baby namin?" lakas loob na tanong ni Elly kay Lovely.
"Ah, eh!" hindi makasagot ng deritso si Lovely dahil sa pagkakabigla nito ng makita si Elly.
"Bakit Lovely, may problema ba?" alalang tanong ni Elly.
"Ka-kasi Elly, wa-wala naman akong balita na kay Czarinna mula ng nagpunta ito ng States.". nagtagpi tagpi nalang ng sasabihin si Lovely dahil ayaw niyang kagalitan siya ng kanyang kaibigan.
"Imposible naman iyang sinasabi mo Lovely! Alam kong best friend kayo ni Czarinna kaya imposible na wala kang anumang balita sa kanya?" malungkot na sabi ni Elly.
"Elly, I'm sorry pero iyon ang totoo" giit na sagot ni Lovely.
"Lovely, please maawa ka naman sa akin oh! Gusto ko alng malaman kung ano na ang balita sa kanila? Kung ano ba ang anak ko kay Czarinna, kung lalaki ba ito o kaya ay babae?" pilit na tanong ni Elly ngunit iiling iling lang si Lovely.
"Please Lovely, sabihin mo naman sa akin ang tungkol sa anak ko! Saan ba sila sa States para kung sakaling makakuha ako ng bakasyon ay pupuntahan ko sila para makita ko na ang anak ko?" nakikiusap na samo ni Elly kay Lovely ngunit sadyang nagmatigas ito.
"I'm very sorry Elly, gaya ng sabi ko ay wala kang makukuhang impormasyon sa akin. At saka malinaw naman ang usapan niyo noon ni Czarinna na bibigyan mo ng anak at pumayag ka naman, bakit ngayon ay parang naghahabol ka sa baby?"
"Alam ko iyong kasunduan naming iyon Lovely, pero hindi ko mapigilan ang aking sarili na alamin ang tungkol sa bata dahil kahit papaano ay dugo't laman ko iyon! Sorry pero ng malaman kong nagdadalantao na si Czarinna ay parang nagbagong bigla ang aking damdamin. Hindi ko sinasadya ngunit nahulog ang loob ko kay Czarinna, at ang anak namin ay parang nagpaparamdam sa akin. Hindi mo maiaalis na isipin ko ang anak ko dahil dito sa puso ko ay nananabik akong makita siya at mayakap. Gusto kong ipadama sa kanya ang pagmamahal ng isang ama, gusto kong ipaalam sa kanya na mayroon siyang ama na naghihintay sa kanyang pagbabalik" maluha luhang pahayag ni Elly.
Sa mga salitang iyon ni Elly at sa aura ng mukha nito ay naiintindihan ni Lovely ang damdamin ni Elly dahil noon pa man ay sinabi na ni Czarinna ang biglaang pagbago ng desisyon ni Elly ngunit tapat siya sa kanyang kaibigan, gusto sana niyang pagbigyan ito ngunit ayaw niyang masira ang friendship nila ni Czarinna.
"Pasensiya kana Elly but just like what i've said, i can't give any details about Czarinna and her baby dahil wala akong alam diyan!" mariing sabi ni Lovely saka tumalikod na ito patungo ng elevator.
"Wait Lovely!" pigil ni Elly na parang maiiyak na ito......"Please Lovely, kahit kunting impormasyon kang about my baby! Sige na Lovely, please wag mo naman akong pagdamutan!" pilit na itinatago ni Elly ang mga namumuo nitong luha.
"I-I'm sorry!" tanging sagot ni Lovely at umiling ito ng ilang beses kaya naman napatingala nalang si Elly at ikinurap kurap ang mga mata upang hindi tuluyang babagsak ang kanyang mga luha.
