[66] #100STHHDiLangIkaw

63.5K 1.6K 809
                                    

Chapter 66

Hope's POV

Naglakad lang kami ni Mico papalayo sa barkada, hindi naman ata nila namalayan? O hindi na lang nila pinansin? Alam din siguro nila na kailangan naming magusap ni Mico.

Noong medyo makalayo kami, biglang hinawakan ni Mico ang kanang kamay ko, hinigit tapos niyakap niya ako. Nabigla naman ako, gusto ko sanang tanggalin kasi baka makita kami ni Enzo pero ang higpit ng yakap niya eh.

"Mico... si Enzo." Noong marinig niya yun bigla siyang umalis sa yakap.

"Sorry." Yun na lang ang nasabi ko.

Narinig kong napabuntong hininga siya. Ang lalim.

"Hope." Simula niya. "I... I..."

Tumingin ako sakanya nakita kong nakapikit siya.

"Akala ko okay lang, akala ko madali, akala ko pwede... pero..."

"Pero?"

"Masakit pa din palang makita kang kasama niya." Sabay ngiti at tingin sa taas. Alam kong nagpipigil siya ng luha.

"Mico... napagusapan na natin 'to. Akala ko okay na."

"Akala ko din eh. Akala ko kaya ko. Akala ko hindi ako masasaktan. Pero kasi, kanina... bumalik na naman eh. Parang gago kasi 'tong puso ko eh. Nakakainis."

Hindi ko na alam ang sasabihin, kaya nakatayo na lang ako doon.

"Kanina noong kasama kita sa bus, noong sa akin ka tumabi at hindi kay Enzo, ewan ko ba. Ang saya. Tapos inaasar pa tayo ni Venice na bagay tayo. Nakakainis, na kahit papaano sumaya ako doon. Noong katabi kita, kapag hinihigit mo yung shirt ko, kapag nandiyan ka lang, ewan ko. Parang kumpleto lahat."

"Pero... noong nakita kong nakatingin ka pa rin kay Enzo tapos gusto mong tumabi sa kanya, parang bumalik sa dati eh. Ang sakit na naman. Talo na naman ako kasi siya pa rin. Pero ayokong masaktan si Enzo, kaya hindi kita kukunin sa kanya. Alam ko din namang mas magiging masaya ka sakanya eh. Ayoko namang maging hadlang sa inyo."

"Mico, hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano."

Ngumiti lang siya sa akin, tapos hinawakan yung kaliwang pisngi ko.

"Pwede ba kitang yakapin?" Ako naman ang napabuntong hininga tapos umoo na lang. Siguro nga nakapili na ako.

Niyakap ako ni Mico. As usual, ang warm ng yakap niya. Kaya gusto ko ring niyayakap 'tong lalaking 'to eh. Pakiramdam ko safe ako. Pero noong yayakapin ko na sana siya pabalik bigla niyang sinabi na...

"I'm letting you go, Hope."

Napatigil ako. Hindi ko alam kung naramdaman niya pero nanigas ako sa kinatatayuan ko. He's... letting me go? Parang hindi ko pa narinig sa kanya yun.

Umalis siya sa yakap, nalungkot ako bigla. Pero bago pa siya makapagsalita biglang may sumingit.

"Don't. Don't let go, Loyola."

Napatingin kami sa kanan, si Enzo nakatayo. Anong don't let go!?

"Bro, you know that I wish for your happiness, but please wish for mine too. I can't keep hurting like this. May hangganan din naman yung pagiging martyr at pagiging kaibigan ko. May hangganan din naman yung sakit na pwedeng maramdaman ko. Yung sa akin hanggang dito na lang. Tama na."

"Loyola, can you please just hold on. Hintayin mo lang."

Noong narinig namin yun, alam na namin ang ibig niyang sabihin.

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon