Chapter 13 Fire with a hint of Sweetness

238 5 2
                                    

Napatigil si Gabby nang makita niya sa pinto ng classroom si Jared, may nakapulupot na babae sa may leeg niya. Jared was smiling, a rare expression from him.

Nakita ni Gabby na nag-lean ang babae kay Jared at may binulong. Which made Jared’s smile wider.

Inalis ni Gabby ang tingin niya. Hindi niya kayang tumingin sa mga ganitong eksena… kahit pa nababasa niya ito sa ilang mga libro at napapanuod sa ilang pelikula. Somewhere inside her ay hindi kayang tignan si Jared ng ganito. Gusto niyang hilahin ang babae palayo kay Jared.

Umupo si Gabby sa upuan niya at nilabas ang economics homework niya.

“Girl, baka mapunit ang assignment. Walang makokopyahan ang maganda mong kaibigan,” sabi ni Pao na kararating lang. Umupo si Pao sa tabi ni Gabby. Nilabas din niya ang economics assignment niya at ipinagkumpara ang sagot niya sa sagot ni Gabby.

Tumigil si Gabby sa marahas na pagbubura sa assignment niya. “Hi…” bati ni Gabby.

Tumingin si Pao sa pinto ng classroom at nakita niya si Jared na ngayon ay nakakapit sa hips ng babae, may binubulong dito. “Selos ka, girl?”

Napatingin kaagad si Gabby kay Pao. “Hindi ‘no. Bakit naman ako magseselos?”

Napangiti si Pao. “Paano mo naman nalaman kung ano ang tinutukoy ko?”

Realization dawned on Gabby. “Ano ba ang tinutukoy mo?”

Sino ba ang tinutukoy mo?”

Naiinis na iniwas ni Gabby ang tingin niya kay Pao. “Ang labo mong kausap…”

* * * * *

“Cut!”

Nagpalakpakan ang cast at crew. Sa wakas, ay natapos na din ang rehearsal nila para sa play sa araw na iyon. Halos buong araw silang paulit-ulit ng rehearsal dahil pinilit ng director na ma-perfect nila ang mga arte nila.

“Hay, kaloka,” sabi ni Pao na umupo sa tabi ni Gabby. “Kahit extra lang ako sa play na iyan, hindi biro yung mga pinagawa sa akin a…”

“Buti nga may linya ka e,” sabi naman ni Jen. “Ako, tatango-tango lang dahil pipi at bingi ako.”

Inakbayan ni Gabby ang dalawa niyang kaibigan. “Ok lang ‘yan. Hindi mabubuo ang play niyo kung di kayo nag-effort no.”

Nagtawanan ang magkakaibigan.

“Gabby?” sabi ng director. “Pa-distribute naman itong cupcakes sa cast and crew.”

Kaagad na tumayo si Gabby at kinuha ang isang tray na puno ng cupcakes na may pink, blue, yellow, at green icing sa tuktok. Binigyan isa-isa ni Gabby ang mga members ng organization. Pero may dalawa pang natira.

“Iyo na lang iyan,” sabi ng director nang ibalik na ni Gabby ang tray. “Treat na ‘yan sayo dahil ikaw ang nag-distribute.”

Nagpasalamat si Gabby at bumalik sa mga kaibigan niya.

After ng isa pang oras ng pakikipagkwentuhan, nagka-yayaan ng umuwi.

Habang naglalakad palabas ng auditorium, nakita ni Gabby si Jared, naka-lean sa motor nito na parang may inaantay.

“Walang palya ‘yan,” bulong ni Jen kay Gabby. “Lagi kang inaantay.” Pagkatapos ay hinila na niya si Pao papunta sa kabilang direksyon.

Napabuntong-hininga si Gabby. Masama pa rin ang loob niya sa nakita niya kanina. Kaya naglakad lang siya at nilagpasan si Jared.

“Oy!”

Napatigil si Gabby at napalingon kay Jared. Tinignan lang din siya ni Jared na parang iniintay siyang magsalita.

Another Gangster StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon