"Ano'ng nangyari Paige? Why you look-----you're hair.Bakit ganyan ang mukha mo?Saan ka ba nanggaling? Bakit bigla ka nalang umalis?" hindi malaman ang gagawin ni Monica nang makita siya nito na pabalik sa loob ng lokasyon.
"I'm sorry tita.Ako po ang dahilan ng lahat." pag-aako ni Aidan na siyang umaalalay sakanya.
Napag-usapan na nila ang dapat nilang sabihin sa kanilang mga magulang.Iyon ay dahil pumayag na siya na maging nobyo ito.
"Ano'ng ginawa mo kay Paige?" May bahid ng galit na tanong ng kanyang ina dito.
"Ipapaliwanag ko po ang lahat.Sa loob po tayo mag-usap." sagot nito.
"Ija---You're in a total mess.Ano'ng nangyari?" nag-aalalang salubong ni Cecilia gaya ng nauna.Nasa lobby sila ng lugar.Sinarhan ni Juliano ang pintuan bago sumunod sakanila.
"Ano'ng ginawa mo kay Paige Aidan?" pagpapatuloy ni Cecilia.
Inalalayan siyang umupo ng binata sa malambot na upuang naroon.Nasa dulo si Monica habang nakatayo sakanilang harapan ang mga magulang ni Aidan.
"It's all our plan na itago sa inyo ang lahat.Hindi namin alam kung masosorpresa o magagalit kayo.But the truth is, ako ang talagang may gusto kay Paige at hindi si Ethan.Ang araw na ito ang pinakahihintay ko upang pormal na ipaalam sa inyo ang pagiging magkasintahan namin ni Paige."
Sabay na bumukas ng bibig ng mga ito.While their eyes wide opened.Hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Aidan.
"P-pero---bakit?----parang napaka imposible ng sinasabi mo ngayon.Matagal ng inamin ni Ethan na may gusto siya kay Paige.Huwag mong sabihin na sa gano'ng katagal ay nakayanan mong pigilan ang sarili mo na huwag ipakita sa amin ang tunay na nararamdaman mo para kay Paige? Hindi ko yata maisip." ani Cecilia.
"Bakit ninyo naisip na ilihis ang katotohanan?" si Monica na gaya ni Cecilia ay hindi pa rin lubos na makapaniwala.
"We just don't want you to be disappointed." si Aidan ang sumagot.
"Pero ano'ng tawag sa ginagawa ninyo ngayon?" May galit na sita ni Juliano na nasa dalawang bewang ang mga kamay at makailang ulit na nagbuga ng hangin.
"Una pa lang, alam ko ng mas gusto ninyo si Ethan para kay Paige.Nagsabi pa nga kayo, na kung hindi din sila ang magkakatuluyan ay mas gugustuhin ninyo pang huwag na lang ipasa ang kwintas ng pamilya natin.Ayokong mangyari 'yon dahil mahal ko si Paige at gusto kong sakanya mapunta ang kwintas.For me, it symbolize my love for her.Kaya nagmakaawa ako kay Ethan na kung pwede'y magpanggap sila.I'm just following you pa.Ikaw na din ang may sabi hindi ba? na nararapat ang kwintas na 'yon para sa babaeng talagang mahal mo."
"Pero bakit kailangan ninyo pang itago? Pwede namang sabihin ninyo nalang sa amin na kayo talaga ang nagmamahalan.We will accept you." usal ni Monica.
"Nasasabi ninyo 'yan ngayon dahil huli na ang lahat.Nakakasiguro ako na kung ng mga panahong iyon namin inamin sa inyo ang totoo hindi ninyo kami tatanggapin."
"Hindi iyan totoo anak!” mariing tanggi ni Cecilia. “Hindi porket gusto namin ang kapatid mo para kay Paige ay tututol na kami sa inyo.Kung kayo talaga ang may gusto sa isa't-isa for sure we will understand you.Hindi namin kayo pipilitin sa bagay na hindi ninyo gusto."
"I'm sorry dahil humantong pa ang lahat sa ganitong sitwasyon.Pero----totoo pong si Aidan ang mahal ko." Pinilit niyang gawing kapanipaniwala ang tinig.
Hawak ang dibdib na napaupo si Cecilia katabi ni Monica.
"It's still confound us.Ibig sabihin lahat ng ipinakita ninyo ni Ethan ay walang katotohanan.The act when you're together look so credible in our vision.Hindi ko alam kung ano ang dapat kong paniwalaan." si Cecilia na siyang pinakanaapektuhan.Ito kasi ang may malaking hangarin na si Ethan at Paige ang dapat na magkatuluyan.
BINABASA MO ANG
The Promise (COMPLETED)(EDITING)
عاطفيةBinilin ni Ethan sa noo'y labing pitong taong gulang na si Paige na siya ang dapat na maging boyfriend nito kapag tumuntong na ito ng eighteen. Wala naman iyong kaso sa dalaga dahil gaya ni Ethan ay may gusto din siya dito. Everything was planned bu...