"The appointed month arrived. You can not flee or hide, because it is your destiny."
Mahinang sinasabi ng lalaking huminto sa aking harapan. Nang kaniyang matapos ayusin ang kaniyang gold na pocket watch ay tinuloy na niya muling maglakad.
Dahil ako'y nakayuko kaya ang kaniya lamang mga leather shoes ang aking nakita. Nang siya ay naglakad ay unti-unti 'ko rin ito sinundan ng tingin at unti-unting tinaas ang aking mga ulo.
Isa nga siyang tao. Naging masaya ako dahil sa nakita 'ko, ngunit ng aking nakita ang kaniyang buhok ay laking gulat 'ko dahil wala pa rin siyang pinagkaiba sa mga nakikita 'ko sa paligid. Ang pinagkaiba lamang niya ay mayroon siyang katawang tao at mga tenga ng isang kuneho.
Dahil din first time 'kong makakita nito ay dali-dali kong dinampot ang bag 'ko at sinundan ito. Lumiko ito papunta sa madaming mga puno, ngunit pagkaliko 'ko sa kaniyang pinuntahan ay wala na ito. Napabuntong hininga nalamang ako.
Naka yuko akong naglakad papunta sa tawiran. Dahil ayokong tumitingin sa mga nag-uusap sa paligid at sa mga bagay sa paligid.
Nag twitwist nanaman ang buong paligid. Ang linalakaran ko ay para bang basag na salamin, na kada maglalakad ay unti unting nahuhulog at para bang piling mo ay isa itong 3D art.
6:00 pm nanaman pala. Tumakbo na ako pauwi, dahil hindi ko matagalan ang mga nakikita ng mga mata ko.
"Ate Celia-- ah." Tawag sa akin ni Cion, ngunit hindi ko ito pinansin at dali daling tumakbo papunta sa aking kwarto.
Ito lamang ang safe place na mayroon ako. Walang mga taong mukhang mga animals, mga buildings na nakabaliktad, mga may mukha na puno, mga bagay na nag-iiba ang mga size o nag-iiba iba ang mga shape at higit sa lahat ang kalsada na naglalaho o nababasag.
Kahit ang sarili kong pamilya ay hindi 'ko nakikita sa kanilang tunay na itsura, kaya ito'y aking iniiwasan matignan. Hindi nila alam ang nangyayari saken, dahil hindi 'ko alam kung paano ito sabihin o ipaliwanag.
One month 'ko na ito na e-experience simula nang nag birthday ako ng 18th. Para ba akong nasa ibang space na hindi malaman kung ano.
Ano ba nangayayari saken.
Alice.
Bigla akong napabangon sa aking hinihigaan, nananaginip lang pala ako. Isa lamang anino ng tao ang nakita 'ko, maysuot siyang mahabang sumbrero at may hawak na baton.
Kumulo ang aking tiyan ko kaya ako'y bumaba na.
"Celia giceng ka na pala. Tara at kumaen na."
Sinabi ni Ate Carmen habang nag aayos ng pagkain sa lamesa. Umupo na ako sa silya. Natapos nang maghain ng pagkain si ate Carmen, susubo na sana ako ng pagkain ng biglang may ulong lumabas sa ilalim ng lamesa kung nasaan ako.
Sumigaw ako at napaurong ng bangkuan, kumulo bigla ang tiyan 'ko at akmang masusuka na. Tumakbo na ako papuntang Cr. Disgusting.
"Uwaaaaaaaaaaaaaaaaah." Iyak iyon ni Cc na rinig na rinig pa rin dito sa CR.
"Cc it's okay. Wag ka nang umiyak." Pagpapakalma naman ni Ate Carmen dito.
Lumabas na ako sa CR at dirediretsong kinuha yung pagkain 'ko at paakyat na ng hagdan ng biglang nagsalita si Coin.
"Ano ba problema mo! Bat ka naging ganyan? Ha ate!"
Dumiretso na muli ako papunta sa kwarto 'ko. Napaiyak nalang ako, humiga ako sa kama at nagtakip nalamang ng unan sa mukha.
Masisisi ba nila ako kung nagulat at kumulo ang tiyan ko sa nakita 'ko? Dahil hindi ang mukha ni Cc ang nakita ko kundi kulay puting rabbit na walang mata at umiiyak ng dugo.
Kaya ayokong ayoko na tumingin sa mga mukha nila.
Alice.
Bumangon muli ako, umaga na pala mayroon nanamang tumatawag sa akin sa panaginip ko. Alice? Kailan pa naging Alice ang Celia?
At ngayon naman ay iba ito sa unang tumawag sa akin, ngunit isa pa rin itong anino. Lalaki rin ito ngunit sa kaniyang bandang mga buhok ay mayroong tenga, tenga ng pusa.
Nag ayos na ako at lumabas na ng bahay. Naglakad ako papunta sa university.
Kahit na mayroon akong ganitong dinadala, hindi ko maiwan ang study 'ko. Mahal ang tuition na binabayaran ni mama kaya umiiwas nalang ako at hindi tumitingin sa mga tao.
"Celia." Tawag sa akin ni Nami, kaibigan at blockmates 'ko siya. Pero nagkunwari nalang ako na hindi ko ito narinig dahil naka earphone naman ako. Bigla naman lumapit si Dred sa'kin, manggungulet nanaman ito.
"Yo Celia napakasungit mo naman ata mayroon ka ba ngayon--- aray! Anong problema mo?"
Sinampal ko ito. Bigla akong napahawak sa bunganga 'ko at tumakbo papunta sa rest room.
Dahil bigla niyang hiniga yung mukha niya sa desk 'ko kaya nakita 'ko ito. Mukha ng aso na nabalatan ang ibang parte ng mukha, puno din ito ng mga dugo.
Disgusting.
Nang natapos lahat ng lesson ay dali-dali akong nag pack ng mga gamit 'ko at lumabas na sa room.
Biglang may mga humarang sa akin na mga ka blockmates 'ko rin, nakayuko lang ako pero pilit nilang tinataas ang mukha 'ko kaya pinikit ko ang mga mata 'ko.
"Oi creepy girl anong problema mo kay Dred ha!? Kinausap ka lang naman niya, feeling mo ba interesado siya sayo? Funny."
Hindi ko nalang ito pinansin, pero tuloy-tuloy pa rin ang panlalait niya sakin. Maya-maya nainis ata ito at balak akong sampalin, napapikit nalang ako ng madiin.
Isang minuto na akong nakapikit ngunit walang dumadampi sa mga pisngi 'ko na sampal. Unti-unti kong binukas ang mata 'ko at nagulat ako dahil nasa aking kwarto na ako.
Ano nangyare? Paano ako napunta rito? Mga tanong sa isip 'ko.
"Good evening, Alice number 000."
Biglang may nagsalita sa likuran 'ko. Napalingon ako rito at katulad ng una 'kong kita sakaniya ay hawak pa rin niya ang gold na pocket watch niya.
Ang mukha niya ay itsura rin ng tao. Walang dugo o anuman na masusuka ako. Mayroon siyang puting buhok at tenga ng kuneho na puti rin, makinis din ang balat nito. Ang mga mata niya ay mapupula. Nakatingin sa'kin ito habang nakaupo sa bintana.
"Sino ka?"
"Ang tamang araw ay dumating na." Bigla itong nawala sa may bintana.
"You can not run or hide."
Bigla akong lumingon sa harapan 'ko at nandoon siya nakatayo at inaabot sa'kin ang gold na pocket watch. Tinitigan 'ko lang ito. Bigla niyang kinuha ang kamay ko at nilagay ang pocket watch.
"A-ano sino ka ba talaga--"
Napapikit ako bigla ng lumiwanag ang pocket watch. Binukas 'ko muli ang mata 'ko at ang loob ng kwarto ko ay unti unting naglalaho ang wall, floor at mga gamit ko.
"Ano nangyayari." Pag papanic 'ko naman. Biglang may humawak sa kamay ko.
"Wag ka mag-alala. Im here." Sabi niya at ngumiti saakin.
Namiss kong makakita ng mukha at ng mga ngiti ng tao. Humawak na rin ako sa kamay niya ng mahigpit.
Bago pa man maglaho ang lapag na tinatayuan namin ay mayroong lumabas na drawing na bilog sa lapag at nasa loob kami ng bilog. Unti-unti nagkakaroon ang loob ng bilog na mga oras katulad sa loob ng pocket watch. Umilaw ito at bigla kaming nahulog sa loob ng bilog.
Next chapter will update tomorrow :>
BINABASA MO ANG
Alice In Wonderland Syndrome (Completed)
FantasiSi Celia ay isang normal na college student. simula tumuntong siya ng kaniyang 18th na kaarawan, nagbago ang lahat ng kaniyang nakikita.