Chapter 1: Book Launch

3 1 0
                                    

Belle

SUMAKAY NA AKO NG JEEP PAPUNTA SA MALL. Doon kasi ang book launch ng bago kong libro. Pinamagatan kong "Exempted", iyon ang ika-31 kong nobela na naisalibro na. Eksayted na naman akong makita ang mga avid readers ko na laging sumusuporta simula pa noong "Rooftop Romance", first novel ko sa Wattpad na noong napublish ay naging isang bestseller.

Mabilis lang ang biyahe dahil malapit-lapit lang sa aking bahay ang mall. Sa isang bookstore gaganapin ang launching. Alas dos pa lang pala, alas tres pa ang simula. Naisipan kong pumunta muna sa The Coffee Shop para bumili ng kape. Pampanerbyos. How ironic.

Umorder ako ng mocha frappuccino. Umupo ako sa tabi ng salaming dingding dahil malaya kong makikita ang bookstore na paggaganapan ng launching. May mga nakita na akong kilala kong Wattpad authors and readers na friends ko rin in real life. Mamaya ko na sila pupuntahan, ieenjoy ko muna ang kape ko.

Nilalasap ko ang lasa ng huling inom ko sa aking kape nang may nakita akong couple na kumakain sa isang fastfood na katapat lang ng TCS. 'Yung lalaki... he looks familiar...

Lumabas ako ng The Coffee Shop at pumasok sa nasabing fastfood. Umupo ako sa table malapit sa kanila. Mabuti na lang ay medyo marami ang tao at hindi ako gaanong mahahalata. Inobserbahan ko ang lalaki.

Si Arjon!

Si Arjon ang boyfriend ko for six months na. Niligawan niya ako ng isang taon. Kahit na wala pa akong balak makipagrelasyon noon, sinuong ko ang pakikipagrelasyon dahil sa hindi tumigil si Arjon sa panliligaw at nakita ko ang pagmamahal niya sa akin.

Pero bakit ngayon, may kasama siyang kumakain sa isang fastfood at babae pa? At nagtatawanan pa?

Chill ka lang, Belle. Baka naman pinsan niya, o isang kaibigan, I told myself.

Napabuntung-hininga ako. Tatanungin ko na lang siya mamaya.

Umalis na ako sa fastfood. Tumingin ako sa relo ko, 2:35 na pala. Pumunta na ako sa bookstore dahil may kailangan ko pang maghanda.

Third Person

Pagkalabas ni Belle sa fastfood, hindi na niya napansin ang pagsubo ni Arjon ng spaghetti sa kanyang kasamang babae.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Escaping Realities : The WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon