Slendrina Love Story

219 8 0
                                    

"Hannah, halika rito."
Tawag sa akin ng bestfriend ko pagkapasok na pagkapasok ko lang sa room.

"Oh, bakit?"
Tanong ko habang lumalapit sa kanya na dala-dala parin ang bag.

"Diba mahilig ka sa mga horror? Eto oh. May laro akong slendrina."

Binigay niya sa akin ang tablet niya.

Habang nag-eenjoy ako sa paglalaro ay biglang nagpakita si Slendrina. Yung multong babae sa laro.

Nagpanic agad ako at hindi alam ang gagawin.

"Huy, ellah paano bato? Baka mamatay ako. Nakita ko si slendrina."
Pagmamaktol ko.

"Hindi 'yan. Ganito lang ang gawin mo."
Sabi niya habang iniiwas ang focus ng screen kay Slendrina.

"Ahh sige salamat. Papasa ako nito mamaya ah."

"O sige ba."

Habang nag-eenjoy ako ay sumulpot naman si maam at nagsabing "Good Morning class"

"Ahh" nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot ni maam sa room.

"Bakit Miss Hannah may nakakatakot ba?"

"Ahm, wala po maam. Sorry po."

---

Natapos ang klase at mag-isa akong naghihintay ng jeep.

Kumaway agad ako nang may nakita akong jeep at pumasok na.

Habang nasa byahe ay naglalaro ako ng Slendrina gamit na ang cellphone ko.

"Ahh!! Punyemas naman tong babaitang ito. Pasulpot-sulpot!!" Napasigaw naman ako nung nakita ko si Slendrina.

Tumingin-tingin ako sa loob ng jeep at dalawa lang kami sa loob ng jeep tatlo kamo bale kung kasama na yung driver. Magkatabi pa kami ni kuya.

Tinitigan naman niya ako na para bang may problema. Iniwas ko nalang ang tingin ko nung nakita kong malapit na pala akong bumaba.

"Bye kuya. Ingat ka baka makita mo si slendrina. Gabi pa naman."

At dahil sa kabaliwan ko ay bigla ko naman yun nasabi.

"Ingat karin baka makita mo si slendrina sa kanto."

Sigaw niya nung nakababa na ako.

Habang mag-isang naglalakad papasok sa kanto namin ay bigla naman akong nakaramdam ng takot.

"Psst."

Hala! Ano yun? Natatakot na talaga ako. Madilim pa naman dito.

"Psst"

"Waaah!!"
nagtatakbo ako at nakita ko na ang bahay.

"Malapit na ako. Malapit na ako."

Pabulong kong sabi sa sarili ko.

Nang makarating ako sa bahay ay pumuta agad ako sa kwarto ko at nilock yung pinto at sinara ko ang bintana.

"Hannah, okay ka lang ba?" Sabi ni mama matapos siyang kumatok.

"Opo mama."

Nahiga agad ako at nakatulog dahil sa pagod kakatakbo. Kahit hindi pa ako kumain kerii lang.

---
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock. 7am pa lang at sabado ngayon. Walang pasok. Walang magawa. Kaya lumabas nalang ako at namasyal.

Nang nakaramdam ako ng pagod ay umupo muna ako sa isang bench at nagpahinga.

Linabas ko ang phone at naglaro ng Slendrina.

"Waah!"

Wait. Bakit lalaki yung sumigaw?
Tumingin ako sa katabi ko at naglalaro rin sya ng Slendrina.

Aba't inagawan ako ng moment. Inunahan ako ng pagsigaw.

Napansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya tumingin din siya sa akin.

Teka ito yung lalaki na nanakot sa akin kagabi. Yung nasa jeep.

"Hoy bakit ka sumisigaw?"
Tanong ko na parang close na kami.

"Bakit bawal bang sumigaw?
Tanong niya rin na parang close kami.

"Ano ba yang sinisigaw sigaw mo diyan?"

"Nakit ko kasi yung kambal mo. Eto oh."
Pinakita niya sa akin si slendrina.

"Di hamak na mas maganda ako diyan"

"Weh? Di nga?" Parang bakla niyang sabi sabay hatak sa kamay ko.

"Ano ba? Saan tayo pupunta?"
pagmamaktol kong tanong.

"Basta"

Humito siya kaya huminto rin ako.

"Bakit?"
Tanong ko.

"Nagugutom ako. Tara kain tayo."

Pumasok kami sa Mcdo at siya na ang nag order. Pinaupo niya lang ako at sabi niya wag daw akong gumalaw.

Nakita ko siyang may dala-dalang tray na puno ng pagkain.

Ako naman dahil sa gutom ay kinain ko na ang mga pagkaing nasa harapan ko.

"Harold nga pala."
Sabi niya at linahad ang kanyang kamay.

"Hannah"
Tipid kong sagot at nakipagkamay sa kanya. Balik agad ako sa pagkain.

"You know what? Iba ka talaga."
Napahinto ako sa pagkain at tinignan ko siya.

"Anong klaseng iba?"

"Iba dahil kahit hindi tayo close ay pinansin mo ako.
Iba dahil kahit hindi tayo close ay kain ka ng kain na parang wala nang bukas.
Iba dahil kahit hindi pa tayo close ay pumayag kang makipag-date sa akin"

"Teka, date ba'to?"

"Kung gusto mong isipin na date to eh di date nga to. Pero para sa akin date to."

Yumuko nalang ako dahil sa hiya at ayaw kong ipakita na namumula na ang mukha ko.

"I want to know you more kaya labas tayo araw-araw."

"Huh? Ang bilis mo naman dre."

"Bakit? Ayaw mo ba?"

"Gusto ko rin naman pero..."

"Gusto mo rin pala eh, wala nang pero pero. Tsaka simpleng kain-kain at pasyal-pasyal lang naman eh."
Sabi niya.

"Payag ka ba?"
Dagdag niyang tanong.

"Sige na nga."
Pilit kong sabi.

--

Simula noong araw na yon ay palagi na kaming lumalabas at makalipas ng 2 months ay nanligaw siya sa akin at pagkalipas ng 1 month ay sinagot ko na siya.

Slendrina Love Story (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon