Ang Baebot ni Pepe

32 0 0
                                    

Sa isang siwang ng bintana ay nababanaag na ni Pepe ang hudyat ng pag sikat ng araw.

"Mainit, sobrang init..."

Sabay bangon sa kama na mabigat ang mga mata na animo'y walang maayos na tulog kagabi. "haaayyyy.... Ano ba to parang walang nakakapansin sa akin ha???" sabi ni Pepe.

Kaya umupo sya sa isang sulok tinatanaw at kinakausap ang mga ula. Na parang ang saya nilang lumulutang sa alapaap."Para akong baliw na kumakausap sa mga ulap." Ika ni Pepe sa sariling hindi maunawaan ang lumbay na nararamdaman.

Nung biglang may malamig na naramdaman si Pepe na unti-unting gumagalaw sa kanyang likuran at parang may mga kamay na parang humihimas sa kanyang batok patungo sa kanyang ulo.

"Aaaaahhhh... :O :O "

Kinalabutan si Pepe sa sobrang pag ka gulat niya dali-dali niyang hinatak ang mga ito at mahigpit na hinawakan. Pilit na gustong kumawala ang mga kamay sa pagkahawak ni Pepe. Ngunit sa sobrang pag kayamot ni Pepe ay sinakmal niya ito ng matindi na parang asong na uulol... (Beast Mode!! AARRRGG...)

Isang malakas na sigaw ang kanyang narinig... Kasabay ng isang Spike na parang nagmula kay Alyssa Valdez ang sumambulat sa pag mumukha ni Pepe... (PAAK!!!)

"Punyeta Pepe! Ano yung ginawa mo sa aking malalambot at makikinis na kamay?" Walang masabi si Pepe at parang natigilan ng ulirat habang naririnig ang hinaing na kanyang pinsan na si Jen Luna. "Bakit sa mga kamay ko pa? Pwede naman sa pader mo na lang nilabas ang mga sakit ng loob mo? Malang si Badet yung ugat ng lahat ng ganito..."

Biglang nag throw back sa isip ni Pepe ang mga pangyayari...

(insert tape rewind na sound track)...

Biglang bumukas ulit ang sugat sa dibdib at pighati sa mga alaala ni Bads...sabi ni Pepe habang hinihimas ang namumulang mukha... "Si Bads... Si Bads... Si Bads... ang taong pinakakamahal ko at inalayan ko ng panahon at buong pagsisikap... Sobrang mahal ko siya higit pa sa pagmamahal ng tatay mo sa kanyang mga desi syeteng Kabet."

"Ha?! May kabet yung tatay ko?" sabi ni Jen

Ngunit patuloy parin si Pepe sa kanyang pagmomoment...

"Si Bads na handa akong tawirin ang sampung budok, apat na dagat kahit malahiganteng alon ay aking susuongin upang siya ay mahagkan....

"HOY! Pepe linawin mo yung kanina may kabet ba yung Tatay ko!" ika ni Jen

Hindi pa rin sya pinapansin ni Pepe...

"O Bads... alam mo ba na ikaw yung dahilan kung bakit parati akong active parati sa twitter, nagpopost ng cheesy picture at quotes sa Instagram, ka chat sa Viber, at kina aadikan sa facebook. At ikaw lang yung babaeng handa kong regaluhan louis vuitton at Hermes Bag na syang paboritong bag ni Mommy D. at sa kakahintay ko parang natalo ko na yata si Alden sa kakahintay sa tamang panahon para lang sayo..Haaayyyttss..."

Sisingit ulit sa eksena yung pinsan niyang litong litong lito...

At tatanongin si Pepe tungkol sa kabet nang tatay niya na binangit ni Pepe bago pa sya mag moment tungkol kay Bads ng buhay nya....

"Pepe!!! May Kabet ba yung Itay ko?"

"PUTANG INA MO! Kanina ka panira sa pag momoment ko... Pa ulit ulit? Unli lang?!" sagot ni Pepe....

"Walang Kabet yung Tatay ko... Alam ko yun palagi lang syang nag Oovertime sa trabaho nya!!"

Sabi ni Jen habang dahan dahang tumutulo yung sipon at biglang sisinga ng papasok upang mapigilan ito...

"Akala mo lang wala pero meron meron meron...." (Lines ng isang Drama sa Radyo ng Kapitbahay na sobrang lakas ng volume)

Waaaapaaak!! Sinampal ni Jen si Pepe na parang suntok ni saitama... at dahang dahang dumilaw yung buhok ni Pepe at sinampal pabalik si Jen (Paaaak!!)...
"Radyo yun... Engot!"

Biglang magkakabackground music... (love ur self ni Justine beiber....)

Nang hihinang uupo si Pepe... at patuloy sa kanyang pag aalala sa kanyang kasintahan na wari mo ay kataposan na ng kanyang mundo.

"Ang babaeng pinagkatiwalaan ko ng sobrang sobra,na siyang nawala kasama ng anerolang ginto ng lola ko na made in China... Na araw-araw humihingi ng load sa akin para e pa register sa GU15... At higit sa lahat ang siyang inakala kong pinakamagandang bebot ay... Isang mabagsik na Bae pala!!!

Parang na Baebotenga ako... Sa buong katangahan ko sa kanya inakala ko na sya ay si Badet yun pala Badong rin pala yung tunay na pangalan nya... anak ng teteng naman!

"Ayaw ko na Jen! pagod na pagod na ako, gusto ko nang kalimutan at marinig ang pangalan ng pesteng hinayupak na yun!"

"Ha?! Sino ba yan? Nakalimutan ko na yung pangalan nya e...?" sabi ni Jen

"Badet nga!!! At ayoko ko nang marinig yung pangalan na yan!"

"Aahhh.... BADET!!!" sabay tawa na parang kontrabida sa isang aksyon movie....

"Dalawang taon ko siya niligawan, ang hayop na yun medyo pakipot pa... tssssk... at ngayon tatlong taon ko na siyang girlpred si badet este badong rin pala... Tatlong taon ko siyang pinagkatiwalaan at tatlong taon rin nya akong niloko.

Nakilala ko siya sa Sta. Ana sa Harap ng Plaza na may malaking poster ng KathNiel. Nag iisa lang siya at wala siyang kasamang iba... (syempre nag iisa lang nga dba??)

Yung sumunod na eksena ay parang sa MMK yung tipong matinding dramahan talaga... kaya nilapitan ko siya at kinalamayan yung kanyang pakiramdam dahil iniwanan siya ng kanyang boyfriend na kano pero maitim naman... At bigla kong naaninag ang pagkagandang mukha niya... huwow... makalaglag panga naman to...

Simula noon ay palgi na kaming nag uusap sa facebook ka text buong magdamag na kung minsan inaabot na ng medaling araw. Binibisita ko siya parati at dinadalhan ng kung anu-ano. Tulad ng imported na noodles at ramen galing japan mula sa tiyahin ko na ang trabaho ay (kabet ng pandak at panot na yakuzang hapon.) este domestic helper pala... at sa sobrang tuwa niya sasabihin niya ako "sa susunod ulit Pepe... mag dala ka pa ng marami..." at sabay mag papabebeng kaway...Hayyyts...

Buti na lang... Dahil kay Aling Bebang na bungangerang kapatid ni aling Chuchay na may ari ng isang tindahan na laging ubos ang paninda dahil lagi siyang tulog kung magbantay... hindi ko pa malalaman na made in Thailand pala yung beauty ni kwan...

(Jen, Sino?) ni Badet! Dati pala siyang si Badong yung kargador sa pier na may malaking...( ANO?)

Nunal sa mukha tulad ng kay naura..

Kaya ayoko na, gusto ko na siyang kalimutan at ayaw ko nang marinig at sambitin ang kanyang pangalan... Hindi na kahit pumiti pa ang lahat ng mga uwak Jen."

Jen"Aaahhh... ganoon ba? Teka lang ano ba yung pangalan nya? Nakalimutan ko na e"

Sa isip ni Pepe"Pa ulit-ulit tong loko ha... ginuguyo ako?! Tang Ina"

"Punyeta! Mag Celine, Centrum, at mag Memo Plus ka! ULOL!"



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 29, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Baebot ni PepeWhere stories live. Discover now