PERFECT (Short Story)

34.4K 898 264
                                    

Masyado akong naliligaligan sa mga nagaganap sa paligid ko. Ilang gabi na din akong nag-iisip kaya naisip ko na sa halip mag-isip eh isulat ko na lang ang mga ito. Ang istoryang ito ay kathang isip lang ng author bagaman mayroong pinaghuhugutan.

I dedicate this to one of my friend. I won't mention her name because she asked me to write a story about her lovelife at sabi niya "mapait" daw iyon. I just wanna let you know na ikaw ay isa sa dahilan kung bakit ako naligaligan ng ganito. Hindi ko sinasabi na true story ito. It's just that may pinagbasehan lang ako.

(Click on the right side for the background music)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

PERFECT (Short Story)

Sabi nila, my life is perfect. I have everything. A perfect body, perfect face and a perfect life. Idagdag pa daw ang aking perfect husband.

'Nobody's perfect' sabi nga, at naniniwala ako doon. Marami ang naiinggit sa akin because of being perfect. But they don't know the story behind our so called perfect family.

I'm Rachel, a mother of one. My son is turning eight. Matanda ng tatlong taon sa akin ang husband kong si Jed. He's twenty eight. Maganda ang trabaho niya. Isa siyang manager sa isa sa pinakamalaking fast food chain sa bansa. Isa naman akong accountant sa banko. Yeah, what more can we ask for pagdating sa career?

Nakilala ko siya noong college pa lang ako. Ipinakilala siya sa akin ng isa kong friend. Gwapo siya at mabait. I can see from the way he looks at me na gusto niya ako. Mabilis ang mga pangyayari. Nahulog agad ang loob namin sa isa't isa. Naging mapusok kaming dalawa, kaya naman 3rd year college pa lang ako eh ipinagbuntis ko na si Jordan. Takot na takot ako noon. Ayokong tumigil sa pagaaral pero kinakailangan kasi maselan daw ang pagbubuntis ko. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod. Nagusap ang mga magulang namin na pagkatapos kong manganak eh magpapakasal kaming dalawa. Wala namang naging problema. Nang sumunod na school year, nagenrol ulit ako dahil gusto ko talagang makatapos sa pag-aaral.

Nang makapagtapos naman ako eh nakakuha ako kaagad ng trabaho, sa bangko nga ito. Noong una, ayaw ni Jed na magtrabaho ako kasi wala daw magaalaga sa bata. Pero sabi ko hindi naman magiging sapat kung siya lang ang kikita. Kaya pumayag na siya. Mababa pa naman ang posisyon niya noong mga panahong iyon. Si Mama ko na lang ang nagaalaga kay Jordan pag nasa work ako.

The first five years ng pagsasama namin, wala namang naging problema. Pero nang 6 years old na si Jordan, everything has changed. Nagtataka ako kung bakit may password na ang cellphone niya. Minsan ko kasi itong hinawakan para makitext. Tinanong ko siya kung para saan ang password pero sabi niya nakikiuso lang daw siya. Nakikita daw niya na yung ibang phone ng mga katrabaho niya may password. Tinanong ko siya kung ano ang password pero hinablot niya lang sa akin ang phone at sabi niya, "Mamaya na lang."

Hinayaan ko na lang siya. Ayoko din naman na pagsimulan namin ng away ang bagay na yon. Tapos minsan isang araw, nakita ko wala na ang link ng name niya sa fb. Yung dun sa 'married to'. Ang nakalagay na lang sa profile ko ay 'married'. I asked him what happened to his account? Sabi niya, ayaw na daw niyang magfacebook. He wants to keep his life in private daw. Sabi ko bahala siya. At tingin ko mas okay na din yun.

After that incident, I got the chance to take a look at his phone again, wala ng password ito. Natuwa naman ako na tinanggal na niya. Nagbasa pa nga ng inbox at sent items, wala naman akong nakuhang information. And then I asked myself ano nga bang information ang gusto kong makuha? Will it satisfy my curioustiy? Mali naman siguro ang iniisip ko. Jed loves me and I know that.

It's a Saturday morning, maglalaba ako ng mga damit namin. Ugali ko na na magcheck muna ng mga bulsa sa mga pantalon kung may laman ba. Mamaya niyan may pera pala o mahalagang bagay, baka biglang mabasa at hindi na magamit pa.

PERFECT (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon