XVII: William (part 2)

6.6K 165 63
                                    

I know I made a promise to Lucy that I will not visit her in her studio but on the other hand, I want to prove her that she is more than any other woman I've met. I don't know what her reaction will be but I am taking the risk.

Sabi nga ni MJD, panindigan ko kung anong nararamdaman ko.

"Good afternoon. Is Lucy inside?"

Bahagyang nagulat yung isa sa mga staff ni Lucy. Nakalimutan ko na rin kasing kumatok sa pinto dahil pinapasok agad ako ng guard kanina.

"Ahm.. Yes sir. How may I help you?"

"I just wanna talk to her and bring her this."

Pinakita ko sa kanya yung take out na dinala ko from Chef Park's Kitchen. Pang bribe ko para di magalit si Lucy na pinuntahan ko siya, kasi syempre, alam kong weakness niya ang Korean food.

"Im sorry sir. She is not available right now. You can just leave that with me and I'd tell her that you dropped by."

"Im.. I'm sorry. You don't get it miss... I need to personally give this to her. I've not seen her since Tuesday ."

"Kamag-anak po ba kayo ni Ms. Lucy? Kasi po kung hindi naman, wag na po kayong makulit. Eh, bad vibes po ngayon si Ms. Lucy eh."

"Bad vibes? What happened?  The more that I need to get inside her office."

"Pag sinabi ko ho ba sa inyo ang problema, matutulungan niyo si Ms. Lucy?"

"Huh? Di ako nangangako pero gagawin ko ang lahat para tulungan siya."

"Sure po kayo?"

Huminga ng malalim yung babae at kahit na medyo nag-aalinlangan siyang magkwento sa akin, eh napilit ko na rin siya. Siguro dahil sa kagwapuhan ko kaya hindi na rin siya nakahindi.  It really pays to have the good looks.

"It's like this sir. We have to submit to our client our AVP of their parents' golden wedding anniversary. Our video editor was able to do it before he filed for a leave pero nasira yung video at walang back up. Ngayon eh nasa eroplano na siya papuntang China. Vacation break with the family. The file is needed at 6:00pm and we only have 2 hours left to finish the editing. Eh yung isa pa naming editor, manganganak ang asawa kaya wala rin dito, ako naman, medyo bago pa lang akong natuto kaya di ko rin alam ang gagawin ko, pati yung dalawa pa naming staff, tapos si Ms. Lucy.. hindi rin ganoon kagaling.. kaya ayun.. ahmm. Bad vibes. Kasi lahat ng tinawagan naming connection who can help us eh di pwede, tapos ano pa..."

Hindi ko na pinatapos pa yung kwento ng babae at tinakbo ko ang office ni Lucy na hindi naman mahirap hanapin kasi her studio is not that big compared to ours at nagulat ako sa nakita kong Lucy pagbukas ko ng pinto.

Right before my eyes, I saw a very different Lucy. Nasa sulok siya ng office niya at umiiyak. Gusto ko siyang takbuhin at yakapin at sabihing okay lang ang lahat, na I will do my best to help her pero nastatwa lang ako sa pagkakatayo ko kasi di ko alam kung paano ko siya i-aapproach. Paano kung lalo pa siyang ma-stress dahil nandito ako.

Paano kung hindi niya talaga magustuhan na I did not keep my promise of not coming here? Paano ko siya i-co-comfort at ipapadama na I am just here.

"William?!"

Nakita na pala ako ni Lucy, patay.

"Lucy..."

Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari. Naging napakabilis ng lahat. I found myself wrapped in Lucy's arms at siniksik niya ang ulo niya sa may kili-kili ko na parang bata. Naramdaman kong nagreact yung nasa loob ng pantalon ko at di ko alam kung anong dapat kong gawin. Umiyak siya ng umiyak. And I felt my polo getting wet.

I Found Love at Thirty TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon