Nates's POV
"I'm sorry Nate but the management decided to stop training you. You're out of focus. We thought you're good at this but you're not. We made a very big mistake by choosing you.", sambit ng lalaking nasa harapan niya.
"I'm so sorry sir. I will be better this time I swear.", pagmamakaawa niya sa lalaki.
Sa loob ng limang buwan na inilagi niya sa pagttraining ay di niya talaga maiwasan na isipin si Mary. Ito marahil ang dahil kaya nawawala siya sa focus.
"I'm really sorry Nate. But the management's decision is already final. Don't you worry we will still take care of the remaining five months of your stay here. You can do anything you want.", tugon naman ng lalaki sa kanya.
"Okay. I'm sorry sir. I didn't mean to do that. I'm really really sorry.", malungkot niyang sabi sa lalaki. The man nodded and went his way out.
Grabe ka Nate. Look what you've done! Nandiyan na pinalampas mo pa! Stop thinking about Mary! Move on with your life!
Agad naman siyang tumungo sa bintana ng kanyang tinutuluyan at umupo sa upuan na naroon. Nakatingin lang siya sa bughaw na kalangitan. Iniisip kung ano na ba ang kanyang gagawin ngayong wala na ang dahilan kung bakit siya nasa lugar na ito.
Eh kung umuwi na lang kaya ako sa Pilipinas? Eh kaso sayang naman ang limang buwan na pwede ko pang ilagi ditom libre naman. Hayy.
Nasa kalagitnaan siya ng kanyang pagmumuni muni noong may kumatok sa kanyang pintuan. Nagulat pa siya dahil seryosong seryoso siya sa kanyang pag iisip. Binuksan niya ang pinto.
"Surprise! Hi babe!", pasigaw na sabi ng babaeng nasa pintuan. Pagkasabi nito ay hinalikan siya agad sa labi na kanya namang ikinagulat. Si Georgina ito. Nakasoot ng seksing damit at naka high heels pa. Akala mo ay rarampa sa isang fashion show.
"G-georgina!? What are you doing here?", gulat na sagot niya.
"Is that how you greet a gorgeous woman in front of you. Para ka namang nakakita ng multo. And...di mo man lang ba ako papapasukin huh?", bratinelang sagot ni Georgina sa kanya.
Oh God! What is she doing here? Paano niya nalaman na dito ako nakatira? Better prepare yourself Nate. You don't know what this woman is capable of. At hinalikan pa niya ako? What is she thinking. Oh jeez.
"Oh come in.", napilitan niyang isagot dito.
"So babe, namiss mo ba ako? Ang tagal nating hindi nagkita. Tapos ung last na dapat tayong magkikita ay hindi pa natuloy. I'm so sorry for that. I was just really busy back then.", sensual na tanong ni Georgina sa kanya.
"Ah eh...oo naman! Namiss kita sobra!", sarkastikong sagot naman niya. Pero mukhang di ito napansin ni Georgina bagkus ay lumapit pa ito sa kanya at niyakap siya.
"Don't worry babe babawi ako this time. You can now date me as much as you want.", sagot nito sa kanya habang hinihimas ang macho niyang likod.
"Ah ano eh...kasi...ano...busy ako. May training pa ako.", pagsisinungaling niyang sagot.
"What are you talking about? Training? Eh nakasalubong ko nga ung isang lalaki na kakalabas lang jan sa kwarto mo at sinabi niya sa akin lahat.", tugon naman ni Georgina.
Wala ngang kami eh bakit kung umakto ito ay parang sila Ano ba kasing ginagawa nito dito. Hayss
Tinanggal niya ang pagkakayakap ni Georgina sa kanya.
"Georgina ano ba! Ano ba kasing ginagawa mo dito. Wala kang pakialam kung ano ang gusto kong sabihin. Okay? Umalis ka na! Gusto kong mapag isa.", sigaw niya kay Georgina na mukhang gulat na gulat sa kanyang ginawang pagsigaw.
Umiiyak ito marahil ay dahil nabigla sa ginawa niya.
"I'm sorry if I annoyed you. Gusto lang naman kitang isurprise. Gusto lang naman kitang makita. Pero mukhang di ka naman masaya sa ginawa ko. I'm sorry.", patuloy pa rin itong umiiyak. Ang make up nito ay kalat kalat na kakapunas ng mga luhang umaagos sa mga mata nito. At konti na lang ay magiging kamukha na ito ni joker.
"Sorry Nate. Sige pasiyesnsya na.", dagdag pa nito na mas lalong lumakas ang pag-iyak. Humihikbi ito ng bonggang bongga.
Umiiyak siya. Anong gagawin ko?
Lumabas si Georgina mula sa kanyang kwarto.
Hindi ko naman sinasadyang sigawan siya. Nabigla lang ako. Ano na ba ang gagawin ko? Hahabulin ko ba siya? Or hahayaan ko na lang? Mukha namang sincere siya sa sinabi niya eh. Mukhang gusto naman talaga niya ako. Bakit hindi ko gamitin itong pagkakataon na ito para makalimutan si Mary? Oo tama. Dapat ko siyang habulin.
Tumakbo siya papalabas ng kanyang kwarto. Agad naman niyang nakita si Georgina na patuloy pa rin sa pag iyak.
"Georgina!", tawag niya rito para tumigil. Pero hindi ito tumigil bagkus ay mas binilisan pa nito ang paglakad.
"Georgina babe!", nilagyan na niya ng babe para mapatigil ito at nagtagumpay namn siya. Agad itong huminto at lumingon sa kanyang kinaroroonan. Lumapit si Nate kay Georgina. Tumigil na ito sa pag iyak.
"Chinaweg me keng babe?", tanong nito sa kanya na barado ang ilong dahil sa kakaiyak.
"Yes. Babe.", patangong tugon niya kay Georgina.
"I'm sorry babe. Hindi ko sinasadyang sigawan ka kanina. Nabigla lang ako kaya nagawa ko yun. Tahan na okay?", dagdag pa niya habang pinupunasan ang pisngi nitong nabalot na sa luha.
"Totoo ba toh? First time mo akong tawaging babe. Huhuhu.", pagsabi ni Georgina nito ay ang pagdaloy na naman ng mga luha. Pero hindi na ito luha ng pagkalungkot. Ito ay luha ng kasiyahan. Masayasa si Georgina na tinawag siyang babe ni Nate.
"Oo naman. Sorry ah. Tahan na. Sige ka papanget ka niyan.", tugon naman niya. Hindi naman niya tinatanggi na maganda si Georgina. Katunayan ay lumabas na ito sa ilang magazines dahil hilig din nito ang pagmomodelo. Pero kahit na maganda si Georgina, para sa kanya, mas maganda pa rin si talaga si Mary.
Agad niya itong niyakap ata gad rin namang sinuklian ito ni Georgina.
Kapag kuwan'y niyaya niya ito sa unit niya. Pumayag naman ito pero nagyaya ring lumabas. Di na siya tumanggi. Maliit lang ang kanyang tunutuluyan at alam niyang hindi ito matatagalan ni Georgina. Agad naman siyang pumayag noong magyaya itong lumabas.
Kung si Mary kaya ang nandito magyayaya din kaya siyang lumabas? O mas gugustuhin niyang manatili dito kasama ako? Hay nako Nate. Dba kakalimutan mo na siya? Erase. Erase. Erase. Erase. May Georgina ka na so stop it.
BINABASA MO ANG
Undeniably Love [Ongoing]
RomanceCrush, according to Merriam Webster dictionary, is a strong feeling of romantic love for someone that is usually not expressed and does not last a long time. Sino nga ba ang walang crush dba? Lahat naman siguro meron. Yun ung taong hinahangaan mo. Y...