1shot

1 0 0
                                    

Iyak lang ako ng iyak habang nakaluhod at nakatingin sa puntod ng taong pinakamamahal ko.walang tigil ang buhos ng luha sa muka ko. Sobrang tindi ng sakit na bumabalot sa puso ko. Sobrang sakit kapag iniisip kong Hindi ko na siya mahahawakan,Hindi ko na mararamdaman ang mainit niyang mga yakap.

Hinaplos ko ang pangalan niyang nakaukit sa puntod. "Mahal ko bakit mo ako iniwan " muli ay humagulgol ako sa iyak hanggang sa nakatulog na ako.

Nagising ako ng may maramdaman akong malamig na dumadampi sa balat ko."mahal ko gumising ka na" may narinig akong nagsalita at tila pamilyar sa sa akin ang boses na iyon parang boses ng maha--napamulat ako.

Nasilayan ko agad ang anghel na muka ng lalaking mahal ko."r-enz p-ero pa-no na-ngyari?"

"Hushh.. Mahal ko palagi lamang akong nasa tabi mo at Hindi kita iiwan kaya wag kana malungkot. Mahal na mahal kita" napaiyak ulit ako ng biglang niya akong ikulong sa mga braso niya. Iyak ako ng iyak sa dibdib niya. akala ko Hindi ko na ulit mararanasan ang pakiramdam ng makayakap niya. Sobrang saya ko pero Hindi parin mawala sa akin ang pagtataka kung pano siya.. Pano ko siya nakasama ngayon"m-ahal al-am ko Pata-y kana pero pa- "

"Wag kana magisip ng kahit ano mahal basta ang mahalaga ay kasama kita."nakita kong ngumiti siya. Tama si renz ang mahalaga ay kasama ko siya ngayon at Hindi na ko magiisip ng kahit ano basta kasama ko siya pero bigla akong nakaramdam ng takot na iwanan niya ulit ako.

"Mahal ko may gusto ako ibigay sayo." May nilabas si renz na kwintas at sinuot niya sakit" nakatunayan yan na palagi lang akong nasa tabi mo at Hindi kita iiwan." Napangiti ako

"I love you" sambit ko at saka ako umunan sa braso niya Hindi ko alintana ang lamig na bumabalot sa katawan ko ang mahalaga ay kasama ko siya .

"I love you too mahal ko. Nandito lang ako sa tabi mo" pagkasabi niya nun ay bigla na lamang akong nakaradam ng antok pagkalipas ng ilang Segundo at nakatulog na ako.

================================================

NAGISING ako sa tunog ng alarm clock sa tabi ko. Hingal na hingal akong bumangon at umiyak. Napahawak ako sa aking dibdib. Napanaginipan ko nanaman siya. Panaginip na kasama ko siya ulit at sinasabi niya sa akin na nasa tabi ko lang siya at Hindi niya ako iiwan. Hindi ko alam kung magiging masaya ako sa tuwing napapanaginipan ko siya dahil parang totoo ang panaginip Kong iyon at magigising nalang ako bigla. Sobra ko lang siya namimiss at bangungot sakin ang gigising ako araw -araw tuwing umaga na Hindi siya nakakasama,nakakausap at nararamdaman ang init ng kanyang katawan.

Napatingin ako sa kalendaryo. January 13 2015 ng mamatay siya. Ang araw na nasobra akong nagluksa at halos ikamatay ko na. Napapikit ako.bigla kong naalala ang nagyari ng araw na iyon.kasalanan ko. Kasalanan ko ang lahat.

"bakit renz?! bakit mo nagawa sakin ito ?bkit mo ako niloko !!? Pinaglaruan mo lang ako!!"

"Mahal makinig ka sakin please magpapaliwanag ako "

Biglang nagflashback sa aking utak ang muka niyang umiiyak at nagsusumamong patawarin ko. Napasabunot ako sa aking buhok. Nanginginig akong napauko"please tama na ayoko ng maalala"

"Hayop ka!! dalawang taon!! Dalawang taon mo akong pinaglaruan !!! " pinaghahampas ko ang dibdib niya sa sobrang galit ko nun. Malinaw kong nakikita ang muka niya sa alaala ko. Ang mata niyang puno ng sakit at kalungkutan.

Tama na please. Ayoko ng maalala ayoko na!! Ahhhhhh pinaghahampas ko ang ulo ko. Ayoko ng maalala ang susunod na mangyayari

"M-ahal hindi please ma-kinig ka sakin please. Nagawa ko lang yun dahil mahal na mahal ki-ta"

Umiling iling ako"Hindi mo ako mahal. Kung mahal mo ako Hindi mo ako paglalaruan at lolokohin." Dinuro duro ko ang kanyang dibdib"katawan ko lang ang habol mo. Katawan ko lang kaya HINDING HINDI NA AKO MANINIWALA SAYO!!"

Humagulgol na ako sa iyak. Ayoko na maalala. Hindi ko sinasadya please renz.

"A-no ba ang da-pat kong gawin para m-apatawad mo ako"

tiningnan ko siya ng masama.

Please ahhhh!! Tama na !!Hindi ko sinabi yon !!Hindi!!

"Mamatay kana!"

No!!! Kasalanan ko kung bakit Hindi ko na siya kasama ngayon.

To be continue

Shattered Heart (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon