Nag-Iisa

18 4 2
                                    

Ito ako ngayon,
Nag-iisa.

Nag-iisang tinatahak ang buhay na pinlano natin na magkasama.

Nag-iisang binubuo ang sarili, na ikaw ang sumira.

Nag-iisa sa lahat ng gawaing dati'y tayong dalawa.

Naalala ko pa noong niligawan kita. Hindi ka naman kagandahan pero naakit mo ang aking mga mata. Wala kang arte sa katawan at tama lang ang iyong porma.

Naalala mo ba noong sinagot mo ako? Limang b'wan akong naghihintay para sa matamis mong 'Oo'. Hindi naman ako mayaman pero feeling ko nanalo ako sa lotto! Noong araw pa nga na iyon nilibre kita, kahit sa fishball-lan lang, masaya ka na.

Siyempre, hindi mawawala sa isang relasyon ang problema, maayos naman natin napagdaanan itong magka-sama. Tapos kakain tayo sa paburitong nating fishball-lan at tatawanan ang ating pinag-awayan.

Noong pinakilala pa kita sa magulang ko, pinakilala kita bilang mapapangasawa ko. Tandang-tanda ko pa ang pamumula ng iyong mukha.

Isang araw nalang, nagising ako. Hindi ko na maigalaw ang mga binti ko. Akala ko sleeping paralysis lang iyon. Pero narinig ako ng aking ina noong ako'y sumigaw.

Itinakbo agad ako sa ospital, pero imbis na umiyak ako at manghina, inisip ko muna kung paano ka nalang.

Paano na kita ihahatid at susunduin?

Dahil Hindi naman tayo magka-course noon, pero tinathak ko ang daan papunta sa building niyo. Isa kang matalino na babae na gustong maging arkitekto.

Paano tayo pupunta sa fishball-lan?

'Dun lang naman kasi tayo nakaka-kain ng magkasama e.

Paano mo na ako ipapakilala sa mga magulang mo?

Kilala kasi ang iyong pamilya, sa akin ay hindi. Hindi sila ganoon kaboto sa akin dahil, mahirap lang kami. Tapos ipapakilala mo pa ako... ng baldado?

....Paano kita isasayaw sa kasal natin?

Sa dinami-dami ng hindi ko maigalaw, ang mga binti ko pa. Ang daming bagay ang kayang gawain nito. Ang dami-dami, at isa na doon ang paglakad ko sa magiging kinabukasan natin.

Pero tanging Diyos nalang siguro ang magiging sagot sa aking mga dalangin. Na muling makalakad at makatakbo ng kasama ka.

Kung gaano kita katagal na niligawan ay ganoon din ako katagal sa ospital. Andoon ka palagi. Linggo-linggong may dalang iba't-ibang klase na prutas. Hindi ka nagsasawa sa iyong pabalik-balik sa ospital. Tuwing free time mo rin kasi andito ka, minsan pa nga ay dito ka na rin gumagawa ng kailangan mong gawain e.

Minsan ay tinanong kita kung bakit andito at andito ka parin, na bakit pabalik-balik ka sa pagbisita sa akin, ngayon at baldado ako at walang silbi. Pero imbis na mainis ka dahil sa tono ng aking pagkakasabi, ngumiti ka, at sinabi mo pa nga na "Pag mahal mo, babalik at babalik sa'yo."

Napangiti nalang ako at nasabi sa sarili ko "Ang suwerte ko naman sa nobya kong ito."

Sa ika-apat na buwan ko sa ospital ay madalang ka nang nagpupunta. Finals week na kasi iyon at naiintindihan ko kung bakit wala ka. Pero minsan siyempre, ako parin ay may kaba... Kapag kasi tumatawag ako hindi 'hello' ang maririnig ko, kundi 'ano ang kailangan mo?'

Tinry ko na mag-reach sayo, sa facebook, twitter o text. Pero mukhang hindi mo na ako kailangan. Sino ba naman kasi ang may kailangan sa isang taong baldado. Pero hinahanap ko parin ang ikaw, kahit hindi ka naman dumalaw at magsabi ng mahal kita ay okay lang, basta't alam kong may pakealam ka pa, pero hindi ko alam na napapagod ka na pala.

Sa ika-limang b'wan ay naka-labas rin ako sa wakas! Nakapag-therapy naman ako ng maayos, pero hindi ako nakakatayo nang walang tungkod at umaalalay.

Sayang at hindi mo na nakita ang aking paglakad, hindi ko na kasi alam kung saan ka napad-pad. Ni text o tawag wala mula sa'yo. Kaya ilang ulit kong tinanong sa sarili ko, binitawan na niya kaya ako?

Pero kinabukas sa akin dahan-dahan na pagbaba sa aming hagdan. Nakita kitang naka-upo at binigyan ka pa ng inumin ng aking kapatid. Niyaya mo ako sa labas at nag-usap tayo. Hindi ko akalaing ito na pala ang katapusan ng relasyon na ito.

Bukas pa naman sana ay ika-unang anibersaryo na natin. Muntik na pala tayong tumagal ng isang taon, kung hindi mo lang tinapos.

Wala namang kaso sa akin iyon, pero ang sakit sakit! Pinilit kong lumaban para sa ating dalawa, para sayo, tapos itatapon mo lang, na para bang wala lang?

Pero h'wag kang mag-alala. Kahit mahal parin kita, kahit ngayo'y tatlong taon na ang kumupas at may kanya-kanya na tayong buhay, mahal pa rin kita.

Alam mo bang ang pangarap kong manirahan tayong dalawa sa malamig na bansa, tinupad ko.

'Yung pangarap natin na magka-bahay sa tabi ng ilog? Natupad ko rin yun.

At ang pinaka-pangarap natin na magka-cherry blossom tayo sa bakuran? Meron na rin yun, tinupad ko.

Sa pagtupad ko ng ating pangarap ay bigla kong maaalala na, nag iisa lang ako.


Kasalukuyan akong nasa bansa kung saan pinangrap nating dalawa na tumira. Na buuin ang pinapangarap nating pamilya.

Asa Japan ako ngayon! Alam mo bang malamig dito? Yung lamig dito ay parang yung  naramdaman ko noong  unti unti mong binatawan yung pagkaka-hawak ko sa kamay  mo at tumalikod at naglakad kang palayo sa tabi ko.

Hugot ba? Pero yun talaga yung naramdaman ko e. 'Yung tipong sa sobrang sama ng loob ko sa'yo dahil wala ka naman sinabi na dahilan kung bakit ka nakipag-hiwalay.

Alam mo kung bakit mahal pa rin kita? Kasi imbis na makapag-move on ako sayo, pilit parin kitang naalala. Kasi tingnan mo naman 'tong paligid na tinitirhan ko! Paligid na minsa'y pinangarap NATIN na maging atin. Lahat ng bagay na nakapag-papaalala sayo, mula sa kung ilang floors ang bahay ko, kung gaano karami ang bike ko, kung saan nakatayo ang bahay ko... Kasama kitang pinlano ang lahat ng ito! Na mismong yung bilang ng rami ng kwarto sa bahay ko, 5. Isa para sa atin, tigi-tigisa para sa ating magiging tatlo na anak, dalawang lalaki at isang babae, at isang guest room. Na sa sobrang laki ng bahay ko katulad ng pinlano natin, ikaw ang naalala ko. Pero nagiisa parin ako dito.

Pero nagulat ako noong nakita kita dito, sa Japan. Naghatid ka ng tatlong bata, mukhang triplets ito dahil magkaka-mukha. Isang babae at dalawang lalaki. Sinundan kita mula doon hanggang makita ko kung saan ka umuuwi. Sa isang kilalang lugar, at ang ikinagulat ko pa ay ang disenyo ng bahay mo at ang kinatitirikan nito, ay pareho sa akin.

Tapos mula sa malayo ay nakita ko ang isa sa mga empleyado ko. Binuksan niya ang pintuan pero imbes na pinapasok ka ay itinapon lahat ng gamit mo at ipinagtabuyan ka palabas.

Nalaman kong iyon ang malayo mong kamag-anak. Siya nalang ang natitira mong pamilya. Namatay pala ang iyong mga magulang, at ang perang naipon ay napunta sa kanilang utang.

Kaya ngayon, handa na kitang tulungan. Dahil alam ko ang sakit na iyon nararamdaman.

Kasi akala ko ako lang ang nag-iisa.

Ikaw rin pala.

-
Woooo natapos rin, putek, sabog na sabog ako! Hindi ko alam lahat ng sinulat ko, pero hope you enjoyed reading!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nag-Iisa OSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon