BTS 1

65 4 2
                                    


Jessica Young's POV

Nagmamadali ako ngayon maglakad bwisit kasi walang silbi yung alarm na yun ! 

"Hehehe yari ka saakin mamaya alarm" bulong ko habang tumatakbo 

OMG MALAPIT NA AKO 

Pagkarating ko sa pupuntahan ko binasa ko muna yung pangalan 

"Sonyeondan Hotel" 

Matagal-tagal na rin ako dito, pero ng dahil sa pesteng alarm clock na yun matatanggal pa ata ako enebe. 

Papasok na sana ako ng bigla akong harangan ng guard. 

"Uh bawal po pumasok maam" sabi nya 

"At bakit??!" 

"Nandito po yung mga may-ari ng hotel na ito, bawal po magpapasok ang hindi imbitado" 

"Sino ba yun ? Ehehehe" tanong ko. 

"Yung may-ari nga po ng hotel" 

"Alam ko! Ang tinatanong ko kung sino ba yung mga may-ari nyan??" 

"Di nyo po ba alam?" tanong nya kaya napafacepalm ako 

Sasapakin ko na to eh pigilan nyo ko! 

Joke wag na lang para mabura na tong kumag na to sa mundo 

"Mababaog talaga mga tao sayo noh ? Dyan ka na nga!" 

Dadaanan sana ako ng harangan ulit nya ko. 

"Leche ano bang problema mo bukod sa mukha mo ??!" galit kong tanong 

"Bawal nga po magpapasok ng hindi imbitado" 

"BAKIT BA ANG KULIT KULIT NG LAHI MO ?!! PAULIT-ULIT MO BANG SASABIHIN SA MUKHA KO NA BAWAL HA? ! SIRANG PLAKA KA BANG LALAKI KA HA ??!!" 

"Hehehe pick-up line ba yan?" 

Abat napakawalanghiya talaga neto eh noh 

"Sino ka ba para ipick-up line? Tangina kasi kung pinapadaan mo na ako diba?" 

"Di nga po pwede" 

"Baguhan ka lang siguro noh ?" tanong ko 

"Ah opo" 

Kung tinatangina ka nga naman 

"Baguhan ka lang palang leche ka! Nakikita mo tong gitara na hawak ko?" sabi ko at pinakita yung gitarang nakasabit sa balikat ko. 

"Malamang di ako bulag noh"

"Aba putang— ok ganito , magpeperform ako mamaya dyan sa bar tapos hindi mo ako papapasukin?"


"I.D nyo muna maam dami nyo pang sinasabi eh"

Inis ko namang hinanap yung i.d ko sa bag. 

"Oh ayan saksak mo sa singit mo!" sabi ko at tinapat sa mukha nya yung i.d ko 

Tinignan nyang maigi tsaka sya nag give way 

"Sige maam makakapasok na po kayo" 

Pumasok naman ako, babatuhin ko sana sya ng gitara kaso wag na lang mas mahal pa to kaysa sa buong pagkatao nya. 

"Hello maam krystal" bati ko pagdating sa counter 

"Tong babaeng to lakas makahello nandun yung may-ari sa likod mo oh" sabi ni krystal

BTS (One-shot Stories)Where stories live. Discover now