Chapter Three

54.1K 1K 41
                                    

The Intended Wife - Chapter Three

2:15 am

Nagising ako at wala pa rin si Van. Sinubukan ko siyang tawagan pero walang sumasagot. Tinawagan ko na rin ang secretary niya, ang sabi kanina pa raw umuwi. Nag aalala na ako dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo nang marinig ko ang pag bukas ng gate. Agad akong nag lakad papunta sa pinto at binuksan iyon.

Napatigil ako nang makita kung sino ang dumating.

"Babe, mamaya na. Baka makita tayo ni Chastine," rinig kong sabi ni Yna.

Hinahalik halikan kasi siya ni Van. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko gusto ang naramdaman ko sa nakikita ko ngayon. Tila may kung ano sa puso ko.

"Oops, nandito pala siya. Nakita na tayo, babe," aniya kaya naman napatingin din si Van sa akin.

Sandali lang iyon at bumaling na siya kay Yna, "Hayaan mo siya. Tara na," dirediretso silang pumasok sa loob. Binangga pa ako ni Yna ngunit hindi ko na lang ito pinansin. Umakyat silang dalawa sa kwarto namin.

Pumasok na rin ako sa loob. Nanghihina akong napaupo sa sofa. Ngayon niya lang dinala si Yna rito. Oo, alam kong nagkikita sila. Pero hindi ko akalain na dadalhin pa niya rito sa mismong bahay namin.

Ilang minuto ang lumipas bago ko napagpasyahan umakyat. Sinubukan ko buksan ang pinto ng kwarto namin ngunit napatigil ako. Hindi ko kasi kinaya.

"I love you."

"I love you too, babe."

Pagkatapos ng mga salitang iyon, alam kong iba na ang kasunod. Agad akong dumiretso sa guest room at ni-lock ang pinto. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko kinaya 'yong narinig ko. Masakit sa akin ang nakita ko. Ginagawa ko naman lahat ng gusto niya pero hindi pa rin sapat. Mabuti naman akong asawa, pero bakit gano'n? Bakit parang kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin makuha 'yong pagmamahal na dapat para sa akin?

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Samantha.

"Hello?

"S-sam."

"Oh, Cha? Bakit? May problema ba?"

"Sam, kailangan kita," napa hagulgol na ako.

"Ano na naman ba ang ginawa ng gago mong asawa, ha? Sandali, magpapalit lang ako at pupunta na ako diyan."

"Bilisan mo, please."

"Oo. D'yan ka lang. Darating ako. Nako, lagot sa akin 'yang asawa mo. 'Wag ka na umiyak, ha."

Ibinaba ko na ang tawag at umupo ako sa kama. Huminga ako nang malalim at saka pinunasan ang luha ko. Naghintay lang ako hanggang sa tumunog na ang doorbell. Agad akong lumabas ng kwarto pero napaatras din dahil lumabas sina Van.

"Sino na naman ba 'yan? Anong oras na, ah? Istorbo naman!" sigaw ni Van sa akin. Nasa gilid niya si Yna na nakangisi sa akin. Kumot lang ang nakatakip sa katawan niya. Hindi ko na sila pinansin at bumaba na lang. Binuksan ko ang pinto at agad naman pumasok si Samantha.

"Nasaan na ang gagong Van na 'yon? Dalhin mo rito nang maupakan na," ani Samantha. Napatingin naman siya sa taas kung saan naroon sina Van.

"Ay oh, nagsama pa ng babaeng malandi. Ang lupet nga naman."

Paakyat na sana siya pero pinigilan ko. Tinignan niya ako at kumunot ang noo niya.

"H-hayaan mo na sila," sabi ko sa kanya at pinunasan ang mga luhang tumutulo na naman.

"Anong hayaan? Hahayaan mong iba ang nakakasama ng asawa mo? Utang na loob naman, Chastine! Gumising ka nga sa kahibangan mo! Iwan mo na si Van!" sigaw niya sa akin.

"Umalis ka na nga!" napatingin ako kay Van nang bumaba na siya at sumigaw kay Samantha.

Humarap naman si Samantha sa kanya at sumagot din. Si Yna naman ay nasa gilid lang at tila natutuwa pa sa nangyayari.

"Hindi ako aalis hangga't hindi ko kasama si Chastine! Kukunin ko na siya. Ano bang nangyayari sa'yo, ha? Hindi ka naman ganyan eh. Ni ayaw mo nga na nasasaktan si Chastine dahil bestfriend mo siya, 'di ba? Anong nangyari, Viniel? Asawa mo na siya, 'wag mo naman siyang itrato na para bang basura!" sigaw ni Samantha. Hindi ko na napigilan umiyak ulit.

Pakiramdam ko ang hina hina ko dahil hindi ko man lang ma-ipagtanggol ang sarili ko.

"Matagal nang nasira ang pagkakaibigan namin! Kung hindi dahil sa kanya, sana malaya kami ni Yna. E 'di sana si Yna ang asawa ko!" ganti ni Van.

Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Ang daming dahilan para iwan ko ang lahat ng ito pero isa lang 'yong pinanghahawakan ko. Ayun ay ang mahal ko siya.

"Sana nga eh. Sana hindi na lang siya napunta sa 'yo. Sana kay Xander na lang siya. Dahil alam kong aalagaan at hindi niya hahayaang masaktan si Chastine. Grabe ka, Van. Hindi ko akalain na ikaw pa ang gagawa nito kay Chastine. Sana talaga si Xander na lang. Dahil kahit anong gawin mo, hindi ka papantay sa kanya. Walang wala ka sa kanya," natigilan naman si Van sa sinabi ni Sam.

Kahit si Yna ay nawala ang pagka ngisi. Napatigil din ako sa pag iyak dahil sa narinig ko. Tinignan ko lang si Van na halatang nasaktan sa sinabi ni Samantha.

Bumaling ang kaibigan ko kay Yna. Hinila niya ito at sinampal.

"Para 'yan sa pagiging malandi mo," sinampal niya ulit si Yna, "Para 'yan sa pagsira sa relasyon ni Van at Chastine," at isang malakas bilang huling sampal, "Para 'yan sa pagiging dahilan ng paghihirap niya."

Nakahawak lang si Yna sa pisngi niya habang si Van naman ay ngayon pa lang nakakilos. Agad niyang nilapitan si Yna at niyakap.

"Okay ka lang ba?" tanong niya kay Yna.

"Mukha ba akong okay? Tatlong sampal tapos tatanungin mo 'ko kung okay lang?" inis na sagot sa kanya.

Tinignan naman ni Van si Samantha nang masama.

"Wala kang karapatan saktan si Yna!"

"Ako wala, pero si Chastine, meron. Hindi niya lang magawa kaya ako na ang gumawa. Tandaan mo 'to, Van. Darating ang araw na pagsisisihan mo ang lahat ng tto," ani Samantha at hinila na ako paalis doon.

Wala na akong nagawa kundi sumama. Ang gusto ko na lang ay mag pahinga dahil pagod na ako.

Pagod na pagod.

The Intended Wife (Completed) [Published on Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon