Hindi Niya Alam {FEUSF-160709}

18 0 0
                                    

Title: Hindi Niya Alam
Genre: Angst
Length: One-shot (2k+ words)

DISCLAIMER: Ang one-shot story po na ito ay hango sa isang FEU Secret Files confession last 2016 July 09 with the title, Hindi Niya Alam. Sa mga hindi pa po nakakabasa noon, here is the link: https://www.facebook.com/FEUSecrets/posts/1097943806908364. Ang mga exact words po na nasa confession ay mababasa rito para ito'y mabigyang buhay. Gayunpaman, ang mga hindi naman mababasa sa confession na mga salita at mga pangyayari na narito sa one-shot ay pawang kathang isip lamang na aking inilagay para makumpleto ang istorya. Hindi po ako konektado sa sender ng confession na ito. Kaya uulitin ko po, ang mga mababasa nyo ay aking mga ideya lamang na hango sa confession na 'Hindi Niya Alam'. Maraming salamat po.

—ianne


--


FEBRUARY 2016

"MANONG, DIYAN NALANG po sa may kanto." Pagpapara ko sa jeep na sinasakyan kong galing sa palengke. Kinailangan ko kasing sumaglit doon dahil naubusan na ng gatas ang maglilimang taong gulang kong anak. Hindi pa kasi ako nakapag grocery para samin dahil wala pang sahod. Tiis-tiis muna, hay, napakahirap talaga ng buhay ngayon.

Lalo na sa katulad kong single mother.

Pero ayos lang. Balewala lahat ng hirap at pagod pag nakikita ko ang anak ko. Lahat ng ginagawa ko, para sa mga pangangailangan nya. Ayokong lumaki syang pinagkakaitan ng mga bagay na dapat ay sa kanya... katulad nalang ng pagmamahal ng ama nya.

Napailing nalang ako sa senti mode ko. Ano bang nangyayari sakin? Past is past. Ang mahalaga, nagawa kong buhayin ang anak ko na ako lang mag-isa, pero syempre kasama na rin ang pamilya kong tumanggap sa amin ng baby ko noong wala kaming masasandalan. Isang bagay na di nagawa ni... hay.

Natatanaw ko na ang mumunting bahay namin sa di kalayuan. Doon na kami pinatuloy ng nanay ko simula nung manganak ako. Napangiti ako at nasasabik na naglakad nang makita ko ang anak kong inosenteng naglalaro sa harap ng bahay namin. Ganyan iyan tuwing aalis ako't mamamalengke, maghihintay sya at lilibangin ang sarili sa labas hanggang sa dumating ako. Tapos, manghihingi ng pasalubong. Talaga namang lumalaki na sya, pero ayoko muna... masyadong mabilis. Hanggat maaari, bata muna sya para di nya maranasan ang mga masasakit na pangyayari sa mundo. Ipinapangako kong sasabihin ko ang lahat sa kanya paglaki nya't may isip na, pero sa ngayon, kuntento ako sa kung anong alam nya.

Pero pinaglalaruan ata ako ng tadhana.

Napatigil ako sa paglalakad nang may lumapit sa anak ko. Lalaki. Matikas ang postura nito at bihis na bihis. Bagama't sya'y bahagyang nakatalikod mula sa direksyon ko, hinding hindi ko makakalimutan ang lalaking ito.

Nagsquat sya at sinimulang kausapin ang anak ko. Napahakbang na ako ng ilang beses at mas malapit na ako ngayon sa kanya. Naririnig ko na ulit ang boses nyang lalong lumalim pa kumpara sa dati. Mapungay parin ang mga mata nya pero mas tumapang at mas malalim ang paninitig nya. Hinding hindi ko makakalimutan ang matangos nyang ilong na bumabagay sa labi nyang manipis pero effortless na mapula. He used to be my favorite person. Pero ngayon... Kinasusuklaman ko na sya.

At ngayon, nasilayan ko ulit ang ngiti nyang dati, lagi nyang ibinibigay sakin kasabay ng pagsambit ng, "Mahal kita."

Nakita kong ngumingiti rin ang anak ko sa kanya ngunit hindi ko masyadong maproseso ang pinag uusapan nila. Okupado ang utak ko, ang sistema ko'y hindi maayos. Hindi ko alam paano magrereact sa nakikita ko ngayon. Narealize ko... Mas kamukha ng anak ko ang ama nya kapag ngumingiti. Sana'y hindi mapansin iyon ng lalaking nasa harap nya. Kitang-kita ko kung gaano sya kasaya at kung gaano kasaya ang baby ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

「panorama」Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon