Chapter 1

9 1 0
                                    

Hindi ako naniniwala sa kasabihang, Hindi lahat ng gusto mo nakukuwa mo. Sa tutuusin mas naniwala pako sa be who you are. So I'm who I am, then I get what I want, Im spoiled brat. Sooner or later mapapasakin ka rin Joaquin Montero. Ako pa? Sabihin mo ng GGSS ako pero sa ganda kong to di siya mahuhulog? Lahat na ata ng kakilala kong lalaki eh nahulog na sa alindog ko, kaya imposible na hindi ko siya makuha.

"Maxine! Ano nanamang kalokohan to? Di ka paba nagsasawang mag effort kay Joaquin? Ilang beses ka na nyang na reject eh, hindi mo ba naisip na pitong taon ka ng narereject! Ay mali WALONG TAON na pala! Grabe ka girl! Ikaw na ang pinuno ng mga martir! Dinaig mo pa yung manliligaw ko. Wala pang isang taon sumuko na sa panliligaw sa akin.. Huhu ano ba yan, naaalala ko nanaman." Hagulgol nito sa sofa habang ako naman ay gumagawa ng video presentation para sa darating na 8th anniversary namin ni Joaquin, ay hindi 8th anniversary ng panliligaw ko sa kanya.

"Best try and try until you succeed nga diba?"

"Wala nga syang interest sayo Maxine! Mamulat ka naman sa katotohanan oh."

"Nope. I will never do that! Tsaka nararamdaman kong malapit na, malapit na sya mapasakin. Nakikita ko sa mga mata niya na nag kakainteres na siya sa mga efforts na ginagawa ko sa kanya." With hand gesture ko pa para mafeel ko yung pag iinstinct ko. "Anyway Sam, natawagan mo na ba yung mga mag aayos bukas? Follow up mo naman sila oh, baka makaligtaan nila. Jusko baka masira yung plano ko." paki usap ko sa kanya.

"Ok girl. For the sake of your own happiness." Walang reaksyon nyang pagkakasabi.

"Ok thank you!"




Miracles can happenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon