[65] #100STHHGalawangGutierrez

59.3K 1.4K 713
                                    

Chapter 65

Hope's POV

March 27, 2015

11:00AM

"Dude, can you please let go of my shirt?" Halatang naiinis na sinabi ni Mico. Paano namang hindi, kanina pa kasi ako nakasabit sa may dulo ng shirt niya. Ayoko kasing makita si Enzo. Anong sasabihin ko? Galit pa ba yun? Mamaya sungitan ako noon eh!

"Seryoso para kang linta, alis!" Tapos bigla niya akong tinulak.

"Aray! Akala ko ba crush mo ko?"

"Crus—HAHAHA Are you serious right now?" Aba tingnan mo 'to. Ako pa ang pinagtawanan. Diba may gusto sakin 'to? Bakit ako pa ang lumalabas na nagjojoke. Ayos 'to ah!

"Sige na kasi. Pakapit lang sige na. Itago mo lang ako. Sa buong trip."

"Eh di sana hindi ka na sumama? Ano ka ba?"

"Tao." Tapos kumurap kurap siya. Aba bakit? Tinanong niya kung ano ako, eh hindi ba tao ako? Sino kaya sa amin ang slow. Sira 'to.

Matapos kaming magasaran, dumating na sina Miks, Chelsea, Bryle at Venice. Nandito nga pala kami sa harapan ng bahay ni Enzo kasi dito daw magmemeet. Pinaalis na nila yung mga driver nila, ako naman sinundo ako ni Mico. Sorry na wala akong driver eh. Hinihintay na lang namin lumabas si Enzo.

"So Hope, why are you clinging to Mico like your life depends on it? What's happening?" Biglang tanong ni Venice, napabitaw ako at si Mico napahinga.

"THANK. YOU. V" Sinabi ni Mico binatukan ko nga siya kaya lahat sila nagtawanan.

"Hay naku, cute pa rin talaga kayo. Team HICO pa rin ako deep inside." Biglang sinabi ni Venice. Mangaasar pa sana si Chelsea kaso biglang may nagsabi na—

"Team HICO?" Tapos napatingin kami at lumabas si Enzo. Napanganga ako kasi... ang gwapo niya. Seryosong napatitig ako. Kapag talaga nakared siya lumalabas yung gwapo niya! Tapos yung buhok niya hindi nakagel, so bagsak tapos gulo gulo. Sabay humangin pa, oh men! Thank you Lord!

"Hi Enzo!" Matinis na sinabi ni Venice tapos nagyakapan sila at nagbeso. Hay, bagay pa rin 'tong dalawang 'to. Buti na lang naniniwala ako sa forever kay Bryle at Venice.

"So, let's go?" Tanong ni Enzo. Nagnod na lang kami tapos mamaya dumating yung isang mini bus. Jusko, yung pera ni Enzo hindi basta basta mauubos, pero yung pagkaprone ko sa lock jaw dahil sa constant na pagnganga ko, konting konti na lang!

Umakyat kami sa mini bus. Nahuli ako kasunod ni Mico kasi siya yung nagayos ng nagayos ng mga bag namin sa likod. Pagakyat namin, hello, tigdadalawang upuan sa side. Tabi tabi. Si Bryle katabi si Venice, si Miks katabi si Chelsea, si Enzo nakaupo sa may right, si Mico umupo sa may left katapat ni Enzo sabay ngumiti sa akin na nangaasar... ABA'T TALAGA NGA NAMAN!

"Hope, sit down na!" Sabi ni Venice. Jusko dapat hindi na 'to mahirap eh. Si Enzo dapat katabi ko, pero ang awkward kasi magkagalit kami. Narinig pa niya yung Team Hico tapos nakasimangot siya kanina.

Pero alangan namang magpakahard to get pa ako?

Kaya uupo na sana ako sa tabi ni Enzo kaso itong si Mico biglang sumigaw...

"SEAT BESIDE ME UGLY HOPIA" Sisigaw pa sana ako pabalik pero noong napatingin ako kay Enzo, yung mata niya parang 'Bakit ang sweet niyo?' tapos tumingin siya sa may window. Uupo na nga talaga sana ako kaso bigla naman akong hinatak ni Mico.

"Do you really want to ruin this trip?" Biglang bulong niya.

"Ruin?! Ikaw 'tong sumisira! Uupo na ako sa tabi niya eh."

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon