AN: Gusto ko lang i-post :) I hope magustuhan niyo. Final Project (by group) namin to nung 2nd sem 2nd year ako (2012-2013) sa Humanities 1 Hahaha Enjoy! *sorry if my typo error.*
An Ordinary Love Story
Sabi nga nila, lahat tayo may soulmate, lahat tayo may magmamahal satin. May mang-iiwan pero meron pa rin isang handa kang mahalin at handang makasama ka habang buhay. Sa pitong bilyong tao sa mundo, may taong ginawa ang Diyos na nakalaan para sayo. Ang bawat tao ay may average lifespan na 65.5 years. Sa pitong bilyong tao sa mundo, 4% lang ang makikilala mo. Ako? Nakita ko na yung taong nakalaan sakin. Ikaw nakita mo na ba? Ngayon, masaya na ako kasi kasama ko na siya na akala noon na ang babae ito na lagi kong inaasar ay siya palang pupuno at magiging kabiyak ng puso ko.
This day is a very special day for me. Sa araw na to, gumawa ako ng surprise para sa babaeng gusto kong makasama habang buhay. Ang alam niya pupunta siya dating pinagtatrabahuhan kasi pinapatawag siya ng manager niya pero hindi niya alam itong araw na ito, ito yung araw na mag-popropose ako sa kanya ng kasal. Siya kasi ang pinapangarap kong makakasama. Ayoko pang may umagaw pa sa kanya. Gusto ko sakin lang siya. Possessive na kung possessive pero mahal ko lang talaga siya at alam kong mahal rin niya ako. Gusto niyo bang malaman kung paano nagsimula ang lahat ng ito?
It was an ordinary day and natutulog pa ako nun ng biglang may sumigaw,
"Kyle wake up! Late ka na sa first class mo! Ano ba?"
Mommy ko yan. Ang alarm clock tuwing umaga.
"Hmmm. Inaantok pa ako e. Anong oras na ba?"
Sagot ko naman. Eh inaantok pa talaga ako e.
"Its 9am in the morning na Kyle! Di ba 10:30am ang first class mo? Bahala ka! Di ako nakapagluto ng almusal mo kasi late na rin ako sa meeting kaya bumangon ka na dyan. I will go na. Mag-fastfood ka na lang dyan. Sige alis na ako. See you later son."
At umalis na ang Mommyko. Bumangon na rin ako at naligo. Nagbihis ng uniform at umalis na rin ako. Buti iniwan ni Mommy ung susi ng motor.Yes! trip ko pa naman gumamit ng motor ngayon. Habang nag-momotor ako, naalala ko di pa pala ako nag-aalmusal kaya dumaan muna ako sa McDo para kumain. Buti konti pa lang ang tao. Nakakita agad ako ng puwesto. Pinark ko ung motor sa parking space then I go inside iniwan ko ung bag ko sa table ang I went to the counter.
"Miss I want Big Mac, hot choco and a large fries." Sabi ko sa cashier.
"Yun lang po ba Sir? Big Mac, hot choco and a large fries."
"Ay regular fries na lang atsaka eto pa, iyon, eto.."
at kung anu-ano pa ang sinsabi ko. Feel ko kasi mang-asar ngayon e at nakita ko ang facial expression niya ay mukhang papatayin na niya ako. Sa loob-loob ko gusto ko tumawa ng malakas kasi ung mukha niya halatang inis na siya. Naputol lang ang iniisip ko ng bigla siyang nagsalita.
"Sir! Ano po ba talaga?"
Yung pagkakasabi niya un parang nagpipigil siya ng inis kaya di ko na napigilan yung tawa ko.
"Hahaha. Joke lang miss. Yung totoo talagang bibilhin ko eh yung una kong sinabi."
Sabay smile ko sa kanya.
"Lakas din trip mo nu..?"
Naputol ang sasabihin niya ng dumating ang manager niya.
"Denisse! Anung nangyayari dyan? Ang tagal mo ata dyan sa customer na yan ha?"
"Ah wala po sir."
Sabi naman ni Denisse. Denisse pala ang pangalang niya. Nize lang kasi nakalagay sa nametag niya.