Chapter 1

3.1K 40 14
                                    



I hope you'll enjoy it.  Vote and share if you like it! :D

-----------------------------------------------------------------------------------------------

 FRIEND... Did you ever try defining that word with your own words?

 (Ryan's POV)

"I'm sorry, Lea, pero let's break up." Yun ang narinig ko sa labas ng classroom nasaan kasalukuyan ang bestfriend ko. Sh*t! Ang gagong iyon! Kung alam ko lang na iyon ang sasabihin niya sa kaibigan ko. Hindi ko na sana hinayaang pumunta dito si Lea.

"Bakit, Vince? May nagawa ba akong masama?" Alam ko kung ano ang mukha niya ngayon. Sure ako na umiiyak siya.

"Nope. It just that I love someone else." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pumasok na ako sa silid at saka sinuntok sa mukha ang lalaki! Natumba siya.

"Ryan! Huwag!" sabi ni Lea.

"T*ng-*na mo, pre! Akala ko hindi mo sasaktan ang kaibigan ko! Hinayaan lang kitang ligawan siya at ito ang gagawin mo!" sigaw ko sa gago habang nakayakap sa likuran ko si Lea, umiiyak. Tumayo ang gago at saka pinahiram ang dugo mula sa dumudugong labi niya. Magsasalita pa sana ako. Pero..

"Ryan, please huwag."

"Lea..."

"I'm sorry." Yun lang ang sinabi ng gago at saka lumabas na siya sa silid. Kung hindi lang sana nakayakap sa akin si Lea. Sus! Binugbog ko na ang t*ng-*nang taong iyon!

Humihikbi ngayon sa harapan ko ang babaeng mahal ko. Oo, mahal ko siya. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin dahil alam kong hindi naman ako ang gusto niya. Matagal na niyang crush si Vince. At tuwang-tuwa siyang nagkwento sa akin nang nagtanong si Vince kung pwede ba daw siyang ligawan nito. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang tuwa. Ang sakit nga, eh. Dahil alam ko na hindi ako ang dahilan nun. Dahil alam kong kahit kailan hindi niya ako makikita bilang isang lalaki. Ako ang dakilang bestfriend niya, Ryan Montenegro. I'm currently in the zone called FRIENDZONE.

 [Timeskip]

Isang linggo na ang lumipas ng makipagbreak si Vince kay Lea. But it seems for her it was just yesterday. Lagi siyang umiiyak sa kwarto niya. Hindi na rin siya naglalabas. Kasalukuyang nasa labas ako ng kwarto niya. Kumatok ako at saka pumasok.

"Lea..." sabi ko. Nakita ko siya. Nakaupo siya sa kama niya. Umiiyak na naman siya. Her room still looked the same. Nandoon lahat ang mga regalo ni Vince sa kwarto niya. Hindi ko akalain na sa isang taong relasyon nila ay ganoon ang mangyayari. At nangangati pa rin ang mga kamao ko para sa mukha ng gagong iyon. "Lea, bakit hindi mo pa nililinis tong kwarto mo?" Pero hindi siya sumagot. Humiga lang siya sa kama niya. Ang sakit, Lea. Hindi mo lang ba talaga ako makikita?

FRIENDZONED... ~Book One of My Bestfriend's TWIN?~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon