Panalangin

24 0 0
                                    

Anak ako ng isang pari at ang isang madre.

Anak ako sa kasalanan, nabuhay ako mula sa pagkakasala nila.

Ang turing nila sakin ay anak ng demonyo

Sino nga ba namang hindi? Nabuo ako na ipanagbabawal, parehas pang alagad ng diyos ang sumuway sa kanya.

"Magdasal ka na."

Matigas na tinig ang pumukaw sa aking lumilipad na isipan.

"Opo ina" 

Dali dali akong kumuha at nagsindi ng kandila upang itulos ito sa aming poon.

Ipinikit ko ang aking mga mata at lumuhod. Gayun din ang ginawa ni Ina lumuhod at pumikit din siya sa tapat ng imahe ng panginoon.

12 na naman ng hatinggabi, isang oras na naman ang kailangan kong tiisin.

"Patawarin mo po ako panginoon, ang aking anak at ako ay makasalanan. Patawarin mo po ang bunga ng aking pagkakamali ama!"

Humagulhol ang aking ina habang ako ay nakapikit pa rin at taimtim na nanalangin sa poong may kapal

Ako po'y makasalanan ama, patawarin mo po ako. Anak po ako sa pagkakasala.

Lumakas ang ihip ng hangin sa aming maliit na kubo

Heto na naman siya

"Mahal na ama iadya mo po kami sa lahat ng masama..."

patuloy ang pagdarasal ni ina habang ako'y nakapikit at pinagpapawisan na sa takot.

tulungan mo po ako ama!

Tumigil ang malakas na hangin ngunit di ko pa rin magawang imulat ang aking mga mata.

"Imulat mo ang iyong mga mata anak."

Isang mahina ngunit malagom na boses ang naririnig kong bumubulong sa aking tenga.

tagaktak na ang pawis ko at nangangatog na rin ang kalamnan ko.

Andito na talaga siya sa tabi ko.

"Huwag kang mumulat Gabriel, w-ag kang magpapalinlang anak."

naulinigan ko pa ang boses ni ina na nanginginig pa.

Mariin akong pumikit at nanalangin uli.

Mahal na ama ilayo niyo po kami sa masama, huwag mo po kaming pababayaan.

Tuluyan ng nag agos ang luha ko ng maramdaman kong may magaspang at malaking kamay na pumahid dito.

"Tsk...tsk...pinapaiyak ka ba ng walang kwenta niyong panginoon? Hindi ka niya mahal...haha"

Humahalakhak pa siya ng malakas at ramdam ko ang hininga niya sa aking batok

"halika Gabriel sumama ka na sa akin? Nandoon ang iyong ama, at magsasama tayo. Gusto mo bang isama ko rin ang iyong ina? Ha?"

Lalo kung nakuyom ang aking kamao ng marinig ko ang palahaw ni ina.

*Pak*

"Ahhh..."

Batid kong sinasaktan niya na namn si ina.

"Ano Gabriel hindi ka pa rin sasama?"

*Pak*

*Pak*

Magkakasunod na pag kalampag ng mga kagamitan at pagiyak ni ina ang naririnig ko.

"Ah...t-ama na! Ako na lang ang kunin m-.."

Hindi na naituloy ni ina ang kanyang sasabihin dahil sa tingin ko'y sinampal na naman siya ng demonyong ito.

Wala akong magawa kundi umiyak at manalangin, pinalioas ko pa ang tatlong oras bago ako tumayo sa pagkakaluhod.

Nakita ko ang aming tahanan puro dugo. Napatingin ako sa gawi ng aking ina at gayon nalang ang pagkagimbal ko ng makita ko siyang walang buhay na nakabitin sa taas ng ming kubo.

Kalunos lunos ang hitsura niya, wala na ang kanyang isang mata sapagkat nakita ko iyon sa ibaba ng kanyang nakaangat na katawan.

Ang kanyang leeg at dila ay naging kulay ube na. Ang dugo sa kanyang puting bestida ay halos sakupin na ang buong katawan niya.

Hindi ako makagalaw dahil sa pagkabigla, ngunit may iba pa palang makakapag pahindik sa akin.

"Nagmulat ka rin sa wakas, Anak ko!"

Huli na upang makaiwas ako sa pagdakma niya sa puso ko.

Ang huling nakita ko na lamang ay ang kadiliman kasama ang demonyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Third Eye (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon