Level 10

2.3K 59 3
                                    

***

(Ashley)

Halos sumisilip na ang araw nang makarating kami sa pupuntahan namin. Buong byahe, hawak lang ni Rio ang kamay ko. Halata na rin sa kilos nya ang pagod at antok, lalo pa at nakainom sya. But he endure all those para lang mailayo ako at magkasama kami. And I have no regrets at all.

"Magpahinga ka na muna. You're tired." Tumango na lamang ako at iginala ang tingin ko sa maliit na bahay na pinag dalhan nya sa akin. Two storey pero kasya lamang siguro ang isang maliit na pamilya. Six steps stair at isang maaliwalas na living room, na kadugtong na ng maliit na kusina.

Inakyat ko ang ikalawang palapag at nakasunod lamang sya sa akin. May dalawang magkatapatang kwarto. Pinili kong buksan ang nasa aking kanan, at sumalubong sa akin ang maaliwalas na pakiramdam.

May kama sa gitna na pangdalawahang tao. Sa tabi noon ang isang maliit na lamesita. Katapat naman ng kama ang katamtamang laking plasma tv. At ang ikinamangha ko pa ay ang chimney sa gilid ng kama. Hindi ako sigurado kung nasaan kami pero alam ko namang nasa Pilipinas lang kami. Nagtaka lang ako kung bakit may chimney.

"Malamig dito tuwing November hanggang January, kaya pinasadya ko yan." I stiffened nang yakapin nya ako mula sa likod at isiniksik ang ulo nya sa pagitan ng leeg at balikat ko. Ramdam na ramdam ko tuloy ang mainit nyang hininga roon.

"Pinasadya? You mean?" Nilingon ko sya at nagtama ang aming mga mata. He smiled at dahan dahang tumango.

"I own this house. Ipinagawa ko 'to habang nasa Canada ka. And ipinangalan ko ito sayo." Bakit pakiramdam ko, gusto kong maiyak? Nung nasa Canada ako, akala ko kinalimutan nya na ako. That it was just his game that he'll wait for me, but here nagawa nya pa akong ipagpagawa ng bahay.

"Hindi mo na dapat ginawa yun." I touched his cheek. Alam ko kung gaano kaimportante sa kanya ang pera, kahit pa sobrang yaman nya, pinahahalagahan nya ang bawat sentimo dahil pamana iyon ni Mom Ana.

"Gusto kong patunayan na mahal kita. I can give you everything Ashley." He said at napangiti na lang ako ng mapait. Kahit pa sa kanya manggaling iyon, may kudlit pa rin sa puso ko. Mahal nya ako, pero kasal sya sa iba. Kahit pa mahal namin ang isa't isa, mukhang hanggang doon na lang kami kase pagbali baliktarin man ang mundo, may ibang nag mamay ari na sa kanya, at malapit na silang magka anak.

At doon ako lubos na nasasaktan. Hindi para sa akin, kundi para sa bata. Ang sama sama ko kase sarili ko lang ang iniisip ko, inagaw ko sa mama nya ang asawa nito at ang ama nya. Pero paano naman ako? Kahit ngayon lang gusto ko munang sumaya, darating ang panahon, ibabalik ko rin sya sa kanila, kung saan sya nararapat.

"Hindi naman kailangan yun." Binitawan ko sya at tumungo sa kama. Naupo ako roon at hindi na napigilan pa ang luhang kanina pang nagbabadyang pumatak. Pinilit kong pigilan ang mga yun, pero huli na. Nagsipatakan na sila hanggang sa pantulog na suot ko.

"U-miiyak ka ba?" Gulat na tanong nya. Nagbaba na lamang ako ng tingin at pinahid ang mga luha ko. Pero nahuli na naman ako, dahil kasabay noon ang pagkawala ng hikbi ko.

"M-ali ito. Mali ang ginawa natin. K-asal ka, kasal na rin ako. B-aka hinahanap ka na ng asawa mo." Heto na naman ako, nag aaalala sa kung ano ang nangyayare at mangyayare dahil sa naging desisyon namin.

The Playful AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon