Naaalala Mo Pa Ba?

100 2 0
                                    

Naaalala Mo Pa Ba?
(One shot)

Written by: Asthpinkbloomer

**********

Naaalala Mo Pa Ba? Kung paano tayo unang nagkita? High school tayo nang simulan mo ang panghaharot mo. Ka-babae mong tao, masyado kang magaslaw. Mahilig ka manloko at malakas kang mangasar. Ultimo 'yung bagong bag na padala ng kapatid ko, nasira mo ng di sinasadya sa kagustuhan mong itago. Pero para sakin? Okay lang. Gamit lang naman 'yan eh. Isa pa, sanay na rin ako sayo.

Naaalala Mo Pa Ba? Nung panahong inamin mo sa aking gusto mo ako? 1st year college tayo n'on at pareho ng kurso. Nakakatuwang isipin na iyon ang pinili mong career dahil lang sa nandoon ako. At sabi mo pa, kaya malimit mo akong kinukulit dahil gusto mo ikaw lang ang nangungulit sakin, nagpapatawa sakin at nangaasar sakin dahil sa mag-seselos ka.

Naaalala Mo Pa Ba? Noong panahong umamin rin ako ng nararamdaman ko sayo? Nasa kalagitnaan tayo ng pag-eexam saka ko naisipang mag-confessed. Nakakaloko no? Ta-tyming na nga lang ako, sa ganung oras pa. Nabalitaan ko kasing may nagbabalak manligaw sayo. Nagkataon pa namang Player siya kaya kung sa kanya ka mapupunta mas gugustuhin ko pang mapahiya kesa masaktan ka.

Naaalala Mo Pa Ba? Dumating ang pinakamasayang parte ng buhay ko. Yum ay ang mga panahon noong naging tayo. Tatlong buwan rin ang tinagal ng panliligaw ko sayo at sa wakas sinagot mo na ako. Malinaw pa sa alaala ko ang pagyakap mo sakin habang naluluha kahit nasa harap tayo ng maraming tao. Nakakapagtaka nga e. Ang hilig nating gumawa ng eksena. Pero para sa'tin okay lang 'yon. Dedma lang, ganun naman talaga kapag nagmamahal ka diba? Wala kang paki sa sasabihin ng iba.

Naaalala Mo Pa Ba? 'Yung mga panahong sobrang saya ang nararamdaman ng bawat isa. Sa simpleng pagkilos, nagiging katawa-tawa ang mga bagay-bagay sa 'tin sa kanya-kanyang paraan. Doon pa nga pumasok sa isip ko ang salitang SLOWMOTION na napapanood ko sa movie. Naisip ko kasi, napakaswerte ko sayo. Napakabait mo, Napakapalatawa mo, Masiyahin kang tao, Malambing, Magalang at may pagka-strikta. Hindi kagaya ng iba na text lang magaling pero kapag personal hindi na kayang ipakita.

Naaalala Mo Pa Ba? Kung ilang beses nating sinabi ang salitang Mahal na Mahal kita. Nangako pa tayo na kahit anong mangyari walang mangiiwan at walang maiiwanan. Habang hawak mo ang kamay ko at paulit-ulit kang nagkukwento ng mga bagay na nagpapasaya sayo; isa na dun ang relasyong binuo nating magkasama at patuloy tayong umaasa na wala ng makakabuwag pa. Hindi na matitibag pa.

Naalala Mo Pa Ba? Ang mga nagdaang monthsary, first, second, third, fourth, fifth, sixth hanggang sa umabot na ng anniversary. Abot-tenga ang ngiti natin na tila akala mo ay hindi na mabubura pa, hindi na mawawala pa. Gustuhin man nating itigil ang oras kapag tayo ang magkasama, wala tayong magawa kundi hayaan nalang dahil magaling ka naman sa mga pampalubag-loob.

Kaya lang sadya atang napakabilis ng oras. Parang dati lang masaya pa tayo, parang dati lang okay lang tayo. Parang dati lang, ayos pa ang lahat. Parang dati lang, nagkakaproblema man pero patuloy paring nasosolusyunan.

Naaalala Mo Pa Ba? Ang mga panahon na nagkakalabuan tayo. Unti-unti may nagbabago sa atin. Unti-unti hindi na tayo nagkakaintindihan. Unti-unti gumugulo at sa paunti-unti na 'yon, pati relasyon natin naaapektuhan.

Noong panahong 'yon naisip ko, patuloy lang tayo masasaktan kung ipipilit natin ang relasyon natin na hindi alam kung may patutunguhan pa.

Isang gabi, kagagaling lang natin sa bagong away. Nakita mo kasi akong may kasama. Sanay naman akong selosa ka, kaya lang girlfriend 'yun ng ka-tropa ko. Para saan pa ang ikakaselos mo? Hindi naman ako 'yung tipo ng taong papatos sa babae ng kaibigan.

Tuyong TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon