NASA mall sina Julie, Alden at AM. Tulak-tulak ni Julie ang stroller ni AM. Nag-iikot sila sa mall kasi di pa nakapunta dun si alden, pinapasyal lang niya ang pinsan niya.
“Jul, ang laki pala ng mall niyo dito sa manila. Last time nung pumunta ako dito, ginagawa pa to”
“oo nga eh. Tagal mo na ngang di nakauwi noh?”
“yeah, it’s been.. what? 15 years?”
“tagal na talaga. Haha speaking of tagal, gaano na ba kayo katagal ni Louise? Yiee!”
“haha jul naman eh. Ahm, 3 years na kami ni louise.” Nakilala kasi ni Julie ang nobya ni Alden sa Canada. Nurse ito while architect naman si Alden. Half-Filipina at Half-Canadian iyong girlfriend niya.
“I like louise for you, den. She’s really nice. Pakasalan mo na. hehe”
“yeah, I’m about to. Wag mong sabihin ah. Secret pa lang yun. Hehe”
“wow, congrats in advance, den. I’m happy for you.”
“thank you, Jul. hehe..” pinisil ang pisngi ng pinsan, “kaya ikaw, pag nagkabalikan man kayo ni Elmo at hopefully, ikasal kayo, wag mo akong kalimutang i-invite ah”
“asus, yun ba? Syempre hindi noh.. hehe”
“MAXX, sa grocery na agad tayo.” Aya ni Saab sa kanya. Mag go-grocery kasi sila para sa dinner bukas ng mga Magalona at San Jose. Friends kasi ang magpa-pamilyang ito.
“yeah.. wait saab..”
“oh?”
“is that.. Julie?” pointing on the girl na tulak-tulak ang stroller.
“oh em, I think si Julie yun. Bumalik na pala siya?”
“tara, lapitan natin. I wanna talk to her kasi. About, alam mo na..”
“cge, let’s go.” Lumapit na agad sila sa kinaroroonan ni Julie.
“JULIE?” napalingon naman si Julie at Alden, nagulat pa nga si Julie nang makita niya ang mga kapatid ni Elmo. Close din siya sa mga ito. Ngayon, feel niya ang awkwardness at nahihiya siya sa mga ito.
“a-ate maxx.. ate saab..” nauutal niyang sabi sa magkapatid. “ka-kamusta na kayo?”
“Jul, we’re okay.. ahm, except sa.. uh, never mind. Anyways, may ibang lakad ba kayo? Can we have coffee or something? We badly need to talk, Jul. Kung okay lang?” Maxx.
Nilingon ni Julie si Alden. Nilingon din ni Maxx and Saab si Alden, “ahm, alden, okay lang? coffee muna tayo?”
“kahit ano Jul, okay lang. I bet, pagod ka na rin sa kaka-ikot” inakbayan ni Alden ang pinsan, “at itong si little boy natin, di pa ‘to nakaka-kain ng gerber. Nakalimutan mo na. haha”
Kinamot ni Julie ang ulo niya at kinuha si AM sa stroller at hinalikan ang lips ng bata, “sorry baby ah, gutom ka na?”
Ang sweet naman nila. At ang cute ng baby nila. Isip ni Saab
I’m happy for you Julie, masaya ka na with your own family. Cute pa ng baby mo, pero teka, parang ang familiar ng bata? Isip naman ni Maxx
“cge po ate. San po tayo?” tanong ni Julie.
NASA starbucks silang lima. Nasa counter sina Maxx at Saab, umu-order habang nasa table lang sina Julie at Alden. Napansin ni Alden na parang kinakabahan si Julie.