Crush ba ko ng Crush ko? (One Shot)

503 18 15
                                    

Author's Note:

First one shot story ko sa account na 'to. Haha. Madami na kasi akong naging account dito! ^__^ Nagawa ko 'tong one shot na to ng may pinanghuhugutan. Kaya siguraduhin nyong kinikilig ako sa mga panahong ito. Eh bakit nga ba? Haha. Aba! Eh alam na! :D

Gusto ko palang magpasalamat sa lahat ng bumabasa sa story ko, A pinch of Love. At sa lahat po ng hindi pa nakakabasa, basahin niyo na po.

Feel na feel ko to! Haha. Kaya eto na!

________________________________________________

Crush ba ko ng Crush ko?

written by Sio-PAO ♥

July 2013

Ako nga pala si Perlita. Isang 3rd year high school student sa isang kuripot na iskwelahan. Hindi naman ako panget, sadyang maikukumento mo nga lang na panget ako dahil sa aking pangalan. Pero hindi ako panget. Pero siguro. Medyo.

Hindi ko kasi alam kung crush ba ko ng crush ko?

Eh crush nga ba ako ng crush ko?

ASA KA.

'yan  yon eh. Awwts.

Sa pinagkarami-dami ng mga magagandang babae sa mundo, walang wala na siguro ang mukha ko. At sa dinami-dami ng mga babaeng lumalandi sa crush ko, walang wala ako.

Eh di ba ganon naman talaga ngayon? Patay na ang mga Maria Clara. Pero siguro? Meron pang natitira. Isa na ko don, pero sa ibang batch. Maria Clarang malanjutay. XD

Actually ang saya-saya ko, dahil magkatabi kami ng crush ko sa upuan. Si Rayn. Ang ultimate crush ko. Actually, last month ko lang siya naging crush. Ganyan naman talaga lagi di ba? Hindi nagtatagal ang crush.

Pero sa lahat ng mga naging crush ko. Sa kanya na talaga ako nakapagseryoso!

Hindi ko alam kung bakit sa kanya lang.

Dahil nga sa katabi ko si crush. HIndi kami yung inaakala nyong, nagaasaran, nagke-kwentuhan, nagtatawanan at kung ano ano pang pangkaraniwang ginagawa ng iba sa gilid ng manila bay at bawat sulok ng Quiapo.

Kami yung tipong, may sariling mundo at gumagalaw sa magkaibang atmospera. Sa isang salita. Hindi kami naguusap.

Siguro, kakausapin lang niya ako kung sasabihin niyang,

"May papel ka? Pahingi nga."

O kaya naman ay,

"Anong page daw?"

Minsan din naman,

"May lapis ka? Peram nga."

Crush ba ko ng Crush ko? (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon