Ako nga pala si kyle
Mabait,maalaga,mapagmahal..20 years old nako..
Kaso lang mataba ako.
Oo tama mataba ako, madalas akong pandirihan at kantyawan.. Ano bang magagawa ko? Eh sa marami kaming pagkain sa bahay e -_-" paki ba nila? Oo na hindi nila ako tanggap..Wala naman akong paki dahil masaya akong may bestfriend naman ako.Pero Marunong din ako mag mahal tao lang din naman ako e..Hindi na bago sakin ang umasa At masaktan parati akong nagiging option at minsan ginagamit..Masakit? Oo syempre masakit! Baliw kaba? Haha! Sobrang sakit to the point na nakakamanhid na sa paulit ulit nilang panloloko..Yang mga babaeng yan -_-" Ts. Ginagamit lang naman nila ako dahil siguro may kaya ang pamilya namin..Nakakatatlong gf nako in the end..Lagi akong nasasaktan Kaya pag stressed ako kumakain nalang ako..Lahat ng naging Gf ko nandidiri sakin kesho Mataba ako, Mabagal kumilos, Hirap na hirap ako dalin yung mga pinang shopping nila, Tas yung last gf ko sabi sakin "Magpapayat ka kasi! Pag nakita ka ni dad Dika nya magugustuhan" Nasaktan ako ng sabihin nya yan like Wtf! Ganon ba talaga puro physical nalang tiningnan ng mga tao? Paano yung panloob na katangian? Wala lang ba yon?
Mula ng masaktan ako sa last gf ko Hindi nako iniwan ng bestfriend ko andyan sya lagi tuwing down ako, Kasama ko sya sa kalokohan,Hobbies,Kulitan,At kahit saan. 4 years ko din syang kaibigan syempre masayang masaya ko One of a kind sya e. Saka walang papantay sa kanya kasi Iba yung energy na dala dala nya pag magkasama kami.
Susulatan ko sya ngayon tas bibilhan ko sya ng regalo Birthday kasi ng bestfriend kong si mia..Ayaw nya ng masyadong Gastos na pera pag birthday nya Gusto kasi nya sulat lang okay na Hindi nya ko hinihingan ng kung ano ano, Wala din sa kanya na mayaman ang pamilya ko hindi din hadlang sa kanya kung malayo ang agwat ng estado pamilya namin..Palagay ko mahal ko na ang bestfriend ko..Haist! Paano bato? Susulatan ko na muna sya.."To my bestfriend mia.
Best? Haha! Hello? Kamusta ka na dyan? Banal kana ba? Dalawin mo ko dito minsan kasi sa totoo lang miss na miss na kita..Yung kulitan natin..Lalo kana ikaw mismo miss ko na..Best? Mahal na mahal kita alam mo ba lagi kitang iniisip minuto at oras nasa isip kita at ngayon sigurado nako sa nararamdaman ko kasi Pati puso ko sinisigaw ang pangalan mo..Ang weird nga e. Naaalala ko pa yung mga happy memories natin..Ang sakit sakit! Sana bumalik kana mia..Happy birthday"
natapos ko na ang sulat ko at nagtungo ako sa tindahan ng mga cake pinasulatan ko pa yon ng my best main mia sobrang saya saya ko! Alam kong matutuwa ka! I miss you mia bukas magkikita na tayo ^^°
kinabukasan...
Nag ayos nako at handa ng umalis ng matigil ako..Tinawag pala ko ni mama. Para san kaya? Paalis nako e. Kikitain ko pa si mia -_-
San ka pupunta kyle?
"ma,birthday ni mia ngayon..mag cecelebrate kami" Masayang sabi ko kay mama dahil excited na excited nako...
"halika dito anak, kyle" bat ba ganyan si mama? susurpresahin ko pa si mia ngayon e ts.
bakit po ma?
"Anak, matagal ng patay si mia tanggapin mo na, Wala na sya isang taon na ang nakakalipas..Nalulungkot din ako sa nangyayari pero kailangan mo ng tanggaping patay na sya" malungkot at naluluhang sabi ni mama..
"ayaw kong nagkakaganyan ka anak, mia ka ng mia isang taon na mula ng mawala sya lagi kang tulala at wala sa sa----" umiyak na si mama at diko na sya pinatapos sa pagsasalita..
"Ma, hindi pa sya patay! mali ka! Mali kayo! Birthday nya ngayon! Mag cecelebrate kami..Hindi nya ko iiwan at sasaktan..Ma,mahal ko si mia Mahal na mahal na mahal ko talaga sya ma,"
Naiyak nako..Hindi sya patay imahinasyon ko lang to! Mali ito! Panaginip lang to! Tama.. Sinasampal ko ang sarili ko pero totoo ang nangyayaring to, Totoo.
"Ma,hindi ko kaya..Hindi.."
Sapul! Ang sakit.. Baliw naba ko? Naiyak ako sa nangyayari :("Shhh, Tahan na kyle...Im sorry pero she's GONE.
AN: PERSTYME KO TO SORRY! ^^°
Jennylyn Ur the best maldita ive ever met.
BINABASA MO ANG
Gone (One shot)
Short StoryNakaka tatlong gf nako..Pero diko alam bakit lahat sila iniwan ako..Mabait,Maalaga,At mapagmahal ako..Kahit paano naman may itsura rin ako..Bat lahat sila iniwan pa din ako?