"Alas 3 na!"

6.1K 77 46
                                    

              Mayroong isang pamilya na nagpatayo ng isang napakalaking bahay. Ang bahay na ito ay itinayo noong 1938. Maraming tao ang nagsasabi na huwag na tumira dito dahil sa mga hindi kanais nais na nagpaparamdam o nagpapakita sa mga tumitira dito.

                 "Napakaganda naman ng bahay na ito. Sayang naman kung walang titira." sabi ni Sabel. Si Sabel ay isang tinedyer na titira dito kasama ang nanay at tatay niya. Sa mga unang araw na pagtira niya dito ay wala naman siyang napapansing kakaiba. Saka lang niya nalaman na mayroong hindi tama ng umakyat siya sa taas ng kwarto niya at biglang may nagtawag sa kanya. bumaba siya upang hanapin ang sanhi ng pagtawag sa pangalan niya pero walang tao roon. Naalala niya na wala ang magulang niya upang maghanap ng trabaho at ng eskwelahang pag aaralan ni Sabel. Siya ay kinakabahan sa mga bagay na naririnig niya. 

                    Isang araw ay dumalo sila sa isang okasyon kung saan andoon ang kanyang mga kaanak. Napakaraming pagkain, napakaraming bisita at napakalakas ng tunog mula sa CD PLAYER. "Pssst! Psssst! Halika! Sumama ka sa'kin.". Isang bulong ang narinig niya. Hindi ordinaryo ang narinig niya dahil, napakaimposibleng naka direkta ang tunog sa tenga niya dahil napakaingay sa lugar na iyon. Humanap si Sabel ng banyo kung saan niya narinig ng maayos ang bulong. "Pssst! Pssst! Sumama ka sa'kin.", siya ay kinabahan at naghilamos upang mahimasmasan. Pagka angat ng kanyang ulo ay isang mapulang nilalang na may madugo at itim na mata ang tumambad sa repleksyon niya mula sa salamin. "Ahhhhhhhh!!". Dahil sa takot ay hinimatay si Sabel.

                         "Uhhhhh! Ang sakit ng ulo ko..". Bigla nalang nagising si Sabel na nakahiga sa kanyang kama. *Tiktok! Tiktok!* "Nasa bahay na pala ako. Nako, masyadong late ang uwi namin. Hindi ko na namalayan ang nangyari.. Alas 3 na pala ng madaling araw." *BOOM!* Isang napakalakas na tunog ang gumising ng tuluyan sa katawan ni Sabel. Sa sobrang gulat ay bumaba siya upang tingnan kung ano ang sanhi ng napakalakas na kabog. "Inay?! Itay?! Asan po kayo?". Napakatahimik ng sala. Walang sumagot. Dali daling pumanik si Sabel at pumunta sa kwarto ng mga magulang niya. Napakagulo ng kama na parang may tumalon at naghabulan dito. "Nayy?! Tay?! Asan po kayo?!". Walang sumagot. Kinabahan na si Sabel. Bumaba siya ng hagdan at lumabas ng bahay. Pumunta siya sa harapan ng bodega. Isang napakabahong amoy ang kanyang naamoy. Sa sobrang baho ay napasuka si Sabel. Tinapangan niya ang kanyang loob at binuksan ang pintuan ng bodega. Mga bangkay na nakalambitin sa ere ang tumambad sa harapan ni Sabel. Mga bangkay na walang balat at halos labas ang mga lamang loob. Nakita ni Sabel ang kanyang ina na hubot hubad at duguan habang ang kanyang ama ay pirapirasong tinaga. Wala na si tatay, wala na si nanay. Paalam po.

                         Kumaripas ng takbo si Sabel papuntang kanyang kwarto. Napaharap siya sa salamin at sa sobrang gulat ay napasigaw siya. Si Sabel ang nakita ni Sabel sa salamin. Si Sabel ay may hawak na itak at duguan ang buong kamay. Hawak ni Sabel ang ulo ng kanyang tatay. Si Sabel ay nakangiti. Si Sabel ay humahalakhak na parang demonyo. Isang demonyo ang nasa repleksyon ni Sabel. Nakita nkya ang repleksyon niyia na unti unting hinihiwa ang leeg niya. Dahan dahang lumabas ang mga ugat sa leeg at punong puno ng dugo ang katawan. Nagdilim ang paningin ni Sabel at sa kanyang pagpikit ay nakita niya ang kanyang nanay na walang mata at duguan ang katawan. "Welcome home anak."
                   
                         (*) HOPE YOU ENJOY!  =)
       

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Alas 3 na!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon