"What the fu--!" Nabitawan ko ang cellphone ko. Naglaglag 'yun sa ibabaw ng kama ko. Bigla kasing nag-init itong nakakapaso. Napalingon ako sa may pinto ng k'warto ko. Nakita ko naman do'n ang babaeng naka traje de boda. Sandali lang naman 'yun, bigla rin kasi itong naglaho.
"This is it..." Bulong ko sa sarili ko; nagmadali ako akong humagunot papalabas papunta sa dining area. Hinablot ko ang mga papel na nagmula kay Jasmine at isinilid lahat 'yun sa aking satchel. I'd rather hand them all to my assistants tomorrow, and let them do the reading for me.
I'm pissed. I'm confused and nervous too, but I'm infuriated more than anything else. Nagsimula lang naman ang kababalaghang ito sa buhay ko simula ng dumating si Jasmine at ang libro. The fucking creepy book is no longer in my hands, but why am I still seeing things? Not as worse anymore, but never really left.
Out of irritation--and seeking for someone to blame. I mindlessly sent a livid message to Jasmine: You have no idea how I regret ever meeting you.
I actually regretted that message after it went through, but it was too late. Hindi naman ito sumagot. I was thinking, it might have upset her, but I'll apologize na lang siguro bukas... kapag maliwanag na ulit ang pag-iisip ko. Kapag mas kalmado na ako. Kapag mas sinsero na ang paghingi ko ng tawad. She's very forgiving anyway, and I bet she knows my quirks by now, and for that, I'm almost sure she'll not take it too hard against me.
I've been tossing and turning all night. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong hinugot ang unan sa ilalim ng ulo ko para ipatong sa ibabaw--at pabalik. Hindi ako mapakali. Kahit anong iwas kong isipin pa ang k'wentong binasa ko kanina, hindi ako mapalagay na hindi malaman kung ano ang naging katapusan ng k'wentong 'yun.
Anong nangyari na sa batang babaeng nagpapaagas sa sariling anak nito? Ano ang ikinamatay nito--kung namatay man ito? Anong dahilan kung bakit ito nagpapakita? Anong dahilan nito para naising may makaalam pa ng kaniyang masalimuot na istorya? Humahanap ba s'ya ng hustisya? Anong gusto n'yang mangyari? Ano naman kaya ang magagawa ko para sa kan'ya?
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.
Sa likod ng aking gumugulong isipan, pilit ko ring hinanapan ng paliwanag ang pagpapakita sa 'kin ng babaeng naka-traje de boda. Sino ba ito? Bakit ba ito nagpaparamdam at nagpapakita sa 'kin? Bakit tila galit na galit ito sa 'kin? Anong nagawa kong kasalanan? Sino ang dapat kong layuan? Bakit gusto nito akong patayin? Bakit ganun na lang ang tindi ng poot nito sa akin?
I don't know if I want to bang my head on the wall, or simply slap myself for being so fucking lame. Hindi ko rin kasi natiis. I ended up rushing towards my satchel to get the pages of the story I've been reading a while ago.
'Ang bata-bata ko pa.' Pagtutuloy ko sa pagbabasa habang humihiga ako sa kama ko.'Wala pa akong desi-otso at hindi ko pa kayang buhayin ang sarili ko. Pa'no ko naman kaya bubuhayin ang batang 'to kung pababayaan ko lang itong lumaki at mabuhay sa sinapupunan ko?'
Sa kalagitnaan ng aking pagbabasa, napa-iktad ako sa biglaang paglabas ng mga pangitain sa isipan ko. Mga gumagalaw na larawan--na sa una'y malabo at putol-putol--na unti-unti rin namang lumilinaw. Mga larawan 'yun ng isang dalagitang nakaputing kamison. Nakalupagi ito sa sahig, namumutla habang patuloy na umaagos ang dugo sa palibot ng sahig na kinauupuan nito--na nagmumula naman sa bandang puwitan nito.
'Tulungan mo ako..."'Nanghihinang paghingi nito ng saklolo sa isang babaeng nakadaster. 'Nanay, hindi ko po alam na magkakaganito.'
BINABASA MO ANG
Sindak
ParanormalStandalone [Completed] Language: Filipino Ang matinding takot ay may pangalan. [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Paranormal Series: Standalone Cover Design: M. Castro Started: November 2...