It starts with one smile

400 6 19
                                    

Thankful talaga ako ki Alesana_Marie. Nainspired ako eh! Kaya eto, nagsusulat na din ako.haha.

_______________________________________________________________________

Tandang-tanda ko pa kung saan at kung paano nagtagpo ang aming mga landas.Sayang, hindi ko lang natandaan kung kelan iyon nangyari. Hindi ko naman kasi inaakala na iyon ang magiging simula ng malalim na pagtingin ko sa kanya. Kung alam ko lang, eh di sana isinulat ko pa yun.(hhe, ang cheap ko noh!?). Pero mabuti na rin at hindi, dahil kung nagkataon baka naisumpa ko pa ang araw na iyon.

 6:30 PM.Engineering Bldg.2nd Floor.

Nagmamadali ako dahil mahuhuli na ako sa last subject ko(Principles Of Marketing).

Hindi ako ganun kabilis maglakad kasi mataas ang heels ng sapatos ko. Natatakot ako baka bigla na lang akong matapilok kung tatakbo ako, kaya nagdahan dahan ako pagdating sa 2nd floor. Eh ang dami pa namang tao. Ayaw ko namang mag-iskandalo.(hhe)

Malapit na ako sa room ko(206) ng biglang may nag "Hi!" sa akin. Isang lalaki, na hindi naman pamilyar ang mukha . Marami siyang kasamang babae. Hindi ko sigurado, pero mukhang siya nga lang yata ang lalake dun.NagSmile siya sa akin.Oo, maganda yung smile niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon. Ngingitian ko ba?(eh baka hindi naman talaga ako ang nginingitian niya,eh pero imposible, wala namang tao sa likuran ko)Isnabin ko na lang kaya?Hm.Nakakahiya. Sayang naman yung effort niya, saka mukhang cute naman. Kaya ayun, nagSmile din ako. Siyempre simpleng smile lang yung binigay ko kasi baka isipin niya napaka easy ko naman. Na nadala agad ako sa simpleng smile. Pagkatapos nun dumiretso na ako sa room ko. Mabuti na lang at hindi ako late.

*****

Ilang araw ang lumipas. Dati lang naman ang mga nangyayari sa buhay ko.

Naaalala ko din yung estrangherong lalaki na nakilala ko pero hindi ko na siya nakikita. Inisip ko na lang na baka isa rin siya sa mga lalaking walang ibang magawa kundi magpapansin sa mga babaeng nakikita.

May incoming Election  sa University namin, kaya may mga nangangampanya. Hai ewan ko ba, pero ayaw ko talaga sa pulitika. Kaya nga ayaw na ayaw kong umaattend ng mga Political Furom.Hmp. Lahat naman iyon kasinungalingan.(hehe..Ang Sama ko noh!? Bato bato sa langit, ang tamaan wag magalit )

Laking gulat ko ng nakita ko ang lalaking nag "hi" sakin sa EN Bldg. ay isa pala sa mga Candidate sa darating na election..Nakita ko yun sa mga posters at malalaking tarpaulin sa mga hallways at corridors.

"WHAAAAT DAAH??

hm.Now I know kung bakit niya ako pinansin. He needs my vote.haha.Kaya pala. Wag ka ngang assuming na naattract siya sayo.Kailangan niya lang talagang maging mabait sa lahat para manalo siya."

Tsk!Ano ka ba Jamie, wag ka ngang paapekto. Simpleng smile lang yun. Wag mong bigyan ng meaning.haha.

********

Hapon.

Palabas na ako ng School. Maulan ng araw na yun. Eh hindi ako nagdadala ng payong kaya sa may DHS ako dumaan para hindi ako mabasa. Nasa may chapel na ako ng may nakita akong isang pamilyar na mukha.

Hindi ako maaaring magkamali. Siya yung lalaking nakita ko sa EN Bldg. Hindi ko alam yung pangalan niya. Hindi ko naman kasi tiningnan dun sa mga posters. Sa may Chapel din siya dumaan kaya nagkaroon ako ng pagkakataong makita siya ng mas malapitan.

Medyo cute nga siya.Hm. Sige na nga, Cute nga siya. Hmp! Pero hindi ko sinabing gwapo ha?hehe. Nasasabi ko lang kasi na gwapo ang isang lalaki kapag nalaman ko na ang kanyang ugali. Since wala naman talaga akong idea tungkol sa kanya kaya Cute lang muna sa ngayon. HUUWaaT?Sa ngayon?Meaning may plano akong kilalanin siya.TSk!Tsk! Tumigil ka nga Jamie. Baliw kaba?haha. Imposible yun.

Sweetest Downfall..I loved You first.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon