(3)It Hurts

19 0 0
                                    

Hanggang ngayong nasa bahay na ako hindi ko makalimutan si mr.Unknown,, nananakit talaga siya ng babae?, si Lex kaya alam niya kaya na may lalaki dun, pero kung alam yun ni Lex sasabihin niya yun sa akin.

Hayyy hindi ko na nga lang aalalahanin yun,,, sarap kayang humilata sa kama ng walang iniisip.

Ay nga pala si Panget. Umupo ako sa harapan ng aking Laptop para buksan ang aking Facebook, dahil alam kong may message nadun na galing sa aking bestfriend.

1 message sa fb galing kay panget

From Panget
Panget sana maging ok ka diyan, Sorry panget kasi mga after 3 weeks pa ako makakapunta diyan, pero may Mom make sure na magkaklase parin tayo, inaayos na ni mom ang papers ko ee, panget ingat ka diyan huh. Love you muawhhhh

Sweet naman ni Panget, pero ka sad parin kasi after 3 weeks pa siya darating, miss ko na bonding namin.

To Panget
Pan, ang daya mo naman pero Pan promise ang ganda dito, ang saya kasi ibang iba ito sa US, may friend na ako at alam mo ba tinulungan niya ako. Ang saya kasi lahat sila winelcome ako.
Pan alam mo ba, heheh oo nga pala hindi mo alam, pero Pan may lalaking muntik na akong suntukin, ang gwapo niya pero mukhang dala dala niya ang buong mundo, pero alam mo panget nacucurious ako kay mr.Unknown, Sige Pan sana maabutan kitang online kasi di na tayo nakakapagchat ng daretso ee.
Sige Pan I Love You Muawhhhh.

Nakakamiss ang bestfriend ko.
Hayyy mahal na mahal ko talaga si Panget para ko na siyang kapatid kaya pag nagkaboyriend ako sa kanya ko agad ipapakilala.

Naisipan ko nang matulog kaso hindi parin maalis sa isipan ko ang mga nangyari sa rooftop.

Bakit kasi naalala ko nanaman si mr.Unknown, sa loob loob ko parang may something kung bakit ganun nalang ang inakto niya sa akin kanina, curious ako, at may kung ano sa isipan ko na gusto ko malaman ang kwento niya, hindi naman sa tsismosa ako, gusto ko lang malaman ang dahilan.
As I've decided, napag-isipan ko na rin na matulog.

***

"Bakit ba di mo parin siya makalimutan, mag iilan taon kanang ganyan pati sina Mom and Dad naguguluhan na dahil sayo, kalimutan mo nalang siya kami ang nasasaktan sa ginagawa mo ee"

Ang lalaki naman na pinagsasabihan ng kanyang ate ay nanatiling tikom at nakatingin lang sa bintana ng kanyang kwarto

"Ikaw mismo ang nananakit sa sarili mo, pero sana naman makaramdam ka nang sakit"

Ang lalaki'y walang kahit na anong sagot sa mga paalala ng kanyang ate, dahil ang tangi lang pumapasok sa utak niya ay ang magagandang alaala niya sa babaeng sobra niyang minahal, naging manhid na ang kanyang puso sa sakit dahil ang gusto lang niya ay ang pagbabalik ng kanyang minamahal. Kahit anong sabihin ng iba ay hindi na iyon pa niya sinasalo kahit na sabihin pang martir na siya sa babaeng minamahal niya. Ngunit hindi parin niya alam ang dahilan kung bakit siya iniwan ng minamahal niya kung gayong ginawa niya na lahat ng gusto ng babaeng mahal niya king saan siya sasaya.

Samantalang umalis na ang kanyang ate dahil alam niya sa sarili niya na wala kahit na ano ang magpapabago sa kanyang isip, maliban na lang kung may babaeng magpapatibok ng puso ng kanyang kapatid na naghihintay sa babaeng kahit kailan ay di niya tinanggap sa pamilya nila dahil alam niya na ganto ang gagawin sa kapatid niya.


***

Busy siya sa pagbabasa ng message ng kanyang bestfriend...

"Bakit sa tagal ng panahon, hindi ko kayang hindi ka mahalin?"

Ang lalaki ay matagal nang nililihim ang tunay niyang nararamdaman sa babae, dahil alam niyang masisira ang kanilang pagkakaibigan, ngunit alam niya sa sarili niyang hindi niya kakayanin na itago pa ng napakatagal na panahon ang kanyang nararamdaman

"Pag nasa Pilipinas na ako, unti unti ko nang ilalabas ang aking nararamdaman sayo Naveen, mapapasaakin ka, hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba, sisiguraduhin kong walang lalaking magtatangkang agawin ka sa akin, sa akin ka lang NAVEEN"

Hindi din alam ng lalaki, kung papaanong nahulog siya ng sobra sa kanyang bestfriend, na habang tumatagal gagawin niya ang lahat mapasakanya lang ang babae, kahit na siya ay makapatay basta makuha niya lang ang kaniyang BESTFRIEND/ ang babaeng pinakamamahal niya.

Act Like Nothing Is Wrong!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon