THREE
"Maraming magkakalinga sayo dito hindi ka nila pababayaan. Elaine magpakabait ka dito ha?" hindi pa man sumisinag ang araw ng dinala na ni Loarine si Elaine sa Women's Desk.
Mas minabuti ni Loraine na ilagay sa ligtas si Elaine kesa sa makulong ito. Mahina lang Elaine at hindi nito makakayanan ang buhay sa kulungan lalo pat wala na ito sa matinong kaisipan. Buti pa sa Women's Desk ay marami itong makakasama at may posibilidad na mabuhay ang batang dinadala nito dahil maraming magkakalinga at tutulong dito. Ang sabi pa ng doktor sa Women's Desk matindi ang kapit ng bata sa sinapupunan ni Elaine kahit na uminom na ito ng pampalaglag.
Nangako noon si Loraine sa kanilang ina na poprotektahan niya ang kanyang kakambal kaya siya na lang magpaparaya at magbabayad sa lahat ng kasalanang ginawa ng kanyang kapatid. Pinagpalit niya ang kanilang birthcertificate, ang alam ng mga tao sa Women's Desk ay si Loraine Asuncion ang dinala doon. Pero ang totoo niyan ang totoong Loraine ang dadamputin ng awtoridad.
Matindi ang kasong kinaharap ni Loraine (nagpapanggap na Elaine), Robbery at Murder ang mga kasong sinampa sa kanya. Maaaring habang buhay siyang makulong kung hindi babawasan ang kanyang sentensya. Nangangailangan din siya ng kalahating milyong pampyansa sa kanya. Sa loob ng bente-quatro oras at hindi pa siya nakakapagpiyansa napakaliit na ng chansang makalaya pa siya.
Maging ang tiyang Nelly niya ay napaniwala niyang siya si Elaine. Gumagawa na rin ito ng paraan para matulungan siyang makalaya.
Upang lalong maging makatotohanan ang pagpapalit nilang magkapatid ginaya ni Loraine ang istilo ng buhok ni Elaine kahit pa napakabigat sa dibdib niya ay kailangan niya itong gawin para matulungan ang kanyang kapatid. Handang gawin lahat ni Loraine para sa kanyang kapatid kahit pa sarili niyang reputasyon at dangal ang kapalit nito.
--------------------------------------------
"Elaine Asuncion laya kana" binuksan ng pulis para sa kanya ang bakal na pintuan.
Saglit palng siyang nakakatulog ng gisingin siya ng isang pulis na nagbabantay sa kanilang selda. Magsasampung oras na siyang nakakulong kasama ang iba pang nakakulong. Tumayo siya at pupungas-pungas siyang tumingin sa kanyang relos ala-otso na ng gabi. "Anong kailang mo sakin?" tanong ni Loraine sa pulis.
"May nagpyansa sayo kaya makakalaya kana." deklarasyon ng pulis sa kanya.
"Talaga po? Saan naman kaya kumuha ng pampyansa si Tiyang Nelly?" hindi makapaniwalang tanong niya sa pulis.
"Aba malay ko ba? Bakit ako tinatanongmo eh pinapasabi lang sakin na laya kana." pilosapong turan ng pulis.
Hindi na nia pinansin ang tinuran ng pulis sa kanya. Hindi makapaniwala si Loraine na makakalaya pa siya kahit alm niyang walang posibilidad na didinggin ng Diyos ang kanyang dasal, dahil alm niyang mahihirapang ang kanyang Tiyang Nelly na makahanap ng kalahating milyong piso pampynsa sa kanya.
Hinanap niya ang kanyang Tiyang Nelly pero wala ito sa labas at isang abugado ang lumapit sa kanya. "Congratulation Ms. Elaine Asuncion malaya kana. Anyway ako nga pala si Segundo Mano ang private Lawyer ni Mr. Ivan Montenegro." pagpapakilala nito sa kanya at may inabot din itong isang papeles kay Loraine (nagpapangap na Elaine). "Mr. Montenegro gave it to you and you need to sign that papers."
Bunga ng kalituhan ang totoong pirma ni Loraine ang kanyang ginamit at hindi ang kay Elaine. Siguro namn hindi na iyon mhahalata pa at hindi na rin niya pinag-aksayahan ng panahon na basahin pa kung ano ang nilalaman ng papeles na pinapirma sa kanya.
BINABASA MO ANG
UNI (you and i)
RomanceLoraine, "the greatest martyr of all" ang dakilang kakambal ni Elaine na sumalo lahat ng mga nagawang gusot nito at ang inakala nilang pakawala, rebelde at masamang babae. Ivan; "the ultimate sweet and caring hunk" but when he fell in love. ito na...