Maling AKALA

9 1 2
                                    

Nagkaharap na naman uli ang dalawang magagaling na lider ng Magkaibang organisasyon. Ngunit iba ito, dahil alam nilang dalawa na ngayong gabi na matatapos ang madugong digmaan na nasimulan nila limang taon na ang nakakalipas.

" nagkita tayong muli magandang binibini."

"Tapusin na natin ang digmaang ito, Sebastian"

"Masyado ka naman atang nagmamadali, Danica. Gusto ko pa sanang ikwento sayo kung bakit ko sinimulan ang digmaang ito" turan ng lalaki habang may nakakalokong ngiting nakapaskil sa kanya labi

"Natatandaan mo pa ba yung lalaking kulit ng kulit sayo limang taon na ang nakakalipas?

hmm siguro hindi na, sino ba namang mag-aatubiling tandaan ang isang taong 'di naman importante sa'yo diba?"

"Kilala mo si--"

"Oo, kilalang-kilala ko sya at alam ko kung gaano ka hirap ang pinagdaanan nya ng dahil sa nararamdaman nya para sayo. Araw-araw wala syang iniisip kundi ikaw, araw-araw wala syang bukambibig kundi ikaw!" Nanggagalaiti nitong sigaw habang mahigpit ang hawak sa espadang nito

"Pero isang araw nalaman ko nalang na nagpakamatay sya, at ang araw na yun ay ang araw nung pinamukha mo sa kanya na wala syang kwenta!, na mahina sya!, na hindi sya karapatdapat sayo!"

Nagpkamatay sya?
.
.
.
.
.
.
.
.
ng dahil sakin?

Tanong sa isip ni Danica na tila naguguluhan ito, pero isa lang ang nararamdaman nya... sakit....

Tumulo nalang bigla ang luha sa kanyang mga mata, ngayun lang ulit sya umiyak.

Umiiyak sya dahil alam nya sa sarili nya na mahal na mahal nya ang lalaking tinutukoy ng taong nasa harap nya, kaya nya ito pinagtatabuyan dahil ayaw nyang mapahamak ito ng dahil sa kanya, dahil sa buhay na mayroon sya

" at nung araw ng libing nya, pinangako ko na ipaghihiganti ko sya, kaya nagpalakas ako, bumuo ako ng isang napakalakas na organisasyon na syang magpapabagsak sayo!---- aaaaaahhhhh"

Kasabay ng pagsigaw ng ginoo ay sya ring pagsugod niya at ng kanyang kasapi, ngunit nanatili lamang ang grupo ng binibini at naghihintay na dumating ang kalaban.

Umilag agad ang binibini ng makarating na si ginoong Sebastian at iwinasiwas ang katanang dala nito.

"Tatapusin na kita ngayon! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kapatid ko!!"

Nagpatuloy ang labanan ng siyam na oras, marami na namang nagbuwis ng buhay, mga nagkalat na bangkay, mala ilog na dugo at naghihingalong katawan, ang iba ay nakahiga na sa kapaguran, ngunit hindi parin natatapos ang paglalaban ng dalawang pinuno ng magkabilang grupo.

"Yung sinasabi mong lalaki, si Xian yun diba?, Oo kilala ko sya ngunit wala akong sinabing mahina sya at wala syang kwenta, pero yung sinabikung 'di sya karapatdapat sakin... sinabi ko yun dahil ayoko syang mapahamak, ayokong malagay sa alanganin ang buhay na nang dahil lang sa pagmamahal skin." Saad ni Danica

Napapailing naman si Sebastian habang nakikinig sa sinasabi ni Danica.

"Nagsisinungaling ka lang! 'Wag mong paikutin ang ulo ko!, nang dahil sayo namatay ang KAPATID ko!" Galit na galit na sigaw ni Sebastian at sabay wasiwas ng hawak nyang katana, at dahil sa pagkabigla ay Di agad nakaiwas ang binibini sa pag-atake kaya nadaplisan ito sa tagiliran.

MALING AKALA (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon