Please Be Careful with My Heart (Revised)

390 8 3
                                    

TEASER:

“Sa dami ng nangyari sa buhay ko, dumating ako sa point na hindi ko na kilala ang sarili ko. Hindi ko na alam kung ano ang totoong gusto ko, lalong lalo na kung sino ang lalaking mahal ko. Hindi lang isip ko ang nalilito---pati ang puso. Mahal ko sya noon. Mahal kita ngayon.”

 -Samantha/Bianca

Hindi ako naniniwala sa sinasabi nilang love at first sight, kahit sa love at second sight. Pero ng makita kita, nagbago ang paniniwala ko. Unti-unting nagbabago na rin ang paniniwala ko tungkol sa tadhana. Kung nagkita na tayo noon-----masasabi kong dapat tayong dalawa talaga ngayon. This is fate. And you are my destiny.

 -JD/Jason

“One.. Two.. Three.. Nainlove ako sa loob ng three seconds!”

-Dazz

“Nang sabihin kong mahal kita I mean it forever. Huwag na huwag mong hihilingin sa akin na iwan ka dahil hindi ko kaya.”

“Hindi mo na kailangang magsalita para sabihin kung sino ang mahal mo. Sa mga mata mo pa lang, alam ko na kung sino.”

 -Mike

Author's Note:

WOOOOOPSS! KALMA LANG! Eto na magpapaliwanag na ako. *wink*

As stated sa title na nasa itaas Please Be Careful with My Heart (Revised), Opo REVISED as in nire-vise, re-visited, inulit, sinulat ulet, tinype ulet. Meaning, hindi po ito Book 2. Ito pa rin po iyong ongoing kong story na Please Be Careful with My Heart. Feeling ko kase hindi ko nabigyan ng justice iyong story lalong lalo na iyong mga characters kaya nagkaroon nito. Marami kaseng hindi nasunod sa original plot ng story. Sasabihin ko iyong ilan kaya stay put lang kayo.

Gusto ko ring sabihin na hindi ko muna ito sisimulan hangga't hindi ko pa natatapos  iyong original story. Oo, tatapusin ko na talaga yon. Marami na ang naiinip. HAHAHAHA! Syempre kailangan may ending na 'yon bago ko ito simulan. Pero I'm  telling you guys, huwag na kayong mag-expect ng muuch pa doon dahil gagawin kong light na lang iyong ending. At saka dito sa Revised maraming magbabago. Hindi naman kase totally inulit ko lang iyong buong story, marami pong changes dito, maraming surprise. HAHAHA!  Malay natin hindi na pala si Samantha and bida. O kaya naman biglang si Janna at Justin na ang loveteam. Dito sa revised pwedeng bading na si JD. Who knows di ba? Saka ang boring naman kung ano 'yong nabasa nyo na, yon pa rin ang mababasa nyo rito. Basta guys maraming bago dito. Hindi kayo magsisisi na basahin ito.

Ito po ang ilan sa mga hindi nasunod sa original story:

* Kasali dapat sa story si Jake at Bea. Hindi dapat sila patay.

* Si Dazz dapat ang ka-love triangle ni JD kay Sam.

* Extra lang dapat si Mike.

* Slight-kontrabida dapat si Camille.

* Hindi dapat maiinlove si Janna kay Mike.

* Walang awayang mangyayari dapat kay Ericka at Alex. Iyong tungkol sa father ni Ericka,

  wala dapat 'yon. Ewan ko ba kung bakit nasulat ko 'yon.

* Kay Justin dapat maiinlove si Janna.

* Walang Shayne sa eksena. Ewan kung saan nanggaling si Shayne.

* Dapat walang April at Donna sa mga girlfriends ni Sam. Real childhood friends ko

  kase sila kaya napasama. Whahaha!

Hindi ko na maalala 'yong iba. HAHAHA! Sa tagal kong mag-update nakalimutan ko na. Sige sisihin nyo ako. Kasalanan ko naman talaga. Nga pala guys, I think 1 year na ang PBCWH ngayong July or August ata. Di ko na rin maalala. Hahaha!

Sya sige. Yon na yon. Sana Suportahan nyo pa rin ito kahit super tagal kong mag-update. Super busy lang talaga ko sa work. At saka guys, SUPER DUPER THANK YOU sa pagbabasa ng story ko. Hindi nyo po alam kung paano ninyo ako napapangiti everytime nakikita kong nadaragdagan 'yong number of reads ng bawat story.

THANK YOU & GOD BLESS <3

- master_anoch

Please Be Careful with My Heart  (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon