Transformer

72 2 0
                                    

                  Ang laking privilege sa akin na mabigyan ng opportunity na ishare sainyo to, matagal ko na ring gustong magpost dito kaya lang, busy sa school. 

                   I wan’t to share yung mga wisdom nanatutunan ko in my 14 years of existence dito earth (hehee).  Kung sino at ano ako noon.  Let me tell you guys a brief story about my childhood.  By the way I’m Maricar Austria Velasco, a third year student at nag-iisang anak ng aking tatay at nanay.  Lumaki ako sa pamilya na laging masaya, papa’s girl and lola’s pet kaya ako.  Kasi naman super cute ko talaga nung bata pa ako at super daldal (hanggang ngayon naman hahaha!).  Layaw din ako nun sobra, atensyon lagi sakin, lalo ang tatay ko. Kung ano hiniling ko dun at kaya nya eh, bili agad.  Kami ni mama? hhhmmmm... di kami ganun kaclose dati eh, terror yun dati laging salubong ang kilay at seryoso lagi ang fes nya.  Natatandaan ko pa nga sabi ko ke mama, SADAKO....  Kami nga ni papa lagi naming inaasar si mama kasi pikon siya hahahaha peace ma… Pagkabibo ko, nadala ko hanggang magsimula na kong mag-aral.  At eto pa, sabatang edad ko eh nasubukan ko ng tumaya sa sakla hahahaha, (kasi naman ilang beses ng me namatay sa bahay nila lola ko, sino ba naman ang hindi matututo nun noh hahaha) at tuwang-tuwa pa ako pag me perya na sa oval, hindi sa rides hah kundi sa mga taya-taya sa baraha, yung nag-iitsa ba ng bola.  Di rin kami palasimba dati.  Makakapasok lang kami ng simbahan pag pasko or New Year taz pag me patay at binyag hahaha... Kakaloka talaga lifestyle namin before.  Walang kadire-direksyon, walang contentment.

               July 09, 2009 nagbago lahat yun, ang dating buo at masayang pamilya biglang nawala.  “Kakalungkot, kasi umalis si papa”.  Ang sama ng loob ko noon, punung-puno ako ng galit at tanong na bakit nangyari yun.  Napakahirap ng time na yun, nawalan ako ng gana sa pag-aaral, first time na wala ako nakuhang award ng year na yun.  Gulung-gulo isip ni mama nun.  Pero alam ko at sa batang isip ko nakita ko kung pano siya nagpakatatag kahit na me luha sa mga mata nya.  Lahat ng yun kinaya nya para sa akin.

               One day pumasyal kami sa friend ni mama and ininvite nya kami na mag-attend ng Sunday Service at dito mismo sa BETHANY CHURCH.  Hanggang sa baptized na kami ni mama dito.  Pinagpatuloy naming ang will ni Lord “Na mapalapit kami sa Kanya”.  Iba ang feeling kapag nakakarinig ng mga salita ni Lord.

               Napakarami pa naming pinagdaan ni mama, pero di ko na ikukwento pa kasi aabutin kayo ng isang lingo sa pagbabasa nito..hahaha!

               Kundi dahil sa mga pinagdaanan namen, hindi ako magiging ganito kabungisngis na natutong enjoyin ang buhay.  May mga nangyayari kasi sa buhay natin na minsan hindi natin maintindihan pa kasi masyado pa tayo manhid sa pain, hindi natin alam na ang mga nangyayari satin eh para rin sa ikabubuti rin natin.  “Trust in the Lord with all your heart; do not depend on your own understanding.  Seek his will in all you do, and he will show you which path to take. Proverbs 3:5-6”  Kapit tayo kay Lord, have faith in Him.  Everything happens for a reason.  Siya ang sagot sa lahat ng mga pinagdadaanan natin.  “The LORD is good, a stronghold in the day of trouble.  Nahum 1:7 NKJV.    Sa ating mga anak ng mga magulang natin, focus tayo sa pag-aaral natin enjoyin natin ang bawat araw na kasama natin ang parents natin.  Makinig tayo sa mga magulang natin, para satin din naman mga sinasabi nila, kahit na parang pirated DVD na sila na paulit-ulit na lang… hehehe ang gusto nila maging maayos tayo at maging successful sa buhay. 

               Sa lahat ng mga nangyari samin, nagpapasalamat kami at nag-iba ang pananaw namin sa buhay at nagkaroon ng positive na pag-iisip, na mas naa Appreciate na namin ang mga simpleng bagay.  Na ang dami pa palang dapat ipagpasalamat ke Lord.  Binago nya ang puso at isip namin.  Transformation of our mind and heart is the work of God’s Holy Spirit.  Natuto rin kami na magpatawad at irelease ang galit sa mga taong nakagawa ng mali samin.  Napakasarap mamuhay ng walang kinikimkim na sama ng loob at galit sa puso.  Sa papa ko, kung ano man mga nangyari wala na samin ni mama yun, siya pa rin ang nag-iisa kong papa na pogi at malaki pa rin ang respeto ko sa kanya, love ko sila pati ang kapatid ko.     Nagkaroon kami ng peace of mind ni mama at bff ko na siya ngayon. Ehehehe.  Ni hindi nga mababakas sa amin na dumaan kami sa mga pagsubok na ganun ni wala man lang peklat ng past.  God’s love is healing.  At higit sa lahat kundi din dahil sa mga challenges na yun, wala ako ngayon na nagsheshare ng mga Words of Wisdom na natutunan ko sa buhay sa murang edad ko. I am now ready to face the world with renewed strength, courage, patience and confidence dahil alam ko andyan si Lord na laging gagabay sakin…. Sa ating Lahat….  “So do not throw away your confidence; it will be richly rewarded.  You need to persevere so that when you have done the will of God, you will receive what he has promised.” Hebrews 10:35-36

               Lagi nating tatandaan, harapin dapat natin ang mga life’s challenges, wag natin itong katakutan o talikuran, dahil sa likod ng mga yun at pag na overcome na natin lahat yun magiging matapang tayo, matututong enjoyin ang buhay at lalaki pa lalo ang Faith natin kay God. Salamat po sa pagbabasa. GOD BLESS :D sa ating lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TransformerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon