Chapter 9

5.8K 175 4
                                    

GENES for HIRE
by...emzalbino
Chapter 9...

TWO YEARS LATER...

Ilang taon na naman ang lumipas ngunit gaya ng dati ay bigo parin si Elly sa paghahanap niya sa kanyang hindi nakikilalang anak. Hindi naman siya pwedeng magtungo ng Amerika para hanapin nito si Czarinna dahil sa dami ng kanilang mga projects sa kanyang trabaho at isa pa ay hindi niya alam kung saang lupalop ng Amerika niya hahanapin si Czarinn at maging ang kompletong pangalan ng dalaga ay hindi niya alam basta ang alam niya ay CZARINNA lang.

"Anak, kaylayo naman ng iyong tanaw?" buntong hiningang turan ni Aling Openg saka ito tumabi ng upo kay Elly sa may balconahe ng kanilang bahay.

"Dalawang taon na naman ang nakalipas inay pero hanggang ngayon ay hindi ko parin nahanap ang anak ko. Hindi kasi ako makakuha ng bakasyon ko dahil natambakan kami ng mga proyekto eh" matamlay na sagot ni Elly sa kanyang inay.

"Eh saan mo naman hahanapin ang anak mo eh hindi mo nga alam kung saan siya naroroon, kung ano ang pagkatao nito?"

"Sa States inay, doon ko sana siya hahanapin" ani Elly saka napatingin sa kanyang ina.

"Anak naman! Ang lawak ng Amerika at hindi mo alam kung sino ang anak mo na hahanapin mo doon?" gulat na wika ni Aling Openg........"Suntok sa buwan ang gagawin kong iyon anak!"

"Alam ko po inay, pero hindi ako susuko makita ko lang ang anak ko. Tatlong taon na siya, kaybilis niyang lumaki ngunit kahit na anino man lang niya ay hindi ko nakita" sapo ni Elly ang kanyang ulo ng dalawa nitong kamay at maya maya'y isinabunit niya ang mga darili sa sarili nitong buhok na napatingala na madilim na kalangitan.

"Manalig ka lang sa Panginoon anak dahil Siya ang magbibigay saiyo ng daan upang makita mo ang iyong anak. Basta wag ka lang sumuko dahil naririto kami ng iyong itay para damayan ka sa iyong pinagdadaanan" kukurap kurap  ang mga mata ni Aling Openg na tinapik tapik nito ang balikat ni Elly.

"Salamat inay dahil naiintindihan niyo ako" pilit ang ngiting sumilay sa labi ni Elly dahil habang nagdaraan ang mga taon ay mas lalo siyang nananabik na makita nito ang anak nila ni Czarinna.

"Wow,So dramatic naman ang kuya at inay ko!" masayang wika ni Elvie na papalapit kina Elly at Aling Openg kaya natigil ang dalawa sa pag uusap dahil pinakiusapan ni Elly na wag muna nilang sabihin kay Elvie ang tungkol sa sekretong iyon ni Elly tungkol sa kanyang anak na hinahanap nito.

"Oh bakit gising kapa! Diba may exam kayo bukas?" baling na tanong ni Laing Openg kay Elvie.

"Opo inay pero nakapag review na ako" sagot ni Elvie sa  kanyang inay at tumabi ito kay Elly at naupo......"Dalawang buwan nalang ang igugupo ko sa aking pag aaral at makakatapos na ako. After this exam ay mag te training job na ako, at magtuturo na ako ng mga cute na mga bata!" excited na turan ni Elvie.

"Kaya dapat mong pagbutihin ang pag aaral mo para makapasa ka sa board exam!" sagot naman ni aling Openg.

"Syempre naman inay! Kaya todo ang mga ginagawa kong pag re research sa mga lesson plan ko para naman hindi ako mapahiya sa mahal kong kuya" naglalambing na humilig si Elvie kay Elly.

"Salamat Elvie at pinahahalagahan mo ang kaunting bagay na naibibigay ko saiyo" tanging wika ni Elly.

"Kuya, hindi kaunting bagay ang ginagawa mong pagpapaaral sa akin! Malaking tulong ito sa akin dahil dito nakasalalaya ng aking magiging future. Kaya laking pasasalamat ko dahil nagkaroon ako ng kuya na kagaya mo na maunawain at mga magulang na very suportive, at para hindi ako mapahiya sa inyo ay ginagawa ko lahat ng best ko para makuha ko ang aking diploma at hindi lang iyon with honor pa ang maganda mong kapatid!" pahayag ni Elvie kaya naman napangiti si Elly.

GENES for HIRE......by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon