An old man

151 7 6
                                    

JOY'S POV

Isang malaking kalokohan... yan ang nadarama ko... nadarama ko para sa isang tao... sa isang taong alam kong walang pakialam sakin.

Sana pala... sana pala hindi ko nalang to naramdaman.

Sana pala... sana hindi ko na lang nakita yung matandang lalaking yun.

Yung matandang lalaki na nagpakilala sakin sakanya... yung matandang lalaking, nagpasimula ng aking nadarama.

*flashback*

"Ija..." may naririnig akong nagsasalita sa aking likod ngunit hindi ko ito pinansin.. sa halip ay aking sinuot ang earphones na kabibili ko lang sa mall kanina.. buti nga hindi nila ako nakilala.

"Iha..." tawag nito muli sakin... ngunit hindi ko na ito pinansin pa.

"Iha..." sa oras na ito, nilingon ko na ang matanda... grabe! Nakakairita na siya ah!

"Ano bang kailangan mo tanda?" Tanong ko at tinaggal ang earphones ko sa kanang tenga.

"T-tulungan m-mo ako... k-kailangan k---"

"Tanda!" Sigaw ko ng mahimatay ang matanda at nahiga sa sahig...

"Huy tanda! Gumising ka nga!" Sabi ko at pilit na ginigising ito...

"Tulong! Tulong!" Sigaw ko... ngunit alam kong walang makakarinig sakin.

Nasa parte kasi ako ng village namin kung saan mapuno dahil wala pang bahay na nakatayo.

"Lo! Makisama ka ah... aakayin kita!" Sabi ko at inakay siya hanggang sa makarating sa bahay namin.

"Irene-eonie! Wendy-eonie! Yeri! Seulgii-eonie! Dalian niyo! Kailangan ko ang tulong niyo!" Sigaw ko sa tapat ng bahay habang tinatawag ang aking mga kaibigan at miyembro...

Mamaya ko na sila ikukuwento... dahil kailangan ko pang maayos itong matandang ito.

Umiiyak akong pumasok ng buksan ni Yeri ang pinto ng dorm namin.

"Eonie! Sino yan?!" Nagaalalang tanong niya nang ihiga ko ang matanda sa higaan ni irene-eonie.

"Eonie! Tulungan natin siya!" Sigaw ko nang pumasok si wendy-eonie sa kwarto.

"Teka teka... tatawagan ko lang yung doctor natin..." sabi ni wendy-eonie at lumabas nang biglang pumasok si Irene-eonie at seulgi-eonie.

"Jusko! Sino yan Joy?" Tanong ni seulgi-eonie sakin.

"Hindi ko alam.. hindi ko alam.. hindi ko a-alam." Humahagulgol kong sagot at napaupo sa isang tabi... "H-haroboji... h-haroboji..." umiiyak kong tawag..

Dahil sa nangyayaring ito... naalala ko yung lolo ko... yung lolo kong namatay...mismo sa harap ko.

Yung lolo kong akala ko nahimatay lamang, yun pala, inatake na sa puso...

AN OLD MAN (Red Velvet JOY'S ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon