Hindi ko mapigilan ang pangiti ko ng mag-isa habang papunta ako ng school. Shocks, kasi, I’ve got a call from Dawn this morning, dumiretso daw ako ng Clinic, kahit saglit lang naman daw.
Buti na lang maaga akong nakapagbihis, kaya sinunod ko siya, I’m a good follower ^^
And now, here I am, binuksan ko na yung pinto at sabay silang napatingin sakin.
“Neli?! Neli!!”
Yung literal na napaNGA-NGA AKO? :OOOOOOO
Tumakbo siya palapit sakin at niyakap ako. “I’ve missed you so much! Di mo manlang ako tineteks or tinatawagan! Hmmppp >3<”
Hindi ko alam irereact ko. Gosh, for real? He’s back?
Nakita ko namang lumapit si Dawn at kinalabit yung nakayakap sa akin.
“Okay, I think that’s enough, nagulat si Neli eh.” Dawn said. Neli uh? Galing niya talaga maka-adopt sa sitwasyon sa taong nakapaligid sa amin.
Pero, so, totoo nga? Si Doctor Al itong nakayakap sa akin? Kumalas na siya sa akin at nagkamot ng batok. “Pasensya na Nels, Sobrang namiss lang talaga kita eh!”
Napangiti na ako ng malapad. OMYG! I can’t believe this!
Bumalik na nga talaga si Doc Al! This time, ako naman ang yumakap sa kanya ng mahigpit, “Totoo nga! Grabe! Namissed din kita Doc Al,” He hugged me back naman ulit.
Doctor Aldredge Pineda, 24 years old, Doctor ng Medical School na ito, Nung lumipat ako dito, siya ang una kong naging kaibigan, that time kasi bago din siyang hired na doctor, eh tambay ako sa Clinic nun dahil palagi akong shonga-shonga kaya siya ang una kong naging friend, at siya din naman sakin~