Unexpected Fanzoned

450 15 2
                                    

Dear Ronnie Alonte,

Una palang kita nakita tinamaan na ko sayo. Bakit kasi ang gwapo mo? Ang ganda pa ng boses mo tapos ang galing mo pang kumanta. Pag nakikita nga kita sa 'Singing Moto' parang sasabog yung puso ko sa sobrang kilig, yung tipong ngiti mo lang makalaglag panty na. Tapos pag tapos ng sumayaw sila Dawn and Zeus wini-wish ko na sana ikaw yung kasunod. Ang sarap ulit ulitin ng 'What do you mean' cover mo. Todo message ako sa Twitter at Instagram mo. Yung pina-follow ko lahat ng Fan account mo, yung sinusundan kita sa lahat ng lakad mo. Minsan nag-seselos ako pag may mga babaeng yumayakap sayo, parang ang sarap pumatay. Pero sino ba naman ako para pigilan sila, mas maganda nga yun eh yung may sumo suporta sayo. Hanggang isang araw ni-like mo yung tweet ko sayo, ay grabe yung kilig ko! Yung parang walang bukas, wala sigurong sapat na salita para idescrisbe yung saya ko nun. Tapos ang saya lang kasi finallow mo na ako sa twitter at instagram tapod ng message ka pa sakin ng 'Hello' langya! Like at tsaka follow nga lang halos mamatay na ko sa sobrang kilig Message pa kaya! Hindi ka man nag-reply nun tinambakan parin kita ng messages ko. Syempre marami din naman nag-me message sayo. Pumunta ako ng Showtime para makita ka at syempre hindi naman ako nabigo! Tapos nayakap kita! My Ghash! That was the best day of My life. Nung tapos na yung showtime akala ko hindi na kita makikita pero AKALA KO lang pala. May isang staff dun na pinapunta ako sa dressing room mo dahil alam nya na R2natics ako at dun kita nakausap ng matagal, nakapag picture pa ako ng maraming marami. And guess what!!?? Nakipag-palitan ka pa sakin ng number mo!!. At dun na nag-simula yung pagkakaibigan natin. Kapag may guesting ka palagi akong nandyan para suportahan ka. Kapag pagod kana sa mga tapings chini-cheer up kita, para pagaanin yang loob mo. Isang araw palagi nalang matamlay, hindi ka na masyadong kumakain tapos panay tingin mo dyan sa Cellphone mo. At bilang kaibigan mo tinanong kita kung anong problema at sinabi mong niloko ka ng taong mahal mo. Nagalit ako sa babaeng yun kasi sino ba sya para saktan si 'Ronnie ko' diba? At the same time nasaktan din kasi akala ko ganun din yung nararamdaman mo sakin, mahal kaya kita mahal na mahal pero di ko na sinabi sayo kasi baka masira yung pagkakaibigan natin. Tinulungan kitang makabangon at makalimot , hindi naman ako nahirapan dahil naka-move on ka naman. Pero ayan nanaman yung pagiging matamlay mo at yung panay tingin mo sa Cellphone mo. At tama ang hinala ko babae nanaman. Bakit kasi ang manhid mo? Bakit kasi hindi mo makita na ako yung palaging nasa tabi mo? Yung hindi ka iniiwan kahit iwan ka na ng mundo? Bakit?Pwede naman ako nalang? Simula nung araw na yun pinangako ko sa sarili kong wala nang pwedeng manakit sayo. Kasi hindi ko kayang nakikita kang miserable. Iningatan talaga kita, hindi kita pinag-pupuyat , at hindi kita pinapapunta sa mga gig mo kapag-gabi tapos kailangan alam ko kung san ka pumupunta. Hindi ko alam nasasakal na pala kita. Nag away tayo nun and that's was the BADDEST day of my life. At sinabi ko sayong natatakot lang naman akong masaktan ka ulit kaya napag-higpitan kita. Halos isang linggo kitang hindi nakita. Tinatawagan kita pero hindi ka naman sumasagot. Nag aalala na nga ko sayon. Nagising nalang akong may message ka saakin at sinabi mong magkita tayo. Nagbihis agad ako at nag toothbrush ng limang beses. Nung nakita ulit kita sabik na sabik akong yakapin ka. Kinuwento mo lahat ng nangyari sayo sa isang linggo at dun mo sinabing marami kang narealize na bagay bagay katuladng palagi akong nandyan sa tabi mo sumosuporta sayo kahit anong mangyari nagulat ako ng bigla kang lumuhod at dun sinabi lahat ng saloobin mo pinapatayo nga kita pero ayaw mo. Hanggang sa may mga taong naglabas ng poster at sinasabing 'WILL YOU BE MY GIRLFRIEND' hindi ko mapaliwanag ang saya ko nung araw na yun at sino ba naman ako para tanggihan ka, syempre YES. At di ko na nama layang tumulo na pala ang luha ko. And this was the 'SUPER BEST DAY OF MY LIFE'.

****

A/N: SALAMAT SA PAGBASA :) Yung nasa unahan lang yung totoo yung mga pag-papantasya ko kay Ronnie. Pero sana mangyari to noh?!! Hahaha Jk. Para sa mga hindi kilala si Ronnie part po sya ng Hashtags sa Showtime.

-Franz

Unexpected FanzonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon