Second Chapter: Who are you?

4 1 1
                                    

Gerald's POV

Nandito na'ko nakatayo sa harapan ng paaralan na papasukan ko. Dito rin kaya mag-aaral si Faye?
Maglalakad na sana ako paloob nang...

"Gerald Salvatore, ikaw ba 'yan?" Napatingin ako sa babaeng tumawag sa pangalan ko.

"Oh, my gosh! Ikaw nga!" Lumapit siya sa akin na may matamis na ngiti.

"Matagal na rin noong huli tayong nagkita. Parang ang laki ng pinagbago mo at muntikan pa kita hindi nakilala. Baka hindi mo na'ko nakikilala, ah?" Hindi ko naman alam ang isasagot ko dahil sa totoo lang hindi ko siya nakikilala. Nakahalata na yata siya kaya bigla siyang ngumuso samantalang ako napakamot na lang ako ng batok at yumuko dahil sa hiya.

"Ikaw talaga. Umalis ka lang nang walang paalam. Kinalimutan mo na ang babaeng binusted mo." Napasagot tuloy ako ng "huh?"

"Ako ito si Cassie." Mas lalo ako nabigla at napatingin sa kanya simula ulo hanggang paa.

"Cassie Perez?" Tanong ko na parang hindi makapaniwala.

"Sa wakas, natandaan mo rin." Sabay ang pagtawa niya. Ang laki ng pinagbago niya. Dati lang mukha siyang yagit ngayon mukang modelo na. Nagkwentuhan lang kami at sabay na pumasok sa paaralan. Nalaman ko na parehas pala kami ng kinukuha na kurso kaya magkaklase kami. Habang naglalakad kami papuntang silid-aralan, napatingin ako sa naglalakad na babaeng naka-itim na may headphone sa tenga. Sinundan ko siya ng tingin dahil kamuka niya ang babaeng gustong-gusto kong makita.

"Faye..." Bulong ko noong nilagpasan na niya kami.

"Ha? May sinabi ka ba?" Tanong ni Cassie.

"Wala, wala." Agad kong pagsisingungaling. Buti na lang biglang nag-bell kaya hindi na niya ko kinulit at pumasok na kami. Magkatabi kami ng upuan since kami lang ang magkakilala. Nagsimula na ang klase. Kagaya nang nakasanayan nagpakilala kami sa isa't isa. Habang nagpapakilala ang mga klase ko, ako ay nakatulala nang may biglang nagsalita na sobrang pamilyar sa akin ang boses.

"Ako si Faye Gilbert, labing pitong gulang." Sinabi ng babaeng kamuka ni Faye. Hindi lang pala sila magkahawig at magkaboses, magkaparehas din sila ng first name. Posible kayang siya si Faye pero imposible naman na hindi sila parehas ng apelyido. Sa lalim ng pag-iisip ko hindi ko napansin na ako na pala ang susunod.

"Opps, sorry. My name is Gerald Salvatore, I'm 17 years old. I was born in here, Baguio City, but I studied at Manila during highschool years and I decided to come back here." Pagpapakilala ko sa sarili ko. Nakarinig naman ako ng mga bulong-bulongan mula sa mga kaklase ko pero hindi ko na lang pinansin. Mas napansin ko 'yong isang Faye nakatitig sa akin kaya nginitian ko siya pero umiwas siya ng tingin. 'Snob.' Sinabi ko sa sarili ko.

Things I'll Never SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon