Sinful Love 3: (Confessions)
"Pwede mo rin ba akong mahalin gaya ng pagmamahal mo sa kanya?"
~~~
Imbis na magpahinga ay mas pinili ni Jerome na dumeritso nalan sa kanyang kompanya. Isang linggo siyang wala because Mr. Tokayo invited him to visit their company in Japan at bilang respeto at dahil na rin sa deal ay pumayag siya sa imbitasyon ng hapon. Naclose naman niya ang deal with Mr. Tokayo kaya naman worth it parin ang pagstay niya sa roon.
Jerome is in the middle of his work nang tumunog ang telepono na konektado kay Rio kaya sinagot niya agad ito.Sapat lang ang sinabi ni Rio para mas madagdagan pa ang pagod ng kanyang katawan.Umigting ang panga niya nang makita ang bisita na diriktang nakatutok sa kanya.
"What brought you here?" ipinagpatuloy niya ang ginagawa na naudlot kani-kanina lang. Napansin naman niyang hindi pa rin umaalis o kumikilos ang bisita sa kinatatayuan nito kaya he raised his head para sulyapan ito.
"Ano ba Tina?!"galit na siya. Tinaasan lang siya ng kilay ng dalaga at hindi niya mapigilan mas lalong mairita at magalit rito. Kumilos ito na tinungo ang mini couch at kalmang pumwesto ng upo. Sinundan niya ito itinigil niya muna ang ginagawa.
"Please say something Tina. Sorry,kung napagtaasan kita ng boses. I'm very tired right now tapos dumagdag ka pa. So please kung ano man ang gusto mong sabihin o pakay just say it dahil marami pa akong gagawin." kalmado pero may diin na sabi niya. Ganito siya sa dalaga pilit niyang kakalmahin ang sarili sa tuwing nababalot siya ng galit dahil kahit anong taboy niya rito ay hindi niya pa rin malilimutan na naging parte ito ng buhay niya. Tina was a good person, he met her when he was so devastated. Noong panahong patapon na ang buhay niya at ngayon na nagtapat ito ng pag-ibig sa kanya ay hindi niya kayang mahalin pabalik ang dalaga.
Pilit namang pinipigilan ni Tina ang kanyang luha. Kanina pa niya gustong umiyak but she tried herself to not to cry infront of Jerome upang hindi magmukhang kawawa sa harapan nito.Ang lalaking mahal niya.
Hindi niya pa rin matanggap na pilit siyang pinalalayo ni Jerome. Palagi nitong sinasabi sa kanya na hindi sila pwede na kaibigan lang ang turing nito sa kanya na kahit kailan ay hindi siya nito mamahalin. Alam naman niya ang dahilan eh. Alam niyang mahal parin ng binata ang babaeng minsan ng naging dahilan sa pagkawasak ng buhay nito. Ang babaeng pilit niyang inaalis sa isip ng binata pero kahit anong gawin niya ay bigo parin siyang magawa ito.Galit. Ito ang nararamdaman niya sa tuwing naiisip niyang ito ang dahilan kung bakit hindi siya kayang mahalin ng lalaking mahal na mahal niya. Walang iba kundi si Jerome.
She may be a bitch pero totoong mahal niya ang binata.Kahit nasasaktan at nahihirapan siya sa tuwing tinataboy siya nito ay mas pinagsisiksikan pa niya ang kanyang sarili rito.
"Saan ka ba nanggaling Jerome? Alam mo bang araw-araw akong pumupunta dito para lang makita ka? Bakit hindi ka man lang tumawag o tumext lang man? Mahirap ba'yon?Ha?"sunod-sunod na tanong niya kay Jerome. Mahinahon lang ang pagkakasabi nito pero mapapansin ang pangnginginig sa boses nito.
"Naisip ko nga na siguro ganun mo kaayaw sa akin eh...Pero siguro nga tama ka, tama ka na kahit kailan ay hindi pwedeng maging tayo.. Ang tanga ko diba? Tang-ina kasing kupido walang magawa kaya pinana ako dito" sabay turo sa puso niya.
Wala namang magawa si Jerome sa harap ng dalaga. Tila naestatwa siya sa mga pinagsasabi nito sa kanya.
"I love you Rommie" umiiyak na ito at hindi naman mapigilan ni Jerome na hindi mag-alala rito. Kaya humakbang siya at magsasalita pa sana siya pero pinigilan siya ni Tina.
"Stop.Alam kong pipigilan mo na naman ako pero...that's bullsh*t Jerome. I can't stop myself from loving you. Parang unti-unti akong namamatay sa tuwing iniisip ko na mawawala ka na sa akin.Please Rommie hindi ko kaya...Hindi..." luhaan at pagmamakaawa nito sa kanya.