Overthinking

54 1 0
                                    



Eto na naman ako, nakatunganga sa phone ko, nagbabasa ng wattpad, nagbabasa ng mga dating sona ko sa mga nagustuhan ko, monthsaries, at birthday messages.

Lagi akong ganito, binabalikan ko lahat ng pwede kong basahin lalo na pag hindi ako makatulog. Minsan naman, bigla akong maiiyak. Diko alam yung dahilan e. Parang tanga 😂 Iiyak ng walang dahilan.
Pero alam ko sa sarili ko na overthinking to, minsan kasi pag magbabasa nako ng kahit hindi naman nakakaiyak na story o short stories, naiiyak nako. Hindi ko naman mapigilan, ang sakit kaya magpigil ng luha no. Parang mawawalan ka ng hininga.

Ano ba mga naiisip ko pag nagooverthink? Haha halos lahat na yata naisip kona, tungkol man yan sa family, sa kaibigan, sa lovelife, sa crush, sa kahit kanino, sa nagawa kong kasalanan, sa naiinggit ako sa kanila, basta sa lahat na!

Makikita mo sakin na masaya ako sa panlabas, laging nakatawa, mapagbiro, madaldal pero pag ako nalang mag-isa sa kwarto o ako nalang magisa nagiisp? Doon. Don ko nalalabas yung nararamdaman ko. At ako lang may alam ng nararamdaman kong 'to. Hindi ko nakwkwento sa iba kung ano iniisip ko pero nakwento ko naman minsan na madalas ako magoverthink.

Ewan ko ba basta para na lang kasi akong tanga. Simpleng bagay iiyakan ko. Minsan sa insecurities, minsan naman sa kakaisip na mahal pa kaya nya ako o ano. Oo taa kayo. May mahal ako. Pero mahirap yung sitwasyon namin haha.

Gawin na nating dalawa yung title ng storya ko. Abnormal at Ldr charot. Hahaha. ilang months na din kame months na kame. Hindi pa kami nagkikita. Tama kayo. Hindi pa.

Alam ko naman kasi sarili ko na never kami magkikita. NEVER. Kahit na sya naniniwala siya na magkikita kami, alam ko sa sarili ko na hindi. Kahit na isang oras lang ang byahe nya papunta samin

Ang sakit lang dahil yun madalas naiisip ko, na never kong mahahawakan kamay nya, mayakap siya, mahalikan, makasama habang buhay. Lagi kaming magkausap nito, madalas kami magaway pero agad naaayos, masasabi ko na mahal talaga namin ang isa't isa. Kahit sa call lang ramdam ko yung pagmamahal niya. Masasabi kong swerte ako sa kanya, una sa lahat, pangalawa niya palang ako at lahat gingawa nya para magkita kami pero ako lang talaga yung problema pinipigilan ko siya. Pilit niya paring iniitindi yun kahit anong mangyari, kasi mahal nya ko. Sigurado ako don. Ngayon ko lang naramdaman yung pagobsess nya sakin ng ganito.

Pero alam ko na matatapos din tong relasyon na 'to. Mawawala rin. Kasi linoloko ko nalang ang sarili ko at linoloko ko nalang siya. Sobrang tanga ko dahil ginawa ko to pero parang ayoko munang tapusin. Ang hirap. Hindi ko kaya. Masakit sobrang sakit. Hindi ko kakayanin na mawala siya. Mahal na mahal ko siya.

Alam ko na malapit na. Malapit ng matapos to. Balang araw matatapos din. Hindi dahil sa dahilan ko pero dahil nagsawa na syang hintayin ako. Nagsawa na syang maghintay na magkita kami.

Dahil...
Linoko ko siya. Peke lang ako. Impostor.
Ginamit ko lang ang mukha ng isang malaanghel na babae para makilala siya. Tama kayo. Isa akong face borrower at antanga ko. Napakagago ko. Pero pangako malapit na ang huli. Hindi ko na sya lolokohin pa, makakahanap siya ng mas better sakin at mas deserve nya. Ayokong malaman niya na peke ako,gago na kung gago pero mas gusto ko ng masaktan sya sa kasinungalingan dahil dun rin naman sya naging masaya.. Dun na rin matatapos. Basta Mahal ko siya. Balang araw makakahanap din ako ng magmamahal sakin at hindi ko na kailangan gumamit pa ng ibang mukha para mahalin rin ako. hindi naman ako panget, cute daw ako, maganda naman sadyang pinapatay lang ako ng insecurity ko. Balang araw... magiging okay din ang lahat, hindi na peke at wala ng kasinungalingan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon