Sabi nila ang sarap daw sa piling ng ma- in love yung tipong hindi mo na mapigilan ang mapangiti, na para bang punong puno ka ng pag-asa, yung pakiramdam na makita mo lang sya buo na ang araw mo, na para daw bang ayaw mo nang matapos pa, pero paano? Paano kung bigla na lang itong mawala at mapalitan ito ng sakit at kawalan ng pag-asa? Patuloy ka pa rin bang magmamahal at magbabaka sakali na lang na baka bumalik ang dating saya na iyong naramdaman? O titigil ka na lang kase ayaw mo ng masaktan?
Ang pag-ibig parang laro may mga baitang patungo sa tagumpay at sa bawat isa ay may kanya kanyang tawag. At sa unang baitang tatawagin natin itong "paghanga". Ang paghanga ay isang pagkamangha sa isang tao na para bang mapapangiti ka kapag nakita mo sya, mapapalingon ka kapag narinig mo ang pangalan nya, at kadalasan matutuwa ka kapag nakausap mo sya at habang tumatagal nagugustuhan mo na ang pagkatao nya, o sa maikling paliwanag nagugustuhan mo na sya.
Ito ang ikalawang baitang ang pagkakaroon ng "gusto" sa taong hinahangaan mo, hindi na ito basta paghanga na lang dahil dito mararanasan mo ang mag-alala sakanya, yung tipong hindi ka makatulog dahil iniisip mo sya, yung pakiramdam na gusto mong maging presentable sa harap nya para mapansin kanya at yung tipong hahanap-hanapin mo sya. At habang sa paghahanap mo yung nararamdaman mo lumalala, lumalalim, at kapag nakita mo na sya biglang titibok ang puso mo, magagalak, at matutuwa! Pero sa isang iglap parang unti unting gumuguho ang mundo mo at ang puso mo makakaramdam ng sakit dahil sa nakita mo, dahil ang nakita mo hindi lang yung taong gusto mo kundi may kasama sya iba na syang nagpaguho sayo at dito papasok ang ikatatlong baitang.
Ang ikatatlong baitang ay tatawagin nating "pagmamahal", ang pagmamahal kaakibat nito ang masaktan dahil hindi ka naman masasaktan kung hindi ka nagmamahal, yung tipong kahit nakita mo na syang may kasamang iba meron paring parte sa puso mo na may pag-asa kase BAKA magkaibigan lang sila at hindi magka-ibigan na iyong inaakala, yung tipong yung maliit na pag-asang iyon ay palalakihin mo mapaniwala mo lang ang sarili mo na pupwede pang maging kayo, pero aabot pa rin sa puntong susuko ka na kasi nalaman mong sila na pala.
At ang huling baitang ay ang "paglimot at pagtanggap", ang "paglimot" ay hindi madali alam yan ng lahat at ang paglimot ay hindi paglimot sa tao kundi paglimot sa sakit na naramdaman mo. At ang "pagtanggap" ay pagtanggap sa sitwasyon na hindi na pwede kasi pagmamay-ari na sya ng iba na hindi mo naman pwedeng agawin dahil makakasakit ka ng iba at ang pagtanggap ay susi sa pintuan ng tagumpay. Ang tagumpay na ito ay kalayaan at kasiyahan, kalayaan sa sakit na naranasan at kasiyahan dahil sa iyong natutunan.
Ang pag-ibig parang laro sa bawat baitang tumitindi ang emosyon na dapat mong kayanin, sa bawat baitang iba't ibang karanasan ang mararanasan mo at kapag nakaya mo ito sa huli makakamit mo ang tagumpay na hinahangad mo.
-iamkityrina
BINABASA MO ANG
Ang Laro ng Pag-ibig
Teen FictionIsang sanaysay na patungkol sa pag-ibig. Sanaysay na gusto kong ibahagi sa inyo. Ito'y patungkol sa Laro ng Pag-ibig..