Mary's POV
Alas otso na ng umaga noong magising siya. Sunday naman kaya okay lang na tanghaliin siya ng gising. Sa long weekend na lang niya balak umuwi sa kanila.
Agad siyang naghilamos at nagluto ng kanyang kakainin. Magsisimba kasi siya ng 9am kaya agad siyang kumilos pagkagising niya.
Nag ayos na siya pagkatapos kumain. Di na siya nagdala pa ng bag dahil sisimba lang naman siya at uuwi na kaagad. Ang cellphone naman niya ay inilagay na lang niya sa bulsa.
Dagli niyang kinuha ang susi ng kanyang kotse sa bag at agad tinungo ang pintuan palabas. Pagbukas niya ng pinto ay laking gulat niya at ang daming tao sa labas. Base sa soot at dala ng mga itong camera at microphone mukhang taga media ang mga ito.
Hala siya. Anong meron?
Tinignan niya kung ano ang gagawin ng mga ito noong lumabas siya sa kanyang pintuan.Pinagtinginan lang siya ng mga taga media at agad namang inalis ang tingin sa kanya.
Ay pak! Akala ko instant celebrity na ako. Charot lang pala. Hahaha. Asa naman Mary noh. Hahaha.
Maglalakad na sana siya palayo sa kanyang unit noong may sumitsit sa kanya.
"Pst! Pst! Mariko!", tawag ng lalaking boses na sumisitsit.
Mariko? Ako un dba? Si Nate lang ang tumatawag sa akin nun. LOL. Patawa ka Mary. Paano naman mapupunta dito si Nate. Halerrr.
"Pst! Uyy Mariko! Huwag kang umalis!", sigaw ng isang pamilyar na boses.
May sumitsit talaga at tumawag sa akin. Di ako nag iilusyon.
Tumingin siya sa pinanggagalingan ng boses pero hindi niya makita kung sino iyon. Dahil nagkumpulan na ang media sa pintuan noong lalaking sumisigaw.
"Mariko si Nate toh! Pansinin mo naman ako. Huwag kang umalis please.", pagmamakaawa ng lalaking kanina pa siya tinatawag.
Di siya nakaligtas sa media at puro flash na ng camera ang sumalubong sa kanya papunta kay Nate.
"N-nate? A-anong ginagawa mo diyan? B-bakit ka nandiyan?", sunod sunod na tanong niya kay Nate na nakadungaw lang sa maliit na siwang ng pinto nito.
"Halika muna dito sa loob mahirap makipag usap ng ganito.", agad naman siyang pumasok sa loob ng unit ni Nate.
Nate's POV
"Nagugutom na ako. Bakit di man lang sinabi sa akin ni Alex na wala palang pagkain dito. May ref, oven, stove at kung ano ano pang gamit pangluto dito pero wala namang pagkain. Tss.", pagrereklamo niya sa sarili. Parang pinagsisisihan niya tuloy ang di niya pagpayag sa alok na magbreakfast sana ni Georgina.
Sinubukan niyang lumabas pero maraming media ang nagkukumpulan sa labas.
Gutom na talaga ako. Kagabi pa ako walang kain. Ano ba naman yan.
BINABASA MO ANG
Undeniably Love [Ongoing]
RomansaCrush, according to Merriam Webster dictionary, is a strong feeling of romantic love for someone that is usually not expressed and does not last a long time. Sino nga ba ang walang crush dba? Lahat naman siguro meron. Yun ung taong hinahangaan mo. Y...