Signs Of Fate (One Shot)

7.9K 231 38
                                    

Signs Of Fate (One Shot)

All Rights Reserved © 2013
_____________________________________________________________________________________

Sa panahon ngayon, 40% na lang ng mga tao sa mundo ang naniniwala sa mga Signs para mahanap ang taong para sa kanila at isa na ako sa 40% na yun. Nandito nga ako ngayon sa park eh, Nagbabakasakali na mahanap ko na siya. Excited ba ako masyado? Hindi naman. Tumingin tingin ako sa paligid ko, Maraming tao ngayon dito sa park na to, Sigurado akong isa sa kanila ang lalaking iyon.

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad.

‘Lord, Please, Bigyan niyo po ako ng sign. Yung lalaking makakabunggo at makakapagpatawa sakin ngayon, ibig sabihin siya na yung lalaking para sa akin.’ Pumikit ako at pinagdikit ang mga palad ko.

“Please, Please, Please Ple---Ouch!” Napaupo sa damuhan dahil sa lakas ng impact ng pagkakabunggo sakin. Tumingala naman ako para makita kung sino yung taong yun at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko sa nakita ko. Isang gwapong nilalang ang nakatayo sa harap ko. ‘Lord, Sobrang bilis naman ata.’

Nakatingin lang siya sakin, Akala ko tutulungan niya akong tumayo pero mas nanlaki ang mata ko ng makita kong tinaasan niya ako ng kilay at pumamewang. “Teh? Huwag kang haharang harang sa daan ko, Okay? At baka maharangan mo ang beauty ko! Nakakaloka ka!” sabi niya saka ako nilagpasan.

“Hmp--- Hmp--- Bwahahahaha!!” Nagpagulong gulong ako sa damuhan sa katatawa. Beki pala yun! Sayang lahi niya ah! Pero teka, Napatawa niya ako.. Yun yung hingi kong sign eh. Napapout na lang ako. Lord, Bakit naman po beki? Tumayo na ako at pinagpag ang damit ko. Hihingi na lang ulIt ako ng sign kay Lord. Tumingin tingin ulit ako sa paligid ko. Hayyy, Sino ba sa kanila ang lalaking nakalaan para sakin? Sign, Sign. Pumikit ulit ako at nagdasal. ‘Lord, Sana po ung unang lalaki na makita kopo, Sana siya na po. Pero sana naman ko gentelman p----’

“Mother Father Gentelman” Napadilat agad ako at napatingin sa pinangagalingan nun. Pagtingin ko, Isang cute na lalaki na sumasayaw ng gentelman tapos may mga back up pa siya na babae. Nacu-cutean talaga ako sa lalaki pero parang may mali?

1% Loading .....

50% Loading .....

100% Loading ....

Napasapo na lang ako ng marealize ko kung anong mali. Lord, Ang sabi ko po, lalaking Gentelman hindi po lalaking nagge-gentelman. Umiling iling na lang ako, Mukhang hindi siya yun. Another sign ulit. Lord, Eto na po talaga.  Sana po, Yung lalaking makakabunggo ko po ulit, Na malaaction star ang dating, Sana po siya na. Tumingin tingin ako sa paligid.

“Hmmm, Mukhang wala pa akong makakabunggo. Hihi.” Kaya habang naglalakad ako, Kumakanta kanta pa ako.

“ Na-na-na-na, Na-na-na-na Love & G--- Ouch! Aray naman!” Napatingin naman ako sa bumunggo sakin mula sa likuran. Pagtingin ko, Isang lalaking nakaleather jacket as in malaaction star ang dating niya. Infairness, Mukhang mayaman siya ah. May hawak hawak pa siyang Iphone5. Sige na, Siya ng mayaman! Tapos bigla siyang tumakbo.

“Te-teka! Sandali lang!” Sigaw ko pero hindi siya huminto sa pagtakbo. Bakit ba siya tumakbo?

“Magnanakaw!” Napatingin ako sa babaeng sumigaw. Isang may edad na babae na umiiyak ang nakita ko.

“Magnanakaw!” Sigaw niya ulit. Nagsilapitan na ulit yung mga tao sa kanya pati na rin ako.

“Ale, Ano pong nangyari?” Tanong nung isang lalaki sa kanya.

Signs Of Fate (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon