Chapter VII

18 0 0
                                    

Mary's POV

Sampung buwan na rin ang nakalipas noong huli silang nagkita ni Nate. Nakalipat na rin siya ng tinutuluyan. Kung dati ay sa dorm siya ngayon ay sa condo na. Napromote kasi siya sa kanyang trabaho at ang plano niya na mangibang bansa ay mukhang hindi na matutuloy. Malaki na rin kasi ang itinaas ng kanyang sweldo kaya baka hindi na niya ituloy ang pagpunta sa abroad.

Si Ben naman na waiter sa paborito niyang restaurant ay napromote na rin. Naging masugid niya itong manliligaw sa loob limang buwan magpahanggang ngayon.

Hindi niya gusto si Ben pero sa ginagawa nito sa kanya ay malapit na ata siyang mahulog dito.

Pero paano na si Nate? Hayy. Di ko pa rin siya nakakausap. Wala naman akong balita sa kanya bukod sa mga occasional tweets niya at status sa fb at twitter.

Nanonood siya sa TV habang nag iisip. Nagluto din siya ng popcorn at tinernuhan niya ng fresh lemonade.

"Samantala dumako naman tayo sa showbiz. Sikat na sikat na nga ngayon ang dating football player na si Nathan Romeo Navarro sa Spain. Isa na itong sikat na model doon. Isang pure Filipino si Nathan at dumako siya sa Spain para sana magtraining sa football ngunit biglang naiba ang landas na kanyang tinahak. Maraming Spanish women ang nagkakandarapa sa kakisigan nitong si Nathan at mula sa kanyang fb at twitter status ay napagalaman natin na uuwi na siya dito sa Pilipinas kasama ang sikat na rin niyang rumoured girlfriend na si Georgina Benitez. Perfect couple talaga! Hindi na ako makapag hintay na masulyapan itong kakisigan ni Nathan. At iyan ang fresh na fresh na news mula sa showbiz landia. Back to you Rea.", sabi ng baklang reporter sa tv.

Muntik na siyang mabilaukan sa kinakain na popcorn. Buti na lamang at agad siyang nakainom ng lemonade  umubo ubo pa siya pagkatapos uminom.

Oh gahd! He's here. Dapat ko na ba siyang kausapin? Dapat na ba akong humingi ng tawad? Pero may girlfriend siya at mukhang bantay sarado naman ito sa kanya. Teka rumoured pa lang naman dba? So may chance na hindi pa sila.

"Ano ba yang iniisip mo Mary. Ano ba namang pakialam mo kung may girlfriend na siya. Kakausapin mo lang naman eh. Wala namang masama dun. Hihingi ka lang namang ng tawad.", sabi niya ng malakas sa sarili.

"At isa pa. Dba sasagutin mo na si Ben? Dba balak mo siyang sagutin? Kaya wag ka na ngang magselos jan magkakaboyfriend ka na soon. Hindi man kasing sikat at gwapo ni Nate ay okay lang mabait naman si Ben.", patuloy pa niyang pagkumbinsi sa sarili.

Nate's POV

"Babe nasan ka na ba? I don't want to be late sa flight natin. Bilisan mo naman.", sabi ni Georgina sa kausao nito sa telepono.

Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Tss. Bossy at napakademanding.

"On the way na ako. Sorry, hindi ko na kasi namalayan ang oras may binili pa kasi ako.", sabi na lang niya kay Georgina at agad na binaba ang telepono ayaw na niyang marinig na anamn kasi ang pagtalak nito kaya inunahan na niyang ibaba ang telepono.

Umalis siya ng maaga sa kanyang tinutuluyan hindi para sa flight kundi para bumili ng pasalubong kay Mary. Magpa hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ito mawala wala sa kanyang isip. Paano nga ba niya ito magagawa eh ito ang matalik niyang kaibigan noong mga bata pa sila. At ang plano niya na gamitin si Georgina para makalimutan si Mary ay hindi nagtagumpay.

Ang totoo niyan ay balak na niyang makipaghiwalay kay Georgina pagkadating sa Pilipinas. Ni hindi niya nga alam kung paano naging sila. At hindi rin niya lubos maisip kung bakit parang naging obligasyon na niya ito kay Georgina.

Dumating sila sa airport ng alas singko ng umaga. Maraming media ang nakaabang sa labas ng airport. Hindi niya ito inakala. Kung ano ano ang tinatanong ng mga ito. Si Georgina naman ay gandang ganda sa sarili na panay ang anggulo sa camera.

"Bye babe. Take care. See you!", sabi ni Georgina pagkababa sa sinasakyan nila na humabol pa ng halik sa kanyang pisngi. Siya naman ay naiwan sa loob at nagpahatid sa bagong bili niyang condo. Pinakiusapan kasi niya ang kaibigang si Alex na bumili ng condo malapit sa tinitirhan ni Mariko. Laking tuwa naman niya ng malaman na sa isang condo na rin pala tumutuloy si Mariko. Agad niyang pinabibili ang katapat na unit dito.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto niya  ng makauwi. Nagyaya pa kasi si Georgina na magbreakfast pero tinanggihan niya ito kesyo may jet lag pa siya at nahihilo at wala siyang gana kumain. Bakas naman ang disappointment sa mukha ni Georgina pero wala naman itong nagawa.

Si Alex ang sumundo sa kanila ni Georgina sa airport. Narito rin kasi ang susi ng unit niya kaya minarapat na rin niyang pakiusapan na baka pwedeng ito na ang sumundo sa kanila.

"Grabe pare ang sexy talaga ni Georgina noh? Kayo ba talaga? Mukhang patay na patay yung chicks na yon sayo ah.", sabi ng kaibigang si Alex sa kanya pagkatapos bumaba ni Georgina. Hindi siya sumagot dahil malalim ang kanyang iniisip.

Now we both live in one place Mariko. I can't wait to see you.

"Uyy pre! Ang lalim ata ng iniisip mo ah? May problema ka ba? Ung Mariko na yun na naman ang iniisip mo ano? Nako iba na yan ah. Balato mo na sakin yan si Georgina at dun ka na lang sa Mariko mo.", kantyaw ni Alex sa kanya.

"Bahala ka.", sabi na lang niya kay Alex para manahimik na.

"Totoo ba yan? Bahala ako ah?", pangungulit pa nito sa kanya.

"Oo nga. Iyong iyo na si Georgina di ko naman gusto yan e.", sagot naman niya. Sa ganitong paraan ay baka layuan na siya ni Georgina. Gwapo naman ang kanyang kaibigan at marami ring babae ang nagkakandarapa dito.

Nakarating na sila sa kanyang condo. Tinulungan siya ni Alex na dalhin ang kanyang nga bagahe sa elevator. Di na siya nagpasana rito sa unit niya dahil ayon na rin dito ay madali namang makikita ang unit.

"Sige pre salamat! Yung pasalubong mo tsaka na lang pag nagkita tayo ulit. Nasa loob pa kasi ng bagahe eh.", pagpapasalamat niya sa kaibigan.

"Sus kahit wag na. Sobra sobra na si Georgina bilang pasalubong. Hahaha.", sabi nito sabay tawa ng pabiro.

"Gago! Umayos ka! Sige salamat!", pagkasabi niya nito ay agad namn sumara ang elevator.

Umaasa siya na paglabas niya ng elevator papunta sa kanyang unit ay
makikita niya si Mary. Pero wala. Wala siyang nakitang bakas ni Mary.

Undeniably Love [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon