"Keith"
Tumigil ako sa kakatawa ng tinawag ng katabi ko ang aking Pangalan. Lumingon naman ako dito at Nginitian.
"Tumatawa kana nyan?" Tumawa naman lahat sila sa Sinabi si Julia, Nasa loob kami ng aming Classroom. At Nag pulong pulong yung kadalasan ginagawa ng mga studyante pag wala ang Teacher nila. Chikahan ano pa."Ang hinhin mo talaga"
Napailing nalang ako sa sinabi niya, Mahinhin daw ako, Mahiyain. Hindi naman talaga ako Mahiyain natatakot lang ako mag approached ng Isang tao dahil natatakot akong Ma ignore mapahiya o Pagalitan. I dont know, tulad ngayon sila mismo ang nakitabi sakin dahil alam nilang hindi ako Lalapit sa kanila, laging ganun. Pero trinatry ko naman Ako mismo ang kumausap sa kanila, pero talaga Di kaya ng Bibig at Dibdib ko.
"Ay! Oo nga pala Keith" Bumaling naman ang atensyon ko kay Jane na nakaupo sa harap ko. "Date tayo" DATE, as a Group Girl date. Ganyan sila lagi akong sinasama pero..
"Ay naku! Jane College pa ata natin mapapasama yan. Dun nalang ako Aasa baka doon sigurado Mapapasama na natin siya" Natawa nalang ako sa biglang pag singit ni Julia sa Aya ni Jane. One time lang ako nakasama sa kanila pero hindi na naulit yun kasi Last time nasiraan yung Kotse nila Jane no Choice kung Hindi Mag commute At sa sobrang Na excite sa Thrilk nag tricycle kami at hindi namin namalayan Rapis pala yung tricycle driver. At buti nalang Malakas kami natakas namin yung Rapis ang kaso Nalaman ng mga kapatid ko At Ayun hindi na naka ulit.
"Kaloka! Oo nga pala. Di paba makapag move on mga kapatid mo dun? Super Strict naman nila Daig pa mga mag----"
"Tanga! Wag ka nga maingay dyan pag yan nakarating sakanila! Ewan ko lang sayo"
"Hahahahaha" Napatawa ulit ako, ganun naba talaga nakakatakot yung itchura ng mga Kapatid ko? Haaay nako! Kung alam lang nila kung Anong Totoong sila.
"Kaloka ka talaga! Kanina pa tayo nag uusao dito puro tawa lang yung reaction mo mahinhin pa"
*Bell ring*
Nag sitayuan na nakami lahat at inayos ang Upuan at mga gamit na linabas namin.
"Paano ba yan? Kami nalang dalawa. Tutal Mag gragraduate na tayo. Atlis Mag cocollege na Makakasama kana" Umiling nalang ako at may kasamang pailing iling sa sinabi ni Julia. Loka loka talaga to.
Nagpaalam na din kami sa isat isa at nag lakad ng kanya kanyang daan. Dahil sila patungong parking Park at Ako papunta sa Likod ng Gymn dahil andun ang mga kapatid ko na alam ko Nagsusuntukan na dahil sa inip sa paghhintay sakin.
"KEITH!" I stopped walking, Narinig ko kasing may tumawag sa pangalan ko galing sa Likuran ko. Hinarap ko ito, At kumunot noo. Dalawang Lalakeng ang nasa harap ko at may kanya kanyang Dala ng Boquet at Chocolates. Kilala nila ako Pero hindi ko sila kilala.
"Ah.. Eh.." Para akong tangang Binibigkas Ah Eh ih Ou dahil sa dalawang Lalakeng to na tinawag ang pangalan ko na hindi ko naman kilala.
"Hi I'm Rico" Tinaas nya ang kanyang kanang kamay para makipag shake hands ngunit Ngumiti nalang ako dito na may pagka alinlangan. Suminghap siya ng hindi ko inabot ang aking Kamay ngunit bumawi naman ito "And this is Christian" Pag papakilala nya sa Katabi nya Sinilip ko naman ito. At ngitian. "Para sayo pala" Ngayon naman ang mga hawak hawak ng kamay nya ang inabot nya. Pero hindi ko parin ito inabot "Ah, Ako pala yung Lalake sa Main Gate, yung Nagbigay ng 3 roses sayo, kaso hindi mo kinuha dahil.."
"Dahil?" Tumuwid ng tayo ang dalawang lalake dahil sa narinig nilang Boses. Boses na animoy napaka cold at Paos.
"Ah..Eh!" Natawa ako sa Loob yung kaninabg lalakeng lakas ng loob mag bigay ng Flowers at ngayon na uutal na dahil nakita ang Mga magulang ng kanyang nililigawan. "Ah.. W-wala Si'sige Aalis napo kami" Pero bago paman sila makaalis nauna nakami.