"Stella Gabriella Pineda! Gumising ka na diyan at maglinis ka ng karinderya dito!!"
Ito nanaman si Nanay! Ang aga aga, nagtatatalak nanaman. Tinakpan ko ng earphones yung tenga ko at nagpanggap na tulog para hindi niya ako utusan.
Napakaaga pa at nakakatamad pang bumangon sa higaan lalo ngayong Sabado. Bakasyon sa eskwelahan. Hindi ko nanaman makikita yung mga kaklase kong ubod ng kasagwaan sa mukha! Pati ang mga teacher kong mukhang mangkukulam sa kasungitan! Pwe!
"Ikaw bata ka, sinabi kong bumangon ka na diyan at maglinis ka ng karinderya!!" Sabi ni Nanay sabay hataw ng pamalo niyang sobra sa katigasan at katibayan.
"A--- aray ko Nanay!! Tama na!!" Sabay takbo ko patayo ng kama para lumayo sa kaniya.
"Lumapit ka dito! Napaka pasaway mong bata ka!" Hahabulin niya pa sana ako nang magsalita ako
"Oo na maliligo na, bumaba ka na don!!"
"Bilisan mo! Tumataas nanaman ang dugo ko dahil sayo! Kailan ka ba titino?! Di ko na alam ang gagawin ko sayo. Pinag-aaral kita..."
Blah blah blah blah. Salita siya ng salita ng kung ano anong ka-dramahan nanaman. Nakakasawa pakinggan! Bakit ba kasi kailangan gumawa ng gawaing dapat sila ang gumagawa?!
Lagi nalang kailangan kami ang kikilos. Sila ang nagtayo ng karinderyang yan, tapos kami ang papagurin kakautos?!
Makaligo na nga! Sira nanaman ang umaga ko. Nakakasawang buhay naman to! Pwe!
Someone's POV
"Mahal na Reyna, mukhang may iniisip kayong malalim?"
"Sinusubaybayan ko lamang ang batang ito. Labing anim na taon na nang iatang saakin ng aking ama na subaybayan ko siya. Hindi pa rin siya nagbabago."
"Matigas ang ulo at walang modo ang batang iyan, ano pong plano ninyo Mahal na Reyna?"
Turuan ng leksyon ang batang ito... konting araw nalang ang nalalabi para gumawa ng hakbang at ituwid ang baluktot na ugali ng batang iyan.
Stella's POV
"Magkano dito?"
"Bulag ka ba?! May presyo oh, tignan mo nalang. Tatanong ka pa eh!"
"Aray!"
"Pasensya na ho, kinse pesos po isang order niyan. Kukuha po kayo?"
"Ah, hindi na. Baka sumakit pa tiyan ng anak ko eh." Sabi nung matabang babae saka umalis kasama ng uhugin niyang anak.
"Tignan mo ginagawa mo! Humihina ang benta ng karinderya dahil sa ugali mo!"
"Edi wag mo akong pagbantayin dito! Problema mo na yun!"
"Kung makasagot ka parang hindi mo Nanay kausap mo ah?"
Piningot niya ako sa tenga.
"Araaaaay!! Nay sumosobra ka na ha! Ang sakit ha!"
"Di pa sapat yan para tumino ka! Oh ito, listahan ng mga bilihin sa palengke. Bilhin mo lahat yan! Wag kang uuwi ng di kumpleto yan!" Inilahad niya sa muka ko yung mga bilihin.
Jusko! Parang red carpet lang sa hollywood. Ang habaaaaaa!
"Nay, seryoso?! Ano to?!"
"Listahan nga, tanga!!"
"Alam ko pero ang dami naman!!"
"Wag ka nang magreklamo, ngungud-ngudin ko yang nguso mo sa gilingan ng karne!!"
"Grabe siya!"
"Tumungo ka na sa palengke, bilis!" Pagtutulakan niya sakin.
Aba di rin siya nagmamadali nuh?!
BINABASA MO ANG
Her Last Wish (One Shot)
FantasyThis story will teach you on how to value every little things in your life. Kung paano mo pahalagahan ang kung anong meron ka at hindi maghangad ng sobra sobra. Dahil lahat ng sobra ay nakakasama rin. Tunghayan ang kwento ni Stella at kung paano ipa...