" Good to see you again Young lady ." Nakangiting sabi ni Miss Corrie Arsuella.
" Have a seat. So , Your full name is Yel delos Reyes. And you are still waiting for the board exam result right ? " sa maamong tinig.
" Yes Mam , while I am waiting for it , I would like to start my career so I can apply what I have learned." Sagot ko naman.Umabot ng 45 minutes ang conversation namin ni Miss Arsuella. Mabait siya at nagustuhan naman niya ako. Kaya naman tanggap na ako at pinagsisimula agad. Marami pala siyang business like travel and tours, buy and sell ng mga cars , pero ang full concentration niya ay sa kanyang hotels and resorts. So , in short milyonarya ang magiging boss ko.
At sa isang hotel and restaurant ang project ko.
The problem is , sa Baguio City ang assignment ko kaya I need to ask my mom and dad first.Ng makauwi ako agad ko itong ibinalita kay mommy. Ayaw akong payagan ni mommy dahil malayo sa amin at bago ako sa lugar.
Pero ng makausap niya si daddy nakumbinsi ito na payagan ako , paano daw akong makakapagbuilt ng career ko kung hindi ako susubok at lalayo.Kaya agad kong tinawagan si Miss Arsuella at nagsabi na tinatanggap ko ang offer niya at by next week I can start.
Ganun din si Nel. Binalitaan ko siya about this.
" Pero babe napakalayo na ng Baguio ! " tutol nito.
" Babe , ganun din naman e ,ang layo mo na din sa akin at minsan di ka pa nauwi pag weekend ." Pagtatampo ko.
" At isa pa , I have to start with my career now para naman maiapply ko at magamit ang pinag aralan ko." Dugtong ko pa.
Nagbuntunghininga si Nel at ,
" Ok , but promise me na pag uuwi ako ng weekend , uuwi ka din ok babe ? "
" Yeah sure , syempre naman para magkita at magkasama naman tayo ." Paniniyak ko.Samantala , ano na kaya ang nangyayari kina Gary at Glenda.
" Love , magsisimula na ako sa San Clemente Hospital bukas. At ikaw malapit ka ng makagraduate ." Si Glenda at panay lambing kay Gary.
" That's great. Happy ? Excited ? Oo nga malapit na ang graduation ko , sa wakas. Natapos ko na lahat ang projects na dapat kong tapusin so I think everything is ok." Sagot ni Gary habang nakaslant na nakaupo sa sofa nina Glenda.
" Love can you still wait ?"tanong ni Glenda.
" Wait for our wedding ? " tanong ni Gary.
" Yup ! " at hinalikan siya ni Glenda sa lips.
" Oo naman love. Ako nga hindi pa nakakagraduate ." At ginantihan ni Gary si Glenda ng halik.
Naging maalab ang halikan nila subalit sa isipan ni Gary ang sumasagi ay si Yel.
Kaya itinigil niya ito at nagpaalam na kay Glenda." Why love , is there something wrong ?" Naguguluhang tanong nito.
" Naalala ko lang yun palang isang structural plan ko hindi pa tapos at baka di ako makapagpigil love , saan tayo mapunta haha." Pagdadahilan nito.
" Hahaha, ok sige ingat ka ha. " at humalik ulit si Glenda sa labi ni Gary.Ng makarating sa bahay inabutan niya si mommy na kausap ng mommy niya. Nagmano ito at masayang ibinalita ni mommy sa kanya ang pagkakaroon ko ng job. Mabilis itong nagpaalam para puntahan ako sa bahay.
" Sige iho nasa bahay si Yel , ng iwan ko nanonood ng movie ." Pagbibigay permiso ni mommy.
" Thanks auntie." At mabilis na lumabas ng bahay si Gary." Yel , Yel ! " tawag nito na ikinagulat ko dahil puno ng excitement.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa sofa at binuksan ang pinto .
Laking gulat ko ng bigla akong buhatin ni Gary." Hoy , bitiwan mo nga ako ! Ano ka ba ! Anong nangyayari sayo Mr.Sungit ? " naguguluhan kong tanong habang hinahampas ko siya sa balikat para ibitaw ako.
" Hahaha...hindi kita ibibitaw hanggat di mo ako hinahalikan ! " kundisyon no Gary.
" Excuse me, ibaba mo nga ako !" Piglas at piglas pa.
" Kiss muna !" Habang inilapit ang pisngi niya sa akin.
" No, Gar ano ba, put me down please ! " pakiusap ko.
" Sabi ko Kiss muna ! Dali at ibibitaw na kita ."
Wala akong nagawa kaya hinalikan ko siya sa pisngi. Dati ko na kasing ginagawa ito sa kanya pero nung kamusmusan namin.
At ibinaba niya ako.
