Naaalala ko pa noon, kung gaano ako napasaya nang simpleng paggalaw mo.
Kung paano ako napangiti nang tinig mo na sumasambit ng pangalan ko.
Kung paano ako napapatawa ng mga walang kupas na banat mo.
Kung paano nalulusaw ang puso ko sa tuwing naririnig ko mula sa'yo ang mga katagang mahal mo ako.
Oo, tama ka.
Napakasarap isipin. Napakasayang alalahanin pero napakahirap damhin. Sapagkat ang bawat paggalaw mo... ang bawat pagsambit mo... ang bawat pagbanat mo... at ang pagbitaw mo ng salitang mahal mo ako...
Ay siya nang lason na bumabalot sa isip, sa puso, at sa kaluluwa ko.
Andaming nang katanungan na nanatiling tanong at hindi ko mabigyan ng sagot. Ano nga ba ang pagkakamali ko? Saan nga ba ako nagkulang? Saan nga ba ako sumobra? Bakit nga ba ako nasasaktan? Paano nga ba ako nasasaktan? Hanggang kailan ba ako masasaktan?
'Mahal kita.'
Yan lang ang dalawang salitang, pumasok sa utak ko.
Ang sagot sa mga katanungan ko.
Ang dahilan kung bakit nasasaktan ako.
Ito ang mga letrang bumubuo sa pag-asa ko at sumisira ng aking pagkatao.
Ikaw ang 'kita' sa pariralang mahal kita.
Oo, ikaw.
Ikaw at ikaw.
Walang kahit ano at kahit sino.
Ikaw lang talaga.
Ikaw na pantasya.
Ikaw ang sa'yo.
Ikaw ang iyo.
Ikaw at ako ang 'tayo'.
Pero sandali, ang ikaw at ako ay pwede nga bang maging tayo din?
May tayo nga ba?
O
...nabuhay lang ako panandaliang galak na ipinaramdam mo?
Ano nga ba 'tong sinasabi ko diba? Ako naman ang pumili nang lahat ng ito.
Na kahit nakita ko na ang mga bato, pako, at pader na mga harang patungo sa'yo, ay pinili kong tumuloy.
Tumuloy sa pagbabakasali.
Pagbabakasakali na sa paglalakbay kong yaon ay maaari akong makakita ng espasyong mapaglalagyan nang mga batong iyon.
Pagbabakasali na sa paglalakbay kong yaon ay may timba akong maaring mapaglagyan nang mga pakong iyon.
Pagbabakasali na sa paglalakbay kong iyon ay makakita ako ng isang maso na maaring magpabagsak sa pader na humaharang sa'yo.
Ang pagkakamali ko lang ay ang hindi pag-alam na wala sa akin kapangyarihan para gawin iyon.
Kundi nasa kaniya.
Kaniya na siyang tunay na kahulugan mo sa salitang mahal kita.
Oo, kaniya.
Kaniya at kaniya.
Kaniya na 'siya'
Ikaw at siya na totoong depinisyon ng 'Tayo'
Ang pagkakamali ko lang ay ang pagpili sa daang tatahakin ko.
Pero 'wag kang mag-alala. Gagawin ko na ang dapat.
Pipiliin ko dapat.
Tutungo ako sa dapat.
Hindi para sa'yo, kundi para sa sarili ko.
Lalakbayin ko ang daan.
Daan na kung saan may liwanag.
Daan kung saan may dilim.
Daan kung saan may saya.
Daan kung saan may lungkot.
Daan kung saan may tawa.
Daan kung saan may iyak.
Daan kung saan may isang siya na naghihintay sa pagdating ko.
Siya nga.
Siya at siya.
Siya na 'kita' na naghihintay sa katagang mahal na rin kita.
Siya na siya.
Siya na mula sa mga mata niya ay nakikita ko ang ako.
Siya at ako na 'Kami'
Siya na siyang pagmamahal
Siya na siyang lugar at 'daan' na tinatawag na realidad ng Iisa.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ang #Hugot sa dis oras ng gabi. I missed you guys! Hope you like this one! :* please read this and also the author's note. Ciao! ✋
-Jeith