The untold story

3 0 0
                                    

Isa akong lalakeng nagmahal pero sinaktan.

First year highschool pa lang ako pakiramdam ko nahanap ko na ang babaeng magpapaligaya sa akin habangbuhay. Naging masaya kami sa relasyong patago dahil bawal pa siya magkaboyfriend hangga't di pa siya nakakatapos. Takot siya sa mama niya. Sobra. Kaya siguro handa siyang saktan ako para lang sa mama niya.

Ba't ganoon? Masaya naman kami for three years? Pinasaya ko naman siya para di niya maramdaman na mali ang naging desisyon niyang sagutin ako.

Pero hindi parin naging sapat yun para ipaglaban niya ako! Ang pagmamahalan namin! Third year highschool ng summer ng magsimulang magkalamat ang relasyon namin. Muntikan na kaming mahuli ng nanay niya, kaya sa takot niya nakipaghiwalay siya sa akin.

Isa akong lalakeng umaasang balikan ng ex ko.

Nakipaghiwalay siya sa akin through text! Sabi niya "Let's end this." Nagising ako sa text na ito. Lahat ng dugo sa katawan ko feeling ko nadrain.  Tumayo ako bigla at sinubukan siyang tawagan pero nakapatay na ang phone niya? Or baka sinira na niya ang sim na yun? Hindi ko alam kung anong nangyari....

SOBRANG SAKIT...

Sinubukan ko siyang puntahan sa kanila pero alam kong mapapahamak siya kung gagawin ko yun. Pagnagkikita naman kami sa school parang di na niya ako kilala kahit anong gawin ko di ko siya malapitan. Kaya lahat ng gusto kong iparating sa kanya sa tumblr ko isinulat. Lahat ng sakit na hindi ko masabi.

Nagulat ako isang araw may nag-advice sa akin. And it hits me hard kasi lahat ng sinasabi niya totoo. Sa lahat ng nag-advice sa akin yung sa kanya ang pinakanatamaan ako. Wtf!

Kaya nacurious ako na makilala siya. Antagal ko din siyang kinulit bago siya nagpakilala, napangiti ako kasi tong babaeng to hindi ako kahit kailanman kinausap ng matino. Lagi niya akong inaasar ng NEOZEP. 

Pero alam ko kung bakit ka nahihiyang magpakilala sa akin kasi baka asarin kita. Kaya hindi ko kunwari sinusunod yung payo mo, kasi alam ko na may gusto ka sa akin. (Di naman sa nag'a'assume pero may nakapagsabi kasi sa akin)

Natigilan ako saglit kasi naiisip ko na baka masaktan kita. Crush kasi kita dati. Kaso mahal ko pa talaga yung ex ko nung mga panahon na iyon kaya ayoko naman kitang paasahin na magkakagusto ako sa'yo. Masyadong natakot na yung puso ko magmahal ulit.

Kaya binalewala ko yung nararamdaman mo at patuloy kong sinasabi na mahal ko pa rin yung ex ko. Nagpanggap ako na hindi ko makalimutan yung ex ko,gamit ang tumblr kasi alam ko na magbabasa ka doon.

Isa akong lalakeng nagmahal muli pero natorpe.

Sabi ko sa sarili ko gagamitin ko na yung bakasyon natin para kalimutan yung numumuo kong pagmamahal sa'yo. Sorry di ako umamin na gusto din kita, natakot na kasi akong maramdaman yung sakit na naramdaman ko sa kanya.

Pero kung ano sinasabi ng utak ko eh kabaliktaran naman ng sinasabi ng puso ko, bigla ko na lang namalayan yung sarili kong nageenroll sa school na kung saan ka mag-aaral at pati yung course na gusto mo eh kinuha ko din. Sht! Huli na ang lahat ng marealize ko na dapat linayuan na lang kita.

Buti na lang di tayo magkablock, kaya kunwari ulit eh hanggang nung mga panahon na yun di parin ako nakakamove on at pinapakita ko yun sa tumblr para di mo isipin na sinusundan kita.

Hindi ko naman akalain na sa mga pagdadrama ko sa tumblr may mga naging concern sa akin na mga babae at chinachat ako na  kunwari concerned nga talaga sila sa akin tas lalandiin ako, pero pareparehas lang excuses ko sa kanila "wala eh. Mahal ko pa ex ko". At ang mga walanjong mga babae sinasabing pinaasa ko daw sila kahit na hindi naman ako nagbigay ng motibo. Hello? Baka kasi sila naunang nagchat? Pogi ko kasi masyado. Tsk.

Pero something caught my attention again, isang advice na punong puno ng galit sa kung bakit di pa din ako makamove on. I know to myself that its you :)

And nakaka-amaze kasi bigla tayong naging magkablock ng second sem! Sht ang saya ko! Naging close tayo at ang saya saya ko kasi nakikita ko sa mga mata mo na gusto mo pa ako.

I really love the way you laugh.

Pero natorpe ako...

Gumawa ako ng isang tumblr at ikinwento ko doon kung gaano ako nahuhulog sa'yo pati mga litrato mo in'e-edit ko para di ma obvious na ikaw at maglalagay ako ng caption.

Isa akong lalakeng mahal na mahal ka pero....

Sa ginawa kong tumblr na yun sht nagulat ako ng i'follow ako ng ex ko. Pero syempre binalewala ko lang yun kasi alam ko wala naman na siyang pake kasi siya naman mismo nagsabi na maghanap na daw ako ng iba.

Nagulat ako isang gabi nagmessage siya sa akin sabi niya "mahalin mo na lahat pls wag lang siya" aba putangna! At humirit pa "sabi mo mahal mo pa ako? Eh ba't may ganto? Ginagamit mo lang ba ako?" Potek talaga! Alam mo ang gulo! Sabi niya di na daw niya ako kahit kailanman man papakelaman basta maghanap na daw ako ng iba tas ganto?

Hindi ako nagreply pero may isang message na siyang nagpasikip ng dibdib ko.

"Kung ipagpapalit mo lang din ako sa kanya, sisiraan ko siya sa lahat! Sasabihin kong kaya tayo naghiwalay ay nang dahil sa kanya! Alam kong ayaw mong mangyari yun kaya you better think twice"

Okay na eh! Eto na yun! Palagi na tayong nag-uusap! Ang sweet sweet na nga rin natin sht nagplaplano na kong umamin pero nangyari to.

Nagpost ako sabi ko "I think I already like someone" alam kong alam mong ikaw yun. Handa na sana akong isantabi yung sinabi niya pero nagmessage na nanaman siya at sinabing "I will make her life a living hell, I promise. You know what I can do! If you want makikipagbalikan na lang ako sa'yo" nagpakatanga ako at tinanong ko sa kanya kung bakit niya to ginagawa, oo nga pala magkapatid kasi kayo sa labas at nagagalit siya sa'yo kasi ikaw ang sinisisi niya kung bakit nasira ang pamilya nila.At hindi mo alam iyon, at natatakot akong sabihin niya ang totoo sa'yo.

Natakot ako sa banta niyang iyon kaya napilitan akong i'delete yung tumblr na ginawa ko para sa'yo(na ipapakita ko sana sa'yo pag umamin ako) at ibinaling ko yung attention ko sa kamukha mo. Pinakita ko sayo na siya ang bagong nagpapatibok na ng puso ko. Kinukulit mo kasi ako at gusto mong malaman kung sino siya at alam kong nadismaya ka nang makita mong hindi pangalan mo ang tinype ko. Promise antagal kong nagtype at nagdelete ng pangalan mo bago ko isend ang pangalan niya.

Mahal na mahal kita pero kailangan kitang protektahan sa kasalanang hindi mo naman ginawa.

Isa akong lalakeng duwag at hindi ipinaglaban ang pagmamahal na gustong gusto kong ibigay sa'yo.

Patawarin mo sana ako at hindi ko man lang naibigay yung pagmamahal na deserve mong maramdaman. Alam kong pagkatao mo ang nakataya dito at ayoko namang maging selfish para lang sa lalakeng katulad ko.

You deserve to be beautiful and laugh the way you used to laugh. You deserve to have a happy family. Ayokong nakawin ang mga ngiting minsan ng nagpatibok ng puso ko.

Mahal kita! Mahal na mahal at sorry kasi hindi ko maamin sa'yo. I know you deserve someone better and I hate to say this but I know it's not going to be me.

Tama ng ang alam mo lang eh pinaasa kita kesa malaman mong nakasira ka ng pamilya, kahit na di mo naman ginawa.

Mahal kita pero...

You don't deserve a user like me.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 31, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I loved her so(ONE SHOT)Where stories live. Discover now